Narration V
"Klein."
Naibagsak niya ang hawak na lapis matapos makita ang taong nakatayo sa tapat ng glass door sa opisina niya. Pinakatitigan niya si Griffin. Pawisan ito na halatang galing sa pagtakbo mula sa malayo.
"Paano ka.. paano ka nakarating dito? Nasa Palawan ka.. hindi ba?" Kandautal na tanong niya. Iniisip niya palang ito kanina. Ngunit heto at nasa harap na niya ang binata.
"Klein.. I missed you."
Iyon agad ang unang lumabas sa bibig ni Griffin. Hindi inabalang sagutin ang tanong niya. Humakbang ito palapit sa kanya kaya naman agad siyang tumayo. Ilang saglit pa ay nakakulong na siya sa bisig nito.
"Griffin. What are you doing here?"
"I won't let her do anything stupid again. Whatever she told you, it's not true. Believe me, Klein. I'm all yours. Always."
"Griffin."
"Sorry. Sa iyo lang ako nagkakaganito. Ewan ko ba. Ano bang ginawa mo sa akin?"
Pinigilan niya ang matawa sa nakikitang itsura ng binata. Pawisan ang buong mukha nito at halatang hindi pa nasusuklay ang medyo may kahabaang buhok nito. Pero aaminin niya, gwapo pa rin si Griffin kahit saang anggulo niya tingnan.
"Kinakabahan ako sa'yo, Klein."
"What? Bawal na ba kitang tingnan?"
"No. It's just that.. para mo akong kakainin ng buhay?"
Malakas siyang tumikhim upang pigilan ang sariling tawanan si Griffin. Ngayong nakita na niya ang binata ay naging panatag siya. Kumalma ang buong sistema ng pagkatao niya ngayong nasa harap niya ang binata.
"Bakit kita kakainin? Masarap ka ba?" pagbibiro pa niya rito. Malakas itong napa-ubo. Doon ay hindi na niya napigilan ang sariling tawanan ang binata.
"Now, you're laughing."
"I missed you."
"I know."
"And I'm sorry."
"For what?"
"Pinag-alala kita. Well, sort of. Alam mo naman 'di ba?"
Marahan itong tumango pagkatapos ay kinulong ng mga palad nito ang mukha niya.
"Klein, naging gago ako. I admit that. Pero sa lahat ng naging karelasyon ko. Flings or whatever you call that. Walang-wala sila sa'yo. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Because they don't have my heart."
"Bakit? Nasaan ba ang puso mo?"
"Nasa iyo."
"Ang corny mo. Alam mo ba 'yon?"
"Yeah? Sa'yo lang din."
"Whatever."
Malakas din itong tumawa at tila huminto ang lahat sa paligid niya ng marinig ang tawang iyon ni Griffin. Tila naging musika sa pandinig niya ang tawa ng binata. Oo na. Mukha na siyang ewan pero ayaw niyang matapos ang sandaling iyon. Ilang taon din ang lumipas bago niya narinig ang boses at tawa ng nag-iisang lalaking minahal niya ng lubos.
YOU ARE READING
𝐓𝐎 𝐓𝐑𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]
Short Story"𝓘'𝓿𝓮 𝓰𝓸𝓽 𝔂𝓸𝓾 𝓪𝓵𝓵 𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓶𝓮.." 𝐊𝐥𝐞𝐢𝐧 𝐒𝐡𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐇𝐞𝐦𝐬𝐭𝐨𝐧𝐞 and 𝐆𝐫𝐢𝐟𝐟𝐢𝐧 𝐍𝐢𝐤𝐨𝐥𝐚𝐢 𝐙𝐢𝐦𝐦𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧 were classmates that turns into rivals, and fell in love with each other. They broke up then became stran...