Chapter 8

1.4K 39 0
                                        

SAM

"Wow ang sarap nito, ah? Anong tawag sa lutong ito?" Tanong niya habang humihigop ng sabaw sa mangkok. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ngayon lang po kayo naka-kain ng sinigang, Sir?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
"Ah, so this is sinigang na pork? I already tasted sinigang with shrimp. But this is much of a better taste." Sagot niya na ikinangiti ko. Syempre! Proud na naman ako sa aking sarili. Masarap daw eh!
"Yes, Sir. Mas masarap po talaga 'yan lalo na kapag maraming gabi."
Lalo na kapag si Inay ang nagluluto.
"Really? Next time magpapa-bili ako ng gabi. Nakalimutan siguro ni Aling Cordia."
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Akala ko kasi siya ang namili ng mga ito.
"Sino po si Aling Cordia?" Usisa ko. Tumigil siya sa pag-subo at tumingin din sa akin.
"Siya ang taga-bili ng groceries ko. Kasambahay namin siya sa pamilya, pero pina-pupunta ko lang siya dito kapag kailangan ko ng stock, saka may regular na nagli-linis ng bahay ko araw-araw, kaya no need to clean. Pero sa kanya-kanya nating kuwarto tayo na lang ang mag-linis hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya. For privacy reason lang." Sabagay, may point naman siya do'n.
"Ah, okay po. Kaya ko naman po mag-linis at mag-grocery para naman ma-palitan ko 'yung pagma-magandang loob niyo sa'kin." Naka-ngiti kong sabi sa kaniya na ikinatigil niya.
"Kaya mo bang sumakay ng elevator mag-isa?" Nakataas ang kilay niya. Nakalimutan ko nga pala na hindi ako basta-basta makaka-baba dito.
Napansin niya siguro ang panana-himik ko kaya nginitian na lamang niya ako.
"No need, Ms. Briones basta mag-focus ka sa trabaho mo. 'Yun lang ang kailangan ko."
"Salamat po."
Ipinagpatuloy ko ang pag-kain at gano'n din siya, tahimik na kaming dalawa hanggang matapos kami. Pagka-tapos niyang kumain ay nag-paalam na siyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Ako na rin ang naghugas ng pinag-kainan naming dalawa.
Pa-pasok na sana ako nang may makita akong babae sa salamin na pinto. May dala siyang mga paper bags at may kausap sa phone. Bubuksan ko na sana ang pinto pero napalingon ako nang marinig ko ang pag-bukas ng pinto ni Sir Bernard.
"Ako na."
Nakasuot lang siya ng bathrobe at basa pa ang kaniyang buhok. Umalingasaw din ang kaniyang mabangong shower gel. Binuksan niya ang pinto at kinuha ang dalang paper bag ng babae. May binigay pa itong itim na card tapos ay umalis na rin ito.
"Sige po, Sir. Papasok na po ako kung wala po kayong ipapagawa." Paalam ko sa kanya.
"Sandali lang, Ms. Briones." Tawag niya sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Ano po 'yun, Sir?"
"Para sa'yo ang mga ito. Mga casual attire para naman may susuotin ka pag-pasok mo bukas." Wika niya sabay abot sa akin ng anim na paper bags.
"Po? Sir, hindi ko po mata-tanggap ang mga 'yan." Katuwiran ko sa kaniya at hindi tinanggap ang inabot niyang paper bags. Nakakahiya! Ang dami ko ng utang sa kanya, tapos pati ba naman damit?
"Kunin mo na, Ms. Briones. Kung ayaw mo ng free, ibabawas ko nalang sa sweldo mo ng isang taon." Dagdag pa niya na lalong ikinapula ng mukha ko.
"Pero, Sir? Mukhang mamahalin ang mga 'yan baka kulang pa ang isang taon kong sahod para mabayaran po 'yan." Litanya ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya dahil sa pagtanggi ko. Yare na baka maubosan pa ng pasensya at masigawan pa ako!
"Mas importante sa'kin na may maayos kang masu-suot lalo na kapag nasa meeting ako kumpara ang halaga ng mga 'yan. Alam mo naman na ikaw ang kasama ko kapag ha-harap ako sa mga meeting at kahit saang business trip ako pupunta. Tanggapin mo na ang mga ito bago pa ako mangalay." Seryosong wika niya sa akin. Nahihiyang tinanggap ko ang mga paper bags pero dahil sa dami at laki ng mga ito ay nahulog ko ang isang maliit na paper bags at lumabas ang laman nitong—
"Durex micro thin?" Sambit ko nang pinulot ko ang box pero bigla niyang inagaw sa akin ang box at mabilis na dinampot ang maliit na paper bag na nahulog.
"Akin 'to, goodnight." Nagmamadali niya akong tinalikuran. Sumulyap pa siya sa'kin bago niya isara ang pinto. Wala akong nagawa kundi pumasok sa aking kuwarto. Ipinatong ko sa ibabaw ng kama ang mga paper bags. Mabigat ang mga 'yun siguro bukod sa mga damit may iba pang naroroon.
Kinuha ko ang laman ng mga paper bags at halos hindi ako maka-paniwala. Bukod kasi sa puro casual dress ang mga 'yun. May mga pares din ng sapatos sa ibang lagayan, limang pares ng sapatos. At limang pares din ng casual dress. Kahit walang price tag ay halata namang mamahalin ang mga ito.
Paano ko naman ba-bayaran ang mga ito?
Kinabukasan ay maaga akong gumising at naligo. Nakabalot pa ng tuwalya ang basa kong buhok. Nakasuot ako ng simpleng bistida. Hanggang tuhod ko ang haba nito. Pang-bahay ko kasi ito kapag wala akong pasok, bago ako lumabas upang maghanda ng almusal. May natira pa naman kaming kanin kagabi kaya gumawa na lamang ako ng fried rice at pritong manok, nag-gisa din ako ng gulay at nilagyan ko ng karne ng manok. Para masarap kasi hindi ko alam kung ano ang mga gustong kainin ni Sir, hindi din naman niya sinasabi. Basta ang sabi niya, ako na daw ang bahala sa lu-lutuin.
Nang makahain na ako at napag-timpla na rin siya ng kape ay lumabas na si Sir sa kaniyang kuwarto. Dala niya ang kanyang lagayan ng laptop at ang maliit na paper bag na nakita ko kagabi. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng maliit na mesa sa sala.
"Kung ano man 'yung nakita mo kagabi kalimutan mo na 'yun. Lahat naman ng lalaking ayaw maka-buntis ay meron noon." Wika niya sa akin habang naghihila siya ng upuan.
"Yung condom, Sir? Sorry po hindi ko din naman sinasadyang maka-kita ng gano'n."
"Ibig sabihin, alam mo na condom ang laman no'n?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.
"Yes po, normal naman po 'yun." Naka-ngiti kong sabi sa kanya. At umupo na rin ako. Actually 'yun ang hindi nagpatulog sa akin kagabi. Marami kasi siyang babae kaya dapat talaga ay mag-ingat siya.
"Uh, alam ba ng boyfriend mo na naka-tira ka dito?" Tanong niya na ikinabigla ko dahilan ng pagka-samid ko. Mabuti na lamang at may tubig sa tabi ko at nakainom ako agad. Simula noong mag-hiwalay kami ni Troy, wala na akong ibang naging boyfriend. Kahit maraming nangli-ligaw sa akin ay hindi ko sila pinapatulan. Dahil para sa anak at magulang ko muna ang lahat ng ginagawa ko ngayon. Gusto kong makabawi sa kanila habang nandiyan pa ang mga magulang ko. Mahirap kasi magka-roon ng boyfriend. Maha-hati pa ang priorities at oras mo.
"W-Wala po akong boyfriend, Sir. Saka hindi po ako nagpapa-ligaw." Diretsyahan kong sagot.
"I hope you don't mind. Nasaan na ang father ng anak mo?" Tanong niya sa'kin. Kaya napatingin ako sa kanya. Inilagay ko nga pala 'yun sa resume ko. Hindi ko naman kinakahiya ang anak ko. He's my life now, and I'm proud to be a single mother. Naitaguyod ko siya sa maayos na paraan kahit ako lang mag-isa.
"Patay na po, Sir. Nasagasaan ng tren." Nakangiting kong sagot. Sinamahan ko pa ng marahan na pag-tawa.
"What? Patay na? Why you're smiling?" nakakunot ang noo niya na tanong sa'kin. Hinigop ko muna ang kape ko bago ko sinagot ang tanong niya.
"Matagal ko na siyang pinatay, Sir. Pagkatapos niyang talikuran ang anak namin." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Wala na akong nararamdaman kay Troy, pero sa tuwing na-alala ko kung paano niya ako pinag-tabuyan noon ay buma-balik pa rin sa alaala ko ang hirap na pinag-daanan ko.
"I'm sorry to hear that. Hindi niya alam kung anong klaseng babae ang sinayang niya. I hope you're okay now." He said, sincerely. Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Totoo ba 'yung narinig ko?
"A-Ay oo naman, Sir! Matagal na rin po 'yun. Wala na rin akong paki-alam. I'm happy now."
Nakangisi kong sabi sa kaniya. Hindi ako naawa sa sarili ko dahil mag-isa kong tina-taguyod ang anak ko. I'm a strong woman and I deserve to be happy.

Mag limang minuto ko ng pinag-mamasdan ang aking itsura sa malaking salamin. Nagda-dalawang isip akong lumabas dahil sa suot kong casual dress. Hindi kasi siya mukhang pang-office attire. Denim yellow ang tela niya at see through naman ang puff sleeves na hanggang siko ang haba. May belt siyang kulay white may butones pa sa gitna hanggang sa ibaba. Hanggang gitnang hita ko ang haba nito. Hindi ko pa na-try na magsuot ng ganito ka ma-mahaling damit, kaya parang hindi ako komportable. Kahit ang close shoes na kulay puti ay mataas din ang takong na sa tingin ko ay three inches ang haba.
Ako ba talaga ito?
Hindi ko inaakala na may iga-ganda pa pala ako. Hindi ko maiwasan ang ngumiti dahil bagay na bagay sa'kin ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata. Kaya lang, do I really deserve this? I mean, isa lang naman akong sekretarya ni Sir Bernard. Tama ba na tanggapin ko ang lahat ng ito?
Masyado na akong nag-overthink, pero sana naman hindi na niya ako bigyan ulit ng mga bagay na gaya nito o iba pang mamahalin na bagay. Malaki na ang nai-tulong niya sa'kin, lalo na nang patirahin niya ako dito. At isa pa, mas ayokong bigyan ng malisya ang lahat ng ipina-pakita niyang ka-baitan. Mahirap na, baka imbis na mawala 'yung pag-hanga ko sa kaniya ay mas lalo pang lumala. Ayokong mag-mahal ng lalaking kahit kailan ay hindi ako magu-gustohan. Masakit 'yun, kaya mabuti na't ngayon pa lang ay dumistansya na ako sa kaniya bago pa ako mahulog ng malalim sa kaniya.
Inilugay ko lang ang mahaba at kulay itim kong buhok na lagpas sa aking balikat. Nag-lagay din ako ng manipis na make-up para naman hindi gaanong maputla ang kulay ko.
Huminga muna ako ng malalim baka sakali na maka-ipon ako ng confidence. Pagka-labas ko ng pinto ay saktong lumabas din si Sir Bernard mula sa kaniyang silid. Bihis na bihis na din ito at as usual napaka-guwapo niya pa rin. Saglit akong napatingin sa kaniya bago ko isinara ang pinto.
Bigla akong nahiya!
Napagawi ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman kong papa-lapit na siya sa'kin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. Kaya lalo akong nakaramdam ng pagka-ilang.
"Mabuti naman at sinuot mo. See? Bagay sa'yo, hindi ka na mukhang sales lady sa mall. May lunch meeting ako mamaya kay Mr. Morales di'ba? Sumama ka na sa'kin, and then iha-hatid muna kita dito. May importante lang akong dadalawin. Dito ako mag di-dinner kaya sarapan mo yung lulutoin mo. If need mo ng ibang ingredients, call me. Para matawagan ko si Aling Cordia." Mahabang bilin niya sa'kin. Pagkatapos ay nauna na siyang lumakad palabas. Naka-ngiting sinundan ko siya ng tingin. Ang lapad kasi ng balikat niya at bagay na bagay din ang suot niyang three-piece suit. Pero sa haba ng sinabi niyang 'yun, pinakaunang linya lang ang malinaw sa'kin. Which is bagay daw sa akin ang suot ko. Grabe naman siya sa sales lady. Eh, mas maganda pa nga ang suot nila kaysa sa suot ko kahapon.
"Hey! Hindi ka ba pa-pasok?" Tawag niya sa akin na ikinagulat ko kaya mabilis akong nag-lakad tiyaka sumunod sa kanya.
Nang makarating kami sa opisina ay pumasok na agad siya sa loob. Ako naman ay nagpunta na agad sa table ko. Abala ako sa pagti-tipa ng keyboard nang dumating si Ma'am Trixie.
"Hi, Ma'am. Good morning!" Nakangiti kong pagbati sa kaniya. Pero tiningnan lang niya ako na parang nagda-dalawang isip kung kaka-usapin niya ako.
"Wow! You look different from yesterday. Akala ko nga bago na ulit ang sekretarya, niya pero ikaw pa rin pala. Nice dress, maganda ka rin pala." Nang-uuyam niya akong sinuyod ng tingin.
"Thank you, Ma'am Trixie. What can I do for you?" Ipinatong niya ang kanyang bag sa ibabaw ng desk ko. At bahagyang lumapit sa akin.
"Bigay ba sa'yo ni Mr. Villegas ang damit mo?" Tanong niya na ikina-awang ng labi ko. Hindi ko alam kung sa-sagutin ko ba ang tanong niya dahil baka magalit rin siya sa akin. Pero hindi ko naman kayang magsinungaling sa kanya.
"Ah, eh—"
"I knew it! Huwag ka ng mag-paliwanag. Hindi lang naman ikaw ang unang babae na binilhan niya ng damit. But I'm warning you. Limang babae na ang nasabunutan ko at kinaladkad pababa ng building. Kaya kung ayaw mong magaya sa kanila, mabuti pang isipin mo muna ng ilang libong beses. I'm his Fiancé and you're just his secretary, the moment na pumayag kang maging laruan ng boss mo. Siguraduhin mong mas pipiliin ka niya, over me." Nakataas ang kilay niyang pahayag sa akin. At pa-irap niya akong tinalikuran. Bago niya kinuha ulit ang kaniyang mamahaling bag tiyaka nag-tungo sa pinto ni Sir Bernard. Naiwan akong nakatayo at ina-absorb ang lahat ng sinabi niya. Ni minsan, hindi ko inisip na agawin si Sir Bernard sa kanya. At mas lalong hindi ko pinangarap na maging boyfriend siya. Lalo na ngayon unti-unti ko na siyang nakikilala. Hindi ako nagha-hangad na tapunan niya ng espesyal na pagtingin. Ang akin lang naman ay ang makapag-trabaho dito at makilala ang lalaking matagal ko ng hina-hangaan. Si Sir na mismo ang nagsabi sa'kin na huwag ko siyang a-akitin dahil madali siyang ma-akit sa babae at wala akong intensyon na gawin yun.
Padabog kong ibinagsak ang aking puwet sa upuan. Ngayon lang ako naka-encounter ng babae na kagaya niya. Maganda at balingkinitan ang katawan, higit sa lahat ay halatang mayaman pero hindi man lang kayang itago ang sama ng kanyang ugali.
"Ms. Briones, come here." Narinig kong tunog sa intercom. Nagulat pa ako dahil malalim nga ang iniisip ko dahil sa bruha na yun!
"Yes, Sir." Sagot ko sa kaniya at inayos ang aking sarili bago ako pumasok sa loob. Pero natigil ako sa paghakbang nang makita kong nakaupo pa si Ma'am Trixie sa kanyang hita at nakapulupot pa ang kamay nito sa leeg niya samantalang siya naman ay nakahawak sa manipis nitong beywang.
"Ah, ano po 'yun Sir?" Nakayuko 'kong tanong sa kaniya.
"Print me a copy of the agenda for today's meeting. And please order me garlic and cauliflower pasta and lemon juice in the restaurant for my girl—" Hindi na niya natuloy ang sinabi niya dahil yumuko si Ma'am Trixie at inabot ang kanyang labi. Literal na nalaglag ang panga ko dahil naghahalikan lang naman sila sa harapan ko.
"Y-Yes, Sir." Kaagad akong tumalikod dahil ako pa mismo ang nakaramdam ng hiya sa kanila. Dinig na dinig ko pa ang tunog ng halik nila. Nakagat ko ang aking ibabang labi pagka-tapos maisara ang pinto at naiiling na nagtungo sa table ko at naupo.
Ano naman kung naghahalikan sila? Eh, mag-syota naman ang dalawang 'yun. Pero tama bang sa harap ng ibang tao nila 'yun gawin? Pwede naman sila umakyat sa penthouse kung gusto talaga nilang mag-sex. Bakit sa opisina pa? Alam kong hindi dapat ako nangingi-alam pero kasi, hindi naman lahat ng tao ay okay lang maka-saksi o makarinig ng ungol ng iba. Yes, I'm not a virgin. But I was also sensitive dahil babae din ako. Ako pa 'yung nailang at nahiya sa nakita ko imbes na sila.

One Last MistakesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon