Chapter 1

388 22 34
                                    

CHAPTER 1
Top

"Sino'ng p'wedeng mag-lead para sa gustong mag-register sa club natin bukas sa Mason Club Fair?" Iyon ang tanong sa amin ni Miss Jeyl, coach namin sa dance club at siyang founder din ng Mason Dance Troupe. "Since your club president Dixie is still sick, we need someone to lead your club."

Tahimik lang ang lahat at nakapokus sa kanya, nagpapakiramdaman sa kung sino ang magpiprisinta. Bukas na kasi magaganap ang taon-taong pagpili ng club ng mga estudyante rito sa Mason High.

Once a year, our school holds a club fair. Iyon ang araw na ang lahat ng club ay magtitipon-tipon sa malawak na open field ng campus habang ang mga estudyante ay walang gagawin kung 'di pumili ng club na papasukan nila.

Most classes would be suspended tomorrow, just for that event. Palagi ko rin iyong inaabangan dahil akala mo ay foundation day ang ganap kapag ganoong araw rito sa school.

Isa rin sa dahilan kung bakit nagtatanong si Miss ay dahil hindi pa talaga kami nakakapag-elect ng mga bagong officer ng club namin. Kaga-graduate lang kasi ng mga dating officer at president lang muna ang in-elect namin dahil mas nagpokus kami sa mga gagawin namin sa club fair.

Kaso ay iyon nga. Sa kasamaang palad, mukhang hindi makapupunta si Dixie bukas sa araw ng club fair dahil nagkasakit. Iyon ang dahilan kung bakit naghahanap si Miss Jeyl ng estudyanteng p'wedeng pamunuan ang club bukas.

So, I raised my hand confidently.

"Ako na po, Miss," pagbasag ko sa katahimikan matapos magsalita si Miss Jeyl.

Kahit hindi ko naman ilibot ang tingin ko, alam at ramdam ko na agad ang tingin sa akin ng mga kasama ko sa club.

Miss Jeyl wandered her eyes around despite me, presenting.

"Other hands? Parang lagi na lang si Jade ang nagpiprisinta e." Tumawa siya nang bahagya. "Siya lang ba talaga ang hands-on sa club na 'to?"

It's true though. Simula nang sumali ako sa club na 'to, madalas na akong magprisinta sa mga bagay-bagay at magbigay ng mga ideya. Ang gusto ko lang naman ay makatulong pero mukhang habang tumatagal, hindi ganoon ang nakikita ng iba.

Nagpatuloy si Miss sa paghahanap ng ibang magpiprisinta. Nilibot ko rin tuloy ang tingin ko sa loob ng room namin.

Kapansin-pansin talaga ang pasimpleng pagbubulungan ng iba. Hindi na ako magtataka kung ako na naman ang usapan.

"Siya na lang, Miss," sambit ni Keanna na siyang nasa likuran ko lang. "Bida-bida naman 'yan e."

Pabulong lang ang pagkasabi niya ng huling pangungusap kaya hindi narinig ni Miss kaso hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.

I bared my teeth secretly.

Lagi na lang ba silang may sasabihin?

Dahan-dahan kong pinukulan ng tingin si Keanna at walang emosyon siyang tinitigan. Saglit lang siyang tumitig pabalik bago nag-iwas ng tingin.

Napakibit-balikat na lang ako bago muling itinuon ang titig sa harapan.

Hindi niya naman pala kayang panindigan ang pagiging mahadera niya sa 'kin. Umay.

Ganito palagi kahit saan ako magpunta at lumugar. Parang halos lahat, galit sa akin mula pa noong junior high. Nakasanayan ko na lang kaya hindi na ako naaapektuhan ngayong Grade 12 na ako.

"Alright, Miss le Rios."

Since no one raised their hand and because of what Keanna said, Miss Jeyl decided to entrust our club's name to me for tomorrow. Iyon ang nakapawi ng iritasyon ko mula sa kasamahan ko.

Woman Like Me (Little Mix Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon