Chapter 10

195 9 0
                                    

CHAPTER 10
Foundation week

Time flew so fast. Nagdaan ang Christmas at New Year na masasabi kong pinakamasayang naranasan ko sa tanan ng buhay ko.

The Villagracias invited me in both celebrations. Talagang welcome na welcome ako sa kanila. I never had a friend. Kahit nga mga pinsan ko ay hindi ko ka-close sa tuwing may family reunion sa amin.

Kaya naman nakatataba ng puso na may ibang pamilyang nagawang tumanggap sa akin at trinato ako bilang parte rin ng pamilya nila.

Sinama pa nila ako sa exchange gift nilang magpapamilya. Nabunot ko si Zao na niregaluhan ko ng soccer ball. Si Aling Eula naman ang nakabunot sa akin na niregaluhan ako ng crochet na dress. Ang ganda noon at mukhang pinaghirapan niya talaga.

Now, it's January. Xid invited me to the foundation week of Glorious High. Sa unang araw ng foundation week, napakarami na agad ng mga tao. Bukas kasi ang school para sa mga outsider o 'yong mga gustong bumisita.

I was kinda nervous that some of my ex-classmates would recognize me. Fortunately, everyone seemed to have their own world. Sad'yang may mga junior high lang sa labas at naghahanap ng kung sinu-sino. May mga nagtanong pa nga ng pangalan ko at mga nagpapansin sa akin. Nginitian ko na lang dahil mga bata naman.

Hindi kaagad ako pumasok sa loob at naghintay lang kay Xid sa labas. Mayamaya pa ay tumawag na nga siya sa akin. Mabilis ko iyong sinagot.

"Sa'n ka na?" rinig kong tanong ni Xid pagkasagot ko sa tawag niya.

"Nasa labas na ng gate," sambit ko na lang. "I'm wearing a red shirt and white skinny jeans."

Dahil sinabi naman ni Xid sa akin na p'wedeng magsuot ng kahit na ano basta disente tingnan, nagpulang shirt na lang ako at puting skinny jeans. Ang madalas na nakalugay kong buhok ay mataas ko ring itinali ngayon.

Hinanap ako ni Xid. Mabilis ko naman siyang napansin na naghahanap dahil halos mangibabaw siya sa mga estudyante sa tangkad niya.

"Here!" I raised my hand to get his attention. Nang lumingon siya sa akin, nagsimulang maghurumentado ang puso ko sa hindi malamang dahilan.

He was wearing a simple white dri-fit shirt and jeans yet his charisma was overwhelming. Mas bagay talaga sa kanya ang mga simpleng damit.

"Kanina ka pa?" tanong niya sa akin gamit ang malalim na boses nang makalapit siya.

"Hindi naman," sagot ko na lang habang kinakalma ang sarili.

Jeez, Jade! Pull yourself together!

For the past few months I've been close to Xid, there is this uncertain feeling I usually feel whenever he is around. I don't know exactly what it is but I have an idea. I just don't want to consider it.

But now, it keeps giving me hints.

"Ba't naka-cap ka?" tanong ko na lang para maiba ang pokus ko.

Xid was wearing a black cap with three rings. Ang angas tingnan noon sa kanya. Kaso ay ngayon ko lang yata siya nakitang nagsuot ng cap kaya napatanong ako.

"Clout-chasing lang. Pagogi," biro niya.

Napairap na lang tuloy ako. Napangisi naman siya.

Loko talaga.

"Tara na nga. Ang feeling mo," ani ko at hinatak na siya papasok sa school nila, sa school kung saan din kami unang nagkakilala.

"Seryoso! Sikat kaya ako rito."

"E 'di wow, Villagracia."

It's been a while since I entered this school again. At nakagagaan ng puso pumasok dito ngayon lalo na't wala na ang mga sama ng loob ko rito. Sa katunayan nga, kasama ko pa ngayon ang pinakadahilan kung bakit ko kinainisan ang Glorious High.

Woman Like Me (Little Mix Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon