Chapter 19

131 7 0
                                    

CHAPTER 19
Miss

I left my phone for the meantime since my turn for the pictorial has come. Kahit noong matapos na ang pictorial, hindi na muna ako nagtangkang mag-online.

I don't know. Ayaw ko na munang mabasa ang reply ni Xid kung nag-reply man siya. I don't want to appear as a "sad girl." I really meant all the sorrys I've said.

Buti na lang din, marami pa ang naka-schedule kong trabaho noong araw na iyon. Nalimutan kong mag-online ulit.

When the night had fallen, I was able to finish all my work for today. Roon ko na ginawa ang plano ko. Bumalik ako sa bakanteng lote ng subdivision namin noon para palipasin ang oras.

I was planning to clear my mind. May kung ano kasi sa lugar na iyon na siyang nakakapagpagaan ng loob ko mula pa noon. Hindi ko naman inasahang makikita ko pala roon ang iniiwasan ko.

Natigilan ako nang makita ko si Xid na nagba-bike sa may bakanteng lote. Talagang paikot-ikot lang siya hanggang sa mapansin niya ang kotse ko.

Jeez! What is he doing here?

My heart then hammered so damn fast. Lalo na noong tumungo si Xid sa may gilid ng kotse ko at sa tapat din ng inuupuan ko. Mabilisan tuloy akong napaayos ng sarili bago unti-unting ibinaba ang bintana para makapag-usap kaming dalawa.

"Bumalik ka," puna ni Xid.

I just smiled at him. In the end, I had no choice but to get out of my car to properly talk to him.

"Madalas ka rito?" tanong ko para may mapag-usapan kaming dalawa.

"Uh-huh," tipid na sagot niya naman.

"Ahh."

Ang puso ko, sobrang lakas at bilis ng kabog. Hindi naman kasi ako handang makikita ko siya ngayon ulit!

Jeez! Ni hindi ako nakapag-isip ng puwedeng pag-usapan ngayong magkaharap kami.

Dahan-dahan akong tumango. Ramdam ko ang awkward ng paligid.

Umay!

"Buti't naisipan mong bumalik?" Siya naman ang nagtanong sa akin.

"W-Wala lang. Na-miss ko lang tumambay rito." Ang dila ko'y tila nagbuhol na naman. Halatang-halata tuloy ang kaba ko.

Ako itong sanay humarap sa maraming tao pero kapag kay Xid, grabe ang kaba ko. Siguro ay dahil may nakaraan kami.

When I noticed our conversation was about to end again, I tried to think of a good thing to talk about.

Gusto ko sanang magpasalamat sa mga sinabi niya sa akin kaninang madaling araw kaso ay baka maging mas awkward kami.

Pinansin ko na lang tuloy ang bike niya.

"Nag-ba-bike ka pa rin pala?" kunwaring puna ko at tinitigan ang bike na gamit niya ngayon.

It looked so cool and cute with its basket. May angkasan din ito, iba sa dati niyang bina-bike. If I remember correctly, the bike he is using right now is called a Japanese bike.

Tinanguan niya ako bilang sagot.

"Ikaw? Nag-i-skateboard ka pa?" tanong niya pabalik sa akin.

With his question, I shook my head slowly. Mapait ko siyang nginitian.

"Simula noong training, binawalan kami para maiwasan ang mga peklat at kung anu-anong aksidente," ani ko.

Mabilis mag-freak out ang fans namin o kahit ng ibang celebrity. They think of us as their "babies" sometimes. May makita lang na pasa o sugat sa amin, sinisisi na agad sa management na kesyo hindi inaalagaang mabuti ng mga ito ang celebrities nila. But that's not always the case in real life.

Woman Like Me (Little Mix Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon