Third Person's POV
Nagulat si Bernard nang nagmamadaling tumakbo si Sam palabas ng restaurant. Pero mas nagulat siya nang tawagin ito ni Troy. Hinabol nito si Sam palabas kaya agad niyang itong pinigilan sa braso.
"Why? Did you know her?" Seryosong tanong ni Bernard sa kanya. Lumingon si Troy sa kaniya na may kagulohan sa mukha.
"Ikaw? Paano mo siya nakilala?" Tanong rin nito sa kanya.
"She is my secretary, just answer my question. Bakit mo kilala si Sam?"
Napangisi si Troy sa kaniya.
"Secretary? Maliit talaga ang mundo pinsan. Biruin mo? Ang girlfriend ko noon, secretary mo na ngayon? At nag de-date pa kayo? So, totoo nga ang sinabi ni Trixie?" Hindi makapaniwala si Bernard sa narinig niya mula sa kaniyang pinsan.
Napaisip siya kung ex nga ito ni Sam ay malaki ang posibilidad na siya din ang Ama ng anak ni Sam. Kaya gano'n na lamang ang epekto ng presensya nito kay Sam. Akmang tatalikuran siya ni Bernard nang ito na naman ang pumigil sa kaniya.
"Saan ka pupunta? Malinaw naman sayo na ex-girlfriend ko siya, di'ba? Siguro naman, hindi ka na pipili ng pinagsawaan na ng iba?" Matalim ang tingin na ipinukol sa kanya ni Bernard.
"Stay away from her. Wala akong paki-alam kung ex mo pa siya. I'm warning you, Troy." Banta niya sa pinsan niya. Naiiling na tinignan siya nito.
"Cousin, Cousin. Nakalimutan mo na bang inagaw mo rin sa'kin noon si Lauren? Ang unang babaeng minahal ko?"
"Fuck you! Hindi ko siya inagaw sa'yo! Ako ang gusto niya kaya ka lang naman nasaktan, because you expect na ikaw ang gusto niya! Kaya noong malaman mong ako ang gusto niya ay nagtanim ka na ng galit sa'kin. Tapos ngayon, hahabulin mo si Sam? For what? Ex ka na niya di'ba? Ako na ngayon ang nandito para sa kanya. Kaya back off!" hindi na niya nagawa pang magpigil at pinagtaasan ito ng boses. Wala siyang pakialam kung may ibang tao na na at nakakakita sa pagtatalo nila.
"Huh?! Walang pakialam? Eh, paano kung sabihin ko sa'yong gusto kong bumalik sa kaniya? Paano kung sabihin ko sayong may anak kami?"
Hindi na napigilan ni Bernard ang sarili sa narinig niyang sinabi ni Troy.
Nang una pa lamang niya itong makita sa lobby ay nakitaan na niya ito ng kakaibang pakiramdam. Minsan na rin niyang nakita ang picture ni Sam dahil palagi itong pinapakita sa kanya at kinukwento ng chef nila na si Nanay Esme. Kapag umuuwi siya sa Laguna para dalawin ang kanyang mga magulang.
Kaya nang makita niya ito sa personal ay may connection agad siyang naramdaman. Lalo na no'ng nangyari yung sa elevator dati. Naging mabilis man ang pangyayari ay pakiramdam niya matagal na silang may connection sa isa't-isa. Noong una ay ayaw pa niyang tanggapin na nahuhulog na siya dito. Hindi naman kasi mahirap magustohan si Sam. Bukod sa napakaganda at simple, alam niyang mabait rin ito. She knows how to cook one among the types of girl he wanted to have. Ang simple lang nito at hindi maarte. Nalaman niya din ang ginawang panunuhol ni Trixie sa kanya na tinanggihan nito. Alam niya ang lahat ng kilos nito dahil may CCTV siya sa buong building. Pati nga sa penthouse ay may CCTV siya na naka-connect sa kanyang laptop. Kaya maging sa loob ng kuwarto ni Sam ay meron din siya.
"Wala akong pakialam kung may anak kayo. Hindi mahalaga sa'kin ang past niya. Ipapaalala ko rin sa'yo, hindi nasusukat ang isang babae sa virginity lang. At kung balak mo siyang agawin sa'kin. Mabibigo ka lang dahil sa'kin siya nakatira." Hindi na niya pinag-aaksayahan pang tingnan ang reaksyon ng pinsan sapagkat, tinalikuran na niya ito upang hanapin si Sam.
Hindi niya alam kung saan ito nagpunta dahil sa naging pag-uusap nila.
Samantala, mas pinili ni Sam na bumalik na lang sa opisina. Hindi naman siya puwedeng umalis o pumunta sa isang lugar na puwedeng makapag-pawala ng nararamdaman niya. Dahil kailangan pa rin niyang gawin ang trabaho niya.
Pag-alis niya kanina sa restaurant ay agad siyang sumakay ng taxi pabalik sa kompanya. Iisipin na lamang niyang hindi nangyari ang naging pagkikita nilang dalawa.
Nahirapan silang umusad dahil na-trapik sila sa kalsada. Iniisip pa rin niya kung ano ang naging reaksyon ni Bernard dahil sa ginawa niyang pag-alis kanina. Pero kung ano man ang itatanong nito ay nakahanda naman siyang sagutin 'yun.
Nang makarating na sila sa kompanya ay bumaba na siya sa taxi. Bagsak ang mga balikat na pumasok siya sa lobby. Pansin pa niya ang mga nag-uusap na empleyado na alam niyang siya ang subject. Baka narinig na rin nila na sa penthouse siya nakatira. Pero wala siyang pakialam do'n. Kahit naman kasi anong gawin niya ay may masasabi pa rin ang mga ito sa kanya. Ang mahalaga alam niya sa sarili niya ang totoo.
Nang makarating na siya sa tapat ng private elevator ay pinindot na niya ang button. Bumukas ito pero hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Nakatingin lang siya sa loob nito. Pakiramdam niya ay hindi na naman siya makakahinga kapag pumasok siya sa loob. Kahit ilang beses na siyang sumakay dito ay bumabalik na naman ang takot niya.
Napagtingin-tinginan na siyang ng mga taong sumasakay sa katabing elevator na para sa mga empleyado. Pero hindi pa rin niya kayang humakbang. Nanginginig ang kanyang kalamanan. Hindi niya alam kung dahil ba sa takot pero alam niyang dahil ito kay Troy.
Napa-angat siya ng tingin nang may maramdaman siyang humawak sa kanyang kamay at hinila siya papasok sa loob ng elevator.
"Sir!" Sinarado ni Bernard ang elevator upang umakyat na ito sa top floor kung nasaan ang penthouse. Alam niya kasing hindi okay si Sam kaya hindi niya muna ito bibigyan ng trabaho.
"It's okay, no need to explain." Wika ni Bernard sa kanya nang akmang magpapaliwanag siya dito. "I'll give you a break, tomorrow ka na lang ulit magtrabaho." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay ipinangko niya ito sa kanyang dibdib. Niyayakap, habang tahimik na umiiyak si Sam.
Ngayon lang niya naranasan ang may taong handang damayan siya sa lahat ng kanyang nararamdaman. Gustohin man niyang hindi pumayag sa nais nito na huwag na siyang pagtrabahuhin ay alam niyang ipipilit pa rin nito ang gusto niya. Siguro, dala na rin ng labis na galit niya noon kay Troy kaya hindi niya akalain na ganito pa din ang magiging epekto nito sa kanya.
Nang makarating sila sa penthouse ay inalalayan pa niya ito na maupo sa sofa.
"Kailangan ko munang umalis may titignan akong shipment. Pero babalik din ako. Ikaw na ang bahala dito. Magpahinga ka o uminom kung gusto mo. Ilabas mo 'yan kung gusto mo. Pero pagkatapos niyan gusto ko bumalik na tayo sa dati." Wika ni Bernard bago siya talikuran nito. Hindi niya alam kung bakit nito nasabi ang salawikain na 'yun. Masama ang loob niya kay Troy pero hindi naman niya hahayaan na igupo na lang ang sarili sa lungkot. Kung nagawa niya ito noon ay magagawa niya rin ito ngayon.
Nagpasya siyang magpahinga na lamang sa loob ng kaniyang kwarto. Tinagawan niya ang kaniyang pamilya at kinamusta para magpalipas ng oras. Pagkatapos ng naging usapan nila ay naglinis naman siya at naglaba ng mga damit niya. Pagkatapos ay nag-asikaso na siya ng pagkain para sa hapunan.
Nang matapos siyang magluto ng beef broccoli ay nagpahinga na siya sa sofa. Wala pa din kasi si Bernard at mag alas-sais na ng gabi.
Nagdesisyon siyang pumasok muna sa kwarto at antayin na lamang ang pagdating ni Bernard. Pero kaka-sarado palang niya sa pinto ay may narinig na siyang ingay sa labas kaya muli siyang lumabas upang tignan kung anong ingay ang narinig niya.
Pero nanlaki ang mata niya nang makita niya si Troy. Nakatayo ito sa gilid ng pinto at mataman na nakitingin sa kanya.
"Totoo pala talaga na dito ka na sa kaniya nakatira, Sam. It's okay, kaya ako nagpunta dito para kunin ka na. Sumama ka na sa'kin at puntahan natin ang anak natin. Gusto ko siyang makilala." Seryosong sabi nito sa kanya na ikinagulat niya.
"Anak natin? Kailan mo pa naging anak ang anak ko, Troy? At kailan ka ba naging Ama sa kaniya? Nakalimutan mo na ba kung paano mo kami tinalikuran noon? Huh?!" Sumbat ni Sam sa kay Troy. Ang lalaking may sanhi ng kanyang paghihirap. Hindi niya inakala na makapal pa rin talaga ang mukha nito at pumunta ito sa kung nasaan siya upang sabihin lang 'yun. Wala din siyang ideya kung saan nito nalaman kung saan siya nakatira ngayon.
"I'm sorry, mga bata pa kasi tayo noon at nag-aaral. Hindi ko kayang panagutan ka dahil may mabigat din akong responsibilidad sa pamilya ko. Tiyaka, hinanap kita noong naka-graduate na ako ng college, ngunit hindi na kita nakita ulit." Kapal din ng budhi nito para rumason.
"Sinungaling! Mas mabuti pa na umalis ka, Troy! Hindi ako papayag na bumalik ka sa buhay ko. Mas lalong hindi ako papayag na kilalanin ka na ama ng anak ko. Kaya umalis ka na!" Sigaw ni Sam sa kanya, kasabay ng pagtulak dito. Her eyes began to water.
"I'm really sorry, Sam. I know, hindi gano'n kadali ang patawarin ako. Pero, gagawin ko ang lahat ng paraan para mapatawad mo ako." He may sound sincere, pero hindi na siya magpapaloko pa. Tama na ang problema niya ngayon, ayaw na niyang dagdagan pa. Tinalikuran siya nito at kusang nilisan ang lugar.
Mabilis na sinarado niya ang pinto. Bago pumasok sa kaniyang kuwarto. Muntik na siyang mapaiyak dahil sa labis na galit. Pero hindi deserve ng luha niya na tumulo sa harapan ng lalaking yun. Kaya sa loob ng kwarto niya inilabas ang kanyang sama ng loob.
Hindi rin siya naniniwala sa sinasabi ni Troy. Matagal din naging sila, pero hindi niya nakitaan ng pagsisisi ang mga mata nito no'ng iniwan siya nito dati. Ang mas masakit pa ay paulit-ulit nitong tinatanggi na hindi nito anak ang dinadala niya. Samantalang no'ng magising siya kinabukasan ay hubot-hubad na siya at masakit na ang katawan niya halos, hindi pa nga siya makalakad dahil sa sakit ng pagkababae niya at katabi niya pa ito sa kama.
Dahil sa kalasingan ay hindi niya na alam ang nangyari sa kanila, pero alam niyang ito ang may gawa nito sa kanya. Hindi niya lang gaanong nakita ang mukha nito dahil tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto, pero nakita niya ang maliit na tattoo nito sa kanyang balikat. Hindi niya lang mailarawan, pero kapag makita niya 'yun ay matatandaan niya din 'yun.
Nakaupo siya sa ibabaw ng kama habang yakap ang kanyang mga tuhod. Napagod na rin siguro siya sa paghikbi. Pero nanatili siyang nakayuko at iniisip kung ano ang dapat niyang gawin upang hindi na siya maabala ni Troy.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok mula sa kaniyang pintuan. Bumaba siya sa kama at tinungo ito para buksan.
Bumungad sa kaniya ang nag-alalang mukha ni Bernard. May dala pa itong isang kumpol na bulaklak.
Nagulat na lamang siya nang kaagad siya nitong niyakap.
"Don't worry, hindi na makakaakyat ang lalaking 'yun dito." Sambit ni Bernard na ikinaangat ng tingin niya sa mukha nito. Diretsong nagtama ang mata nilang dalawa.
"Stop crying, okay? Kapag hindi ka tumigil dito ako matutulog mamaya."
Kaagad na humiwalay ng yakap si Sam sa kanya. Naguguluhan pa nga din siya kung bakit siya niyakap nito.
"Paano mo nalaman?" Nagtataka niyang tanong dito.
"Alam ko ang lahat ng nangyayari dito, lalo na sa'yo. I saw it on my CCTV. Tiwala akong umalis pero nang makita kong umakyat siya dito sa penthouse ay nagmadali na agad akong pumunta dito. Pauwi na rin kasi ako kanina. Mabuti na lamang ay hindi ko siya naabutan. Mabuti na lamang wala siyang ginawa sa'yo dahil kung meron... Humanda siya sa akin!" nakatiim bagang na pagsiwalat ng totoo nagpagulo pa lalo sa utak niya.
"Alam mo na ang lahat?" Dahan-dahan tumango si Bernard sa kanya. Alam niyang malalaman din nito ang lahat. Pero hindi niya akalain na ganito ang magiging epekto nito sa kaniya. Inabot nito ang bulaklak sa kanya pero imbis na tanggapin, ay tumingin siyang muli sa mga mata nito.
"Bakit mo po 'to ginagawa, Sir? Bakit ganito ang pinapakita mo sa'kin? Unang-una wala naman tayong relasyon. Pangalawa, sekretarya niyo lang ako. Pangatlo, may anak pa kami ng pinsan mo. Bakit mo ba ako nililito ng ganito?" Nagugulohan niya itong tinatanong.
"Hindi pa ba obvious? I like you." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Bernard kay Sam, inaamin ang tunay na nararamdaman nito para sa kanya.
"You like me? Why? How? Wala pa po tayong isang linggo na magkasama. Paano niyo nasabi?" Mas lalo lang nagugulohan si Sam sa naging confession nito. Napaka-aga at napaka-ikli pa lang ng panahon na kanilang pinagsamahan...
"Sam, noon pa man lagi na kitang naririnig na bukambibig ni Nay Esme. Palagi ka niyang kinukwento sa akin. Nakita ko na rin ang mukha mo sa pictures na nasa cellphone niya. I don't know, but when I saw you personally... I feel like I've known you for so long. Yung anggulo ng mukha mo. Yung amoy mo. I think, I remembered something, pero hindi 'yun malinaw sa akin. And there's a connection between us." Naka-awang ang kanyang labi habang pinapakinggan ang sinasabi nito, at mas lalong hindi siya makapaniwala na kinukwento na pala siya ng kanyang tiyahin sa amo nito.
"Sir, sa totoo lang po hindi ko alam kung maniniwala ako sa inyo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho. At gusto kong kalimutan na ang lahat ng nangyari. Gusto ko magsimula ng panibagong buhay para sa pamilya ko at wala pa sa aking isipan ang magkaroon ng karelasyon." Pag-amin niya sa mahinag tinig. Yumuko siya dahil ayaw niyang makita ang mukha nito.
Narining niyang napabuntong-hininga na ito sa harapan niya. "So, you mean basted na agad ako? Ang malas ko naman, hindi pa nga ako nanliligaw. Wala bang kahit 1% lang na chance na sagutin mo ako?"
"Sir naman, ayoko sana na sabihin ito sa'yo, pero natatakot ako na baka maging fuck buddy lang ako sa'yo. Hindi ko dese—"
"Damn it! 'Yun ba ang dahilan? Sam, kaya ko sinabi sa'yo yung tungkol kay Trixie dasi 'yun ang totoo. Nakikinabang ako sa kanya dahil binibigay niya ang wild sex na gusto ko. Noong una, okay lang kami sa ganitong set-up. No string attached. Pero hindi ko naman inakala na mahuhulog siya sa akin. Kasi ako wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
Pero sa'yo hindi ko alam. I felt something weird every time I see you. At ngayon ko lang ito naramdaman sa isang babae. To tell you honestly, gusto ko din malaman kung lust lang ba itong nararamdaman ko dahil nakakasama kita dito sa buong bahay. Pero habang tumatagal, nagiging kontento ako kahit ang tingnan ka lang. Makausap at makasama. Kaya ibig sabihin, I want more than that. Give me a thousand reason kung bakit ayaw mo sa akin."
"Sir, may anak na ako."
"Okay, that's number one."
"Sir, naman." Reklamo niya dito.
"Sam, hindi mahalaga sa akin ang past. Ang mahalaga ay ang future. I understand kung ayaw mong magtiwala sa akin dahil dumaan ka sa maling tao. But I can wait, hindi kita pipilitin na magustohan ako. Pero sana, give me a chance to court you. At kapag hindi mo pa rin ako magustuhan. I will distance myself from you, and it will be unconditional." Mahinahon na pahayag nito sa kanya. Sa totoo lang ay naiilang pa rin siya. Paano ba naman kasi, hindi niya inaasahan na magkakagusto din pala ang boss niya sa kanya. Pero hindi ibig sabihin no'n ay pwede na siyang maniwala dito, lalo pa't pinsan nito ang lalaking bumuntis sa kanya at iniwan siya.
"Okay Sir." Tipid na sagot niya na ikinakunot ng noo nito.
"Okay? What?"
"Payag na po ako na manligaw kayo, pero sa isang kondisyon. Wala pong pilitan, alam niyo na." Natawa si Bernard sa narinig. Alam niya kasi ang tinutukoy nito na dapat niyang iwasan.
"Okay, hindi naman talaga ako namimilit. Saka hindi ko na rin kailangang gawin 'yun." Nakangising sagot ni Bernard sa kanya na ikinangiwi niya. Dahil alam niyang nagyayabang na naman ito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Sam sa kanya matapos siyang abutan ng malaking paper bag.
"Suotin mo 'yan bukas, magpapakasal na tayo."
"Ano?!" Nagulat siya sa sinabi nito at hindi na napigilan ang mapalakas ng boses kaya napaghampas ng kamay ni Sam si Bernard.
Kaka-akyat lang kasi nila dahil katatapos lang ng office hours. Magbibihis na sana siya, pero bigla itong kumatok sa pintuan niya.
"Pag nagulat, kailangan manakit? Hindi pa nga tayo nagiging mag-asawa battered husband na agad ako?" Reklamo nito habang hinihimas ang matigas na braso na hinampas niya.
Nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi nito kaya nag-iwas siya ng tingin kay Bernard. Kunwari'y sinisilip niya ang laman ng paper bag dahil imposible naman na wedding gown ang laman noon.
"Bakit namumula ka? Kinikilig ka sa banat ko ano?"
"Sir, kung banatan kaya kita ng tuluyan? Saka malabo po 'yang sinasabi niyo. Hindi pa nga kayo nanliligaw husband na agad? Masyado po kayong advance."
"Ano? Hindi pa ba ako nanliligaw sa ginagawa kong ito? Saka nag-kiss na tayo diba?" Kunot noong tanong nito sa kaniya. Bigla niyang naalala ang gabing 'yun na hinalikan siya nito sa labi. Kahit sandali lang 'yun ay inaamin niyang nagustuhan niya rin naman 'yun. Pero napigilan niya ang kanyang sarili dahil baka mapunta na naman sa kung saan ang halik na yun.
"Sir, remember ikaw ang humalik sa akin, di'ba?" Nakataas ang kilay ni Sam habang pina-prangka ang binata. Pumihit ito at umupo sa sofa. Hinawakan nito ang sariling labi bago bumalik ng tingin sa nakatayong si Sam sa harapan niya.
"Yeah, I remember. Para pa nga akong humalik sa sanga ng puno sa gaspang ng labi mo eh."
"Ano?! Hindi yan totoo ah! Kailan pa naging magaspang ang labi ko? Bawiin mo yang sinabi mo, Sir." Sana hindi nalang ito nagsalita kaysa insultohin siya.
"Bakit ko babawiin, eh totoo naman? Sa katunayan nga muntik na masugat ang labi ko. Pero okay lang pwede pa naman yan maretoke." Patuloy na pang-iinis sa kanya ni Bernard.
"Ah, gano'n po ba? Sige basted ka na ha." Naiinis na ipinatong niya ang paper bag sa ibabaw ng mesa at lakas ng loob na tinalikuran ito. Naiinis kasi siya sa ginawa nitong panglalait sa labi niya. Alam naman niyang hindi yun totoo.
"Ang lambot at ang pula kaya ng labi ko, tapos gano'n ang sasabihin niya?" Nakangusong bulong niya sa sarili. Pero bago pa niya mabuksan ang pinto ay nakalapit na ito sa kanya at pinigilan siyang pihitin ang seradura.
"May kailangan pa po ba kayo, Sir?" Inis na tanong niya dito.
"Basted agad? Nakalimutan ko kasi, pwede naman natin subokan for second evaluation." Nakangising sabi nito.
"Ang alin?" kunwari hindi niya alam, tiyaka may second evaluation pang nalalaman. Pero yung basted biro lang din naman niya 'yun. Kinagat ni Bernard ang sariling labi habang sensuwal na pinagmamasdan ang labi ni Sam.
"Yung kiss, subokan natin ngayon. Baka mas malambot na ang labi mo." Saad nito na ikinagulat niya ng husto. She smiled awkwardly.
"Sir, pagod lang 'yan. Kung gusto niyo ng kahalikan hanap na lang kayo ng iba. Magbibihis na po ako." Binuksan niya ulit ang pinto. Pero pinigilan ulit nito ang kamay niya.
"I told you nagbago na ako. Wala na akong babae ngayon." Rason nito sa kanya na tila ba dinedepensahan ang sariling reputasyon.
"Weh? Okay lang naman sa'kin, Sir. Hindi pa naman kita sasagotin." Pamumunto pa niya dito na ikinabuntong-hininga din nito. Animo'y nawalan ng pag-asa, habang ibinigay ulit sa kanya ang paper bag na iniwan niya sa lamesa kanina.
"Wear it tomorrow night. May pupuntahan tayong birthday party." Wika nito sabay talikod sa kanya. Naiiling na hinabol niya ng tingin si Bernard palayo habang papasok sa kwarto nito.
Kaya pala siya binigyan ng black dress dahil para pala yun sa birthday na pupuntahan nila bukas ng gabi. Pero nagtataka siya kung bakit pati siya isasama. Hindi naman siguro nito kailangan ng secretary sa pupuntahan nito, ano?
Pagpasok niya ng kwarto ay naligo muna siya sa loob ng halos kalahating oras. Pagkatapos ay isinabit niya muna ang dress sa cabinet niya. Sigurado siyang hindi lang simpleng handaan ang pupuntahan nila dahil sa gara ba naman ng damit na pinapasuot sa kanya nito para bukas ng gabi.
Kasalukoyan siyang nagsusuklay ng buhok, nang makarinig siya ng pamilyar na boses ng babae. Samantala nagulat naman si Bernard dahil saktong paglabas niya sa kwarto ay bumungad sa kanya si Trixie. Lasing ito at halos hindi na makahakbang ng maayos dahil sa kalasingan.
"Babe! K-Kaya pala... Hindi ka na umuuwi sa condo natin dahil may bago ka na naman palang kinakasamang... b-babae!" Nauutal na sumbat nito kay Bernard.
"How did you get here? Umuwi ka na Trixie." Sinubukan niyang itayo ito ng maayos dahil nakabulagta na ito sa sofa at sirang-sira na ang poise nito dahil sa suot na dress. Pero hinapit din siya nito kaya pati siya ay napasubsob sa kanya.
"I want you... I miss you like c-crazy baby. Please..." Pagmamakaawa nito sa kanya. Habang mahigpit ang kapit nito sa kanyang leeg kaya hindi siya makatayo ng maayos. Samantalang laglag ang panga ni Sam nang makita niya ang eksena nilang dalawa sa sofa. Kaya nagmadali siyang pumasok ulit sa loob ng kuwarto niya.
"Magbabago pala ha? May ibang condo pala ha? Sabi ko na nga ba eh, niloloko lang ako ng lalaking ito!"
Padabog siyang nagtungo sa kama at sumalampak ng upo. Hindi niya alam kung magluluto pa siya ng hapunan. Dahil nasa sala ang dalawa at naglalampungan. Baka sa inis niya ay mahagisan pa niya ng mga asin ang mga ito. Hindi rin niya alam kung alam ba ni Trixie na dito siya nakatira. Basta alam niya sa sarili niyang wala siyang ginagawang masama. Pero gano'n nalang ang pagkagulat niya nang marinig niya ang malalakas na ungol ng babae. Napatakip siya sa kanyang bibig habang namimilog din ang mga mata.
"Ah! Ugh! Babe harder please!"
"Shut up!" Narinig din niyang sigaw ni Bernard. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili kaya nagtungo siya sa pinto at sumilip.
Nakaupo si Trixie sa sofa at nakabuka ang dalawang hita kahit sa direksyon niya ay kitang-kita na niya ang perlas ng timog. Habang si Bernard naman ay nasa paanan nito at hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito dahil nakaluhod ito sa harapan ng babae.
"Kung gusto niyo mag sex, doon kayo sa kuwarto!" Sigaw niya na nagpalingon kay Bernard.
"Ano bang sinasabi mo? Natapilok siya sa pag-akyat ng hagdan kaya inaayos ko lang ang paa niya. Tulongan mo kaya ako dito." Utos nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
"Hey, Beggar! S-Sabi ko na nga ba! I-Inaakit mo ang fiancé ko!" at may lakas pa talaga itong singhalan siya.
"Ako?" Dinuro niya ang kanyang sarili dahil hindi siya makapaniwalang pinagbibintangan siya nito.
"Oo! Haliparot ka! Alam mo na ngang may Fiancé si Bernard nakiki-eksina ka!" Galit na duro nito sa kanya.
"Shut up, Trixie!" Sabat naman ni Bernard pagkatapos ay tumayo at nagtungo sa kanyang kwarto. Kukunin niya kasi ang phone para kumausap ng security na magbababa dito.
Samantalang tumayo naman si Trixie nang makapasok na si Bernard at palapit na ito sa kaniya na ikinagulat niya. Kanina lang kasi ay parang lasing na lasing ito pero diretso pa ang naging lakad palapit sa kaniya nang mawala na si Bernard.
"Dito ka pa talaga nakatira, ha? Ang kapal talaga ng mukha mo! Pero huwag kang mag-alala. Kapag natikman ka na ni Bernard... I'm sure palalayasin ka rin niya." Nakangisi at halos pabulong na wika nito.
"Yun din ba ang ginawa sa'yo kaya ka iniwan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Sam sa kanya na ikinapula lalo ng mukha ni Trixie.
"Hindi niya ako napagsawaan. Dahil sa'kin pa rin naman ang bagsak niya." Tiim bagang sabi nito. At mabilis nitong hinila siya hawak ang kaniyang t-shirt na ikinagulat din niya.
"Ano ba?! Please don't hurt me!" Naghi-histerikal na sigaw nito na akala mo ay sinasaktan. Nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong bitawan at pabagsak na sinubsob ang sarili sa maliit na mesa. Na naabutan naman na eksena ni Bernard.
"Trixie!" Mabilis na nilapitan ni Bernard si Trixie na putok at duguan ang noo nito dahil tumama sa salamin na table. Kaya agad itong nawalan ng malay.
"W-Wala akong ginawa sa kaniya, Sir!" Kaagad na sabi ni Sam sa kanya. Dahil baka isipin nito na siya ang may gawa ng pagka-aksidente nito. Pero tinapunan lang siya ng tingin nito at mabilis na binuhat si Trixie patungo sa elevator.
Naiwan na nakatulala si Sam dahil sa pangyayari. Nangangamba siyang baka isipin nito na sinaktan nga niya ang babaeng 'yun at palayasin siya nito. Dahil hindi man lang siya tinanong kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
One Last Mistakes
RomanceMaagang nabuntis si Sam dahil sa isang pagkakamali. Pero itinama niya yun at nagpatuloy sa buhay. Nagsikap siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak. Dahil tinalikuran na rin ito ng Ama nito at ayaw niyang magmakaawa dito na sustentuhan...
