Chapter 3

19 1 0
                                    

Chapter 3

Gift

Wednesday. It's already 7:15 am and I'm still here sa dining table, kumakain with mom and dad. May pinagu-usapan sila about sa company namin. Lagi naman...

"Uhh... Mom, Dad, I think It's already late and need ko na pumasok. Mauuna na po ako sa inyo" pagpapaalam ko.

Tapos naman na ako kumain kaya papasok na ako. Baka malate pa ako kung aantayin ko sila matapos. Sabagay, tiyak na late na ako pagpasok ko neto.

"Okay, anak. Ingat ka, ha? Always remember yung mga bilin ko sayo" mom said.

I sighed and nodded. Akmang aalis na ako nang tawagin ako ni Dad.

"Anong average grade mo ngayon?"

Agad akong kinabahan sa tono ng boses nito.

"Hindi pa po kasi naibibigay ang card namin, Dad. Pero sa mga exams, quizzes and activities namin ay halos perfect naman ang lahat" sagot ko. Tumango lamang ito at humigop sa kape niya, still not looking at me.

Tuesday natapos ang exam namin. Buti nalang nagcheck agad nung hapon, kung hindi, wala akong masasabi kay dad ngayon. As expected, I got the highest scores. Although may kaunti akong mali sa iba, wala namang nakalampas sa score ko. That's what I should maintain, my high scores.

"Anong oras ang uwi mo mamaya?"

"4:30 pm po"

"hmm, okay. Hindi ka masusundo ni Rovs mamaya"

Tumango nalang ako at pumunta ng sala para kuhanin ang bag ko. Mag commute nalang siguro ako mamaya.

Pagdating ng school ay agad akong nginitian ng guard dahil kilala niya na ako. Minsan kasi late na ako nakakapasok, buti mabait siya hehe

"Kuya guard, good moring po!" Masigla kong bati dito sabay kaway

"Uy Z! Late ka nanaman. Ang alam ko nagstart na klase niyo kanina pang 7:40" Kumaway din ito at sinabing mag-ingat ako at bilisan na ang pagpasok.

Nang tignan ko ang oras ay nanlaki ang mata ko. 8:15 na pala... sh*t!

Agad akong nagtatakbo papunta sa building namin at sa second floor. Nang marating ko ang aming classroom ay tamang nagkaklase na nga.

"Miss Viglianco, you're late... Again" ani miss Hikua pero nakangiti ito.

"I'm sorry ma'am..." Tumango ito at sinenyasan akong pumunta na sa aking upuan.

"Z! Baket na late ka?" Bungad ni Aleena

"Baka nabusog sa shanghai kagabi" Yria teased kaya inirapan ko sila. Natawa naman ang dalawang bruha nang patago.

"Tigilan niyo nga ako" saad ko at dumukdok na sa desk dahil patapos na rin ang discussion. Manghihiram nalang ako ng notes kay Yria.

"Alam mo na ba yung chismis?" Maya-mayang bulong ni Aleena. Hindi ko alam if ako yung kausap niya or si Yria. 'di nalang ako kumibo at nanatiling nakikinig

"Kanina si Alu, hindi umattend ng practice sa hindi malamang reason. Maraming nagsabi na nakita nila ito sa library simula 6:30 ng umaga hanggang 7:40. Baket kaya noh?"

Agad akong napatayo habang nanlalaki ang mga mata sa narinig.

"Miss Viglianco? Do you have any question? Bakit bigla-bigla kang tumatayo?" pagtawag ni ma'am.

Agad akong umiling at umupo pero hindi pa rin mapakali. Sh*t! Sh*t! Bakit ko nakalimutan! Patay ako neto!! Nagtataka namang napatingin sa akin sila Aleena.

A Mind Clouded By Sorrow Where stories live. Discover now