Narration II
"Where are you?"
Matagal bago nakasagot si Klein. She wasn't expecting the call from the stranger in her past now it turns out to be her boss. Muntikan na niyang maibagsak ang cellphone matapos makita ang numero ni Griffin na nakadisplay sa screen. Saglit niya pang kinalma ang sarili bago nagsalita.
"I-I'm with my friend," she answered. She was with Tharine a while ago ngunit umalis din ito matapos ikwento sa kanya ang narinig na pag-uusap ni Griffin at Donovan kanina.
"Klein, I'm pretty sure that he is still in love with you. The way he warned Sir Donovan you'll know that there is something. I mean, Griffin is Griffin. No one can change that. Except you."
She remember the exact words that Tharine said to her.
"Where?" Napukaw ang pag-iisip niya nang marinig ang boses ni Griffin sa kabilang linya. And she had no choice but to answered his question.
"La Palace."
"But it's past midnight already. What are you doing in that kind of place? Do you want me to pick you up?" sunud-sunod na tanong ni Griffin sa kanya. She couldn't help but to feel nervous. And excited at the same time.
And confused.
He's doing it again.
The same Griffin that she know.
"Don't bother. It's fine. I'm on my way home," sagot niya kay Griffin. Hindi na niya hinintay pang makasagot ito at agad na pinatay ang tawag.
Naguguluhan man kung bakit tinawagan siya nang ganoon ni Griffin samantalang ilang taon ang lumipas simula ng huli siyang kausapin nito. Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang posibleng maging dahilan ni Griffin para kausapin siya na tila walang nangyaring hindi maganda sa kanilang dalawa a years ago.
Mabilis siyang naglakad patungo sa labas ng hotel upang mag-abang ng sasakyan. Hindi niya nadala ang sariling sasakyan dahil kay Tharine siya sumabay kanina. Ilang minuto siyang naghintay ngunit wala pa ring dumaraang taxi sa tapat ng hotel. Lagpas alas-dose na ng hatinggabi at mangilan-ngilan na lang din ang mga sasakyang dumaraan. At sa kamalasan ay bumuhos pa ang ulan kaya napaatras siya nang umabot sa kinatatayuan niya ang tilamsik ng tubig-ulan.
'Malas!' pigil ang inis na bulong niya sa sarili.
"Oh gosh. Tumila ka naman please?" pagsumamo niya pa sa ulan ngunit sadyang hindi siya pinakinggan nito dahil mas lalo pa itong lumakas.
"Klein?"
Nahigit niya ang hininga ng marinig ang baritong boses na iyon na nagmumula sa likuran niya. Kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib niya ay siyang pamamawis ng ilong niya na madalas mangyari sa tuwing maririnig niya ang boses. Inis siyang pumikit upang ikalma ang sarili saka hinarap ang bagong dating.
"O-oh?" kandautal na sagot niya.
It was Griffin. May dala itong payong at nakasuot ng hoodie jacket. Weird lang sa paningin niya dahil tila mas lalong gumwapo si Griffin sa ayos nito.
"Akala ko hindi kita maaabutan."
"H-ha?" wala sa sariling tanong niya kay Griffin. Hindi ito nakangiti at bakas ang kaseryosohan sa mukha ng binata. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito ngayon at kung bakit bigla na lamang siya nitong nagawang sunduin.
Kailan lang sila nagkita. Wala pang isang linggo halos simula nang maging boss niya ito. At hindi rin sila nag-uusap. Ngayon lang.
"I'll take you home. Sinabi ni Tharine na hindi ka nakapagdala ng sasakyan."
Tumitig siya rito ng ilang saglit bago marahang tumango. Wala naman na siyang ibang pagpipilian. Kaysa maghintay siya ng matagal bago makahanap ng sasakyan ay mas ayos na rin na may maghahatid sa kanya pauwi.
"Let's go."
Tahimik siyang sumunod kay Griffin. Pinapayungan siya nito habang nakaalalay ito sa balikat niya upang hindi siya tuluyang mabasa ng ulan. Pigil naman ang hininga niya dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya sa mga oras na iyon.
Ilang taon na ang lumipas ngunit tila ganoon pa rin epekto ni Griffin sa kanya. Parang walang nagbago. Mas lalo pa nga yatang lumala dahil nakalapit ulit ito sa kanya.
Pero...
"Griffin? Oh my gosh. It's you!" Mula sa pagkalunod ng isipan tungkol kay Griffin ay natuon ang atensiyon niya sa babaeng nasa harapan nila ngayon. Hindi pamilyar ang babae sa kanya. She admit, the woman is really gorgeous.
"Naiah." Pasimpleng sinulyapan niya si Griffin sa tabi niya na tila nagulat pagkakita sa babaeng tinawag nitong Naiah saka muling nilipat ang tingin sa huli.
"Hey. It's been a long time. I've missed you."
May kung anong kirot ang naramdaman ni Klein matapos makita ang eksena ni Naiah at Griffin. Mabilis na humalik ang babae kay Griffin kaya iniwas niya ang tingin sa dalawa.
Nabasa na siya ng ulan dahil sadyang naitulak siya ni Naiah nang lumapit ito kay Griffin.
Seeing how Griffin respond when Naiah kissed him on the lips.
Kitang-kita niya iyon.
At ang kakaibang kirot na naramdaman niya ang naging dahilan para magising siyang muli sa katotohanan.
Ilang taon ang nakalipas, hindi pa rin talaga siya natuto.
Nagpaloko na naman siya.
Taas noo siyang naglakad palayo kay Griffin at Naiah na hindi niya alam kung kailan matatapos ang paghahalikan ng dalawa. Wala na siyang pakialam kahit tuluyan na siyang nabasa ng ulan.
Lumayo siya ngunit heto at patuloy pa rin siyang sinundan ng nakaraan. Ang malala, lumapit pa sa kanya.
Akala niya nakalimot na siya.
Akala niya ayos na ang lahat.
Ngunit nagkamali siya.
Sinampal pa rin siya ng katotohanang kahit kailan ay walang magiging pagbabago si Griffin Zimmerman.
Pinakita muli sa kanya na hindi niya kailanman mababago ang lalaki.
Tuluyan na siyang napaiyak ng tahimik.
Hanggang sa naramdaman niya ang pagpatong ng jacket sa ulo niya at ang pagyakap ng kung sino sa kanya.
"I'll take you home. I'm sorry."
Ang kaninang tahimik na pag-iyak ay naging malakas nang marinig ang boses na iyon. Yumakap siya sa taong nasa harap habang patuloy sa pag-iyak. Hindi na rin alintana ng huli kahit nabasa na ito sa ginawa niyang pagyakap.
"It's my fault. I'm really sorry."
It was Donovan Crawford. Her savior until this day.
YOU ARE READING
𝐓𝐎 𝐓𝐑𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]
Short Story"𝓘'𝓿𝓮 𝓰𝓸𝓽 𝔂𝓸𝓾 𝓪𝓵𝓵 𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓶𝓮.." 𝐊𝐥𝐞𝐢𝐧 𝐒𝐡𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐇𝐞𝐦𝐬𝐭𝐨𝐧𝐞 and 𝐆𝐫𝐢𝐟𝐟𝐢𝐧 𝐍𝐢𝐤𝐨𝐥𝐚𝐢 𝐙𝐢𝐦𝐦𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧 were classmates that turns into rivals, and fell in love with each other. They broke up then became stran...