Narration IV
'What's wrong with her?'
Griffin tried to calm himself after reading Klein's messenger chat.
'Something's wrong.'
"Hey, man. You good?" Nilingon niya ang nagsalita. It was Justice Wütrich. One of his best friend and a major stock holder under CLEINZ.
"Yeah?"
"May nangyari ba?" tanong pang muli nito. Umupo ito sa bench na nasa tabi niya habang nasa kamay ang isang basong may laman na hindi niya malaman kung ano.
"Klein." Tipid niyang sagot dito. Lumingon ito sa kanya sabay iling.
"Akala ko ba ayos na kayo?"
"Akala ko rin eh," mahinang sagot niya. Muli niyang binasa ang chat nito pagkatapos ay in-off na ang cellphone.
"You should talk to her. Don't even send her any messages. Harapin mo siya. Mag-usap kayo. Minsan kasi mahirap intindihin ang trip ng mga babae."
He knows exactly that Klein is not like other women that he dated before. She's different. And that's the reason why he still into her after all those years.
"You're right. I should talk to her."
"Iyan. Be a man. If you really love her, go. Ako ng bahala sa mga board."
Nakangiting tumayo siya sabay binulsa ang cellphone at tinapik sa balikat si Justice.
"Thanks, man. You're the best."
"But Donovan Crawford is the best one."
Malakas itong tumawa na ikinasimangot niya. Right. Donovan Crawford is one manipulative jerk.
"Talk to you later. Ikaw na bahala rito."
"Sure. Good luck."
Matapos magpaalam ay bumalik si Griffin sa hotel room na tinutuluyan ngunit agad din siyang napahinto nang makita ang dalawang taong nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto. Naikuyom niya ang kamao sa nakikitang eksena ng mga oras na iyon.
"He's not here. Will you please leave?"
"And you are?"
"None of your business. Just leave. Kung ayaw mong magkagulo tayo rito."
Doon na siya lumapit sa dalawang nag-uusap. Sabay na lumingon sa kanya ang dalawa at pagkagulat ang rumehistro sa mukha ng babae. Samantalang tumingin lamang sa kanya ang lalaki bago nilipat ang atensiyon sa kausap.
"Ryker. What brings you here?" Tanong niya sa bisita. Hindi niya inaasahan na mapapadpad sa Palawan si Ryker. Bukod kay Klein ay ilan lamang sa mga kaibigan niya ang nakakaalam kung nasaan siya ngayon. Kilala niya ang mga ito.
"Nothing. Just wanted to visit you before leaving the town."
"Nice. Kailan ka pa nandito?" muling tanong niya na hindi inabalang kausapin ang babaeng nasa tabi lamang niya.
YOU ARE READING
𝐓𝐎 𝐓𝐑𝐔𝐒𝐓 𝐀𝐆𝐀𝐈𝐍 [epistolary]
Historia Corta"𝓘'𝓿𝓮 𝓰𝓸𝓽 𝔂𝓸𝓾 𝓪𝓵𝓵 𝓸𝓿𝓮𝓻 𝓶𝓮.." 𝐊𝐥𝐞𝐢𝐧 𝐒𝐡𝐢𝐚𝐧𝐧𝐞 𝐇𝐞𝐦𝐬𝐭𝐨𝐧𝐞 and 𝐆𝐫𝐢𝐟𝐟𝐢𝐧 𝐍𝐢𝐤𝐨𝐥𝐚𝐢 𝐙𝐢𝐦𝐦𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧 were classmates that turns into rivals, and fell in love with each other. They broke up then became stran...