Chapter 5

13 0 0
                                    

Chapter 5

Revelation

Thursday ngayon at nandito ako sa library. Vacant namin sa pangatlong subject kaya naisipan kong pumunta dito, ang tahimik kasi. I want to sleep, hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Pero after 10 minutes of taking a nap, nagising ako.

Sila Yria naman ay pumunta sa cafeteria kanina at lilibot daw sila sa buong campus para humanap ng pogi. I have no time for that. Choss, sa fb ako naghahanap.

So, ayon na nga kanina pa ako dito kaya nakaramdam na ako ng gutom. Makapunta nalang ng cafeteria. Siguro wala na ron sila Aleena kaya nagchat nalang ako sa kanila.

I looked at my watch, 10:35 am. 11:00 am ang lunch time namin. Maybe I should just go get myself a drink and a light meal para makakain pa ako sa lunch. Nang makarating sa Cafeteria ay agad akong naka order dahil kakaunti lang ang estudyante, malamang ay may mga klase sila.

Naupo ako sa may bandang gilid ng glass wall para tahimik ang pagkain ko. Nagulat ako nang magsimulang magtilian yung ibang babae na nasa kabilang table, sa pagkakaalam ko section C 'tong mga 'to eh.

Nakatingin silang lahat sa door ng Cafeteria kaya napatingin ako ron, unti-unting pumasok sina Zach and Blaze. Syempre si Zach chill lang samantalang si Blaze, ayon lahat ng makita na babae kinikindatan. I tried looking for him pero wala ata siya. Huh? Bakit ko naman hinahanap?

I was about to get my mango shake when someone suddenly got it before me. I rolled my eyes at him as he drank it.

Narinig ko ang mga bulungan...

"Omg! Pinuntahan nila si Zhye"

"Hala teh, si Zhye ang pinuntahan omg! Bagay kaya si Zhye at Zach noh?"

"Oo teh, kaya lang puro pag-aaral si Zhye eh. Good thing, may chance tayo kay Zach!"

"Ew anong bagay, tignan mo nga si Zhye! Daig na daig ni Arshey"

"You're right, she's pretty pero poor! Peperahan niya lang si Zach"

Narinig ko pang nagtawanan sila. Hindi ko nalang pinansin at agad na tinampal ang braso ni Blaze. Nakalahati niya na yung mango shake ko!

"Kingina mo Blaze, nainuman ko na 'yan! May laway ko na 'yang straw, yuck!"

Agad niya itong binitawan at sinamaan ako ng tingin. I laughed so hard with his reaction.

"Wtf, Z?! Ngayon mo lang sinabi kung kailan paubos ko na" Reklamo nito. I heard Zach chuckled. He was just beside Blaze, watching us.

I just said that to tease him, hindi ko pa naiinuman 'yon. Ayaw niya kasi yung nainuman na tapos iinuman ulit, laway conscious thingy.

"Tara Zhye sama ka samin?" Zack asked as he sat beside me.

"Saan?"

"Well, may training kami ng basketball ngayon baka gusto mo manood" Blaze explained as he leaned on the other table, waiting for my answer.

"I want to but I still have a class, sorry guys. Magsusulat ako ng notes mamaya bago mag lunch. I missed my class yesterday, so I can't miss it today"

They looked disappointed, so I felt guilty! Sinabi ko nalang na babawi ako bukas kasi P.E naman. They smiled and nodded. After that, nagpaalam na sila para bumili saglit dahil may practice pa nga sila.

I called Aleena pero hindi sumasagot kaya, I called Yria. Good thing she answered my call right away.

"Hey, Z! We're here at the gymnasium. Are you still in the library?"

A Mind Clouded By Sorrow Where stories live. Discover now