Chapter 2

27 0 0
                                    

Chapter 2

Friend Request

Agad akong napangiti habang pinapasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin ng aking kwarto. I look so pretty with this dress. I'm wearing my plain pink flamingo colored dress, it was a gift from my dad. Naglagay din ako ng light make-up kasi formal dinner daw ito at kasama ang isa sa business partners nila dad. Medyo kinakabahan nga ako dahil ang alam ko ay kami lang na tatlo ang magdi-dinner.

Someone knocked on my door kaya agad kong kinuha ang aking small white shoulder bag. Binuksan ko ang pinto, revealing my cousin's face. Aba, nakangisi pa.

"Hey couz! Missed me?" He said and hugged me, I hugged him back. I can't deny that I missed my cousin. It's been 2 months since the last time he came home.

"Ofcourse! Not..." I laughed.

"I have so much pasalubong pa naman. Maybe I should give those sa mga bata sa labas" he said in a sad tone.

"Yeah, you should. Those kids need it more than I do" he just smirked with my answer.

"Typical Zhye" he shook his head.

He's Treyton Viglianco. My cousin sa father side, closest cousin to be exact. I mean, marami akong ka-close na pinsan ko lalo na sa father side pero siya talaga yung parang tumayo na kuya ko.

"Let's go na nga! Pinasundo ka lang sakin e, labag 'to sa loob ko, Z!" He said as he walked out of my room.

Pagka dating namin ay agad kaming pumasok sa isang mamahalin na restaurant. Nag ku-kwentuhan kami ni Trey habang naglalakad papunta sa table nila Dad. Naka-assist naman ang waiter sa amin kaya nahanap namin sila agad.

"Oh, heto na pala sila Trey" I heard Dad said to his business partner.

"Tony, here's my unica hija. Come here Zhye" tawag ni Dad kaya agad akong lumapit sa kanyang puwesto at ngumiti sa mag-asawang kaharap nila Mom.

"Good afternoon po" bati ko dito ngunit agad din nawala ang ngiti ko nang makita ang lalaking nasa tabi nito. Tila napansin ito ni Dad.

"Ahh... he's Lucas, anak. Anak siya nina Tony and Ludia. Actually, kagagaling niya lang sa France para sa isang business meeting" paliwanag niya. Tumango na lamang ako bago umupo sa tabi ni Mom.

Nagsimula nang mag usap-usap sila Sir Tony and Dad. Puro business ang kanilang usapan at wala akong balak makisali. Si Trey naman ay seryoso rin itong nakikipag usap sapagkat marami siyang nalalaman pagdating dito. Si Mom naman and Ma'am Ludia ay nagku-kwentuhan lamang tungkol sa kung saan-saan.

Napatingin naman ako sa lalaking katapat ko. Minsan lang ito kumibo, sa tuwing tinatanong ay simpleng sagot lang at wala na siyang ibang sasabihin. Mapanis sana laway neto. Bahagya akong natawa sa aking naiisip. Nagulat ako nang lumingon ito sa akin nang nakakunot ang noo kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Trey na nakikipag tawanan na kila Dad.

Ano ba yan! Sa lahat ba naman kasi ng makakasama namin today ay itong lalaki na 'to pa. Nakakainis talaga!

"Hija, are you okay? You look uncomfortable" tanong ni Mr. Tony.

"Ahh, I'm okay, Mr. Tony" magalang kong sagot kahit kinakabahan ako dahil nasa akin ang titig nilang lahat.

"You can call me Tito nalang, no need to be formal" natatawang sabi nito. Ngumiti naman ako. "Also, do you know my son? You go with the same school, dear. Medyo sikat ang anak ko roon. Mayroon pa nga 'yan na fans cl---

"Pa, stop." Pagputol ni Alu kay Tito.

Napairap naman ako rito. Yes, tama kayo ng basa. Si Alu the great ang katapat ko ngayon. Antonio Lucas na basketball captain sa school, ang pinagtitilian ng mga girls.

A Mind Clouded By Sorrow Where stories live. Discover now