CHAPTER 5
GuiltI am not dumb nor playing the victim. Madalas akong mag-reflect sa mga araw ko at tingin ko, makatuwiran naman ang mga reaksyon ko sa mga ibinabato sa akin ng iba. I think it is a trauma response. Paraan ko iyon para protektahan ang sarili ko.
But... with what happened with Xid, I knew I crossed the line.
Sobrang bigat ng puso ko pag-uwi. Pinagsisisihan kong hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na mabawi agad ang mga nasabi ko sa harap niya.
Jeez!
I tried to get him out of my mind but I couldn't. Nangangamba ako na baka sabihin niya pa talaga kay Aling Eula ang mga nabulalas ko. 'Yong frustration niya nga sa group activity nila, nasabi niya sa mama niya e. Hindi malabong masabi niya rin 'yong totoong ugali ko sa mama niya. Umay!
"Ang bait talaga nitong bata na 'to."
My heart ached when Aling Eula's voice echoed in my ears. Mas lalo lang akong nakaramdam ng guilt.
If you only know me, Aling Eula. Baka pagsisihan mong sinabihan mo 'ko na mabait akong tao. See? I even insulted your work. I am such a piece of shit. Jeez!
I spent my time busying myself, hoping it would make me forget what I've done. Nang sumapit naman ang gabi, bangayan ni Mommy at Daddy ang bumagabag sa akin.
Mommy was mad at my father. Ginabi na kasi ito ng uwi tapos ay lasing pa pala. Hindi raw nagpaalam si Daddy kaya galit na galit si Mommy.
To be honest, I couldn't understand my mother. Siya nga kasi itong madalas umalis nang walang paalam. Lagi siyang nasa labas.
Maybe, Daddy was just so stressed over his work and also because of her. I think it's fine to drink even for once.
Nanatili akong nakasandal sa pader at sikretong pinakikinggan ang pagtatalo ng mga magulang ko.
"Sabi mo, na-bankrupt na 'yong kompanya natin, 'di ba? Tapos nakuha mo pa talagang mag-inom diyan?!" asik ni Mommy.
"Am I not allowed to at least drink my problems away, Heide?!" my father yelled back with equal intensity.
For the first time in a long time, I heard my father raise his voice to my mother. Madalas kasi, nakakapagpigil siya at si Mommy lang itong pala sigaw. Hindi ko alam kung epekto lang ng alak.
"Drinking your problems away and creating another one? Gano'n ba, Jayson?" Hindi pa rin nagpatinag si Mommy. "Wala na nga tayong pera e! Why not save your remaining money for our daughter? Mag-ka-college na si Jade!"
Now that she mentioned me, my heart hammered faster.
Alam ko namang bankrupt na ang pinagta-trabaho-han ni Daddy. Madalas na kasi nilang pagtalunan iyon nitong mga nakaraang linggo.
I trust my father. We've been in this situation for quite a few times and he always manage to find a way out. Pero ang mabanggit ni Mommy ang pag-aaral ko sa college? Ganoon na ba kalala 'yong pangangailangan namin sa pera?
"Wow. Coming from you who made shopping a hobby? Huh?" I hear my father's sarcasm.
"That's my hobby ever since! Even before I met you! Don't expect me to change it just because I chose someone like you!"
Ngayon ko lang yata sila narinig na mag-away nang ganito.
I felt the urge to stop them but for some reason, I couldn't move. Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha.
Natahimik si Daddy. Roon ko sinubukang dumungaw para makita kung ano na ba ang nangyari. Pero mas lalo ko lang pinagsisihan ang ginawa ko.
As I tried to peek, my heart broke when I saw my father's eyes full of pain.
BINABASA MO ANG
Woman Like Me (Little Mix Series #5)
Fiksi RemajaLittle Mix Series #5 | COMPLETED Like a typical youth, Hiraya Jade Le Rios never ceased to be driven by her goal: be the best at everything, especially in dancing. She always has this imaginary competition in her head that makes her aim at the top...