CHAPTER 23
Issue@Unveil:
Sinech itey? Rumored girlfriend ng isang sikat na artista, nakita sa mall na may ka-holding hands na college student?Napatagis ang panga ko habang binabasa ang isang tweet ng sikat na news agency na halatang tungkol sa nangyari kahapon. May kasama pa iyong link ng article nilang ginawa tungkol sa amin nina Jeremy at Xid.
The incident yesterday created a big dent in my career. Una, hindi naman talaga napansin ng fans si Xid e. Pero dahil naglabas ng article ang Unveil, isa sa mga news agency sa Pilipinas na naglalabas ng controversial news sa mga sikat na tao, nadamay si Xid.
I'm pretty sure this is all because of Rowen! Siya lang naman ang nakakilala sa akin kagabi sa mall! Kung hindi niya isinigaw ang pangalan ko, mapayapa kami ngayon ni Xid!
Sa article ng Unveil, nandoon ang ilan pang paparazzi photos ko na tumutungo sa Colegio del Monico kung saan nag-aaral si Xid. Pati na ang deleted picture na in-upload ko noong nakaraan tungkol sa pekeng marriage certificate sa wedding booth noon sa Glorious High kasama ang lumang litrato namin ni Xid noong "kinasal" kami na posibleng nahalungkat nila sa dating page ng wedding booth kung saan in-upload ang documentation ng booth. Tanging naka-blurred lang ang mukha namin.
Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang lahat ng iyon. At para lang mailabas iyon lahat sa kaparehong gabi ng nangyari sa pagdumog sa akin ng fans sa mall, siguro'y matagal na silang nagkakalap ng impormasyon tungkol sa akin at sa relasyon namin ni Xid.
Since, most of my fans are active on social media, the tweet of Unveil immediately became trending. Mabilis nalamang ako ang tinutukoy na babae sa tweet; si Jeremy ang sikat na artista habang usapan-usapan pa rin ang tunay na pagkakakilanlan ni Xid.
"This is what I was telling you, Jade." I heard Manager's disappointment in her tone. Napayuko na lang ako.
It's irritating how I badly wanted to loath Unveil's tweet but I couldn't because I knew to myself I've done the same thing years ago. Mukhang hanggang ngayon, kinakarma pa rin ako ng mga nagawa ko noon sa ibang tao. Ni wala akong magawa kung 'di panoorin ang pagbagsak ko. Higit sa lahat, mukhang sisirain ko na naman ang pangalan ni Xid.
"Sorry, Manager," sambit ko na lang.
Still, I heard her sigh heavily.
Isa yata sa pinakamabigat sa puso ay iyong makadismaya ka ng isang tao. Mas nasasaktan pa ako ngayon dahil sa dinulot ng balita kay Manager at kay Xid kaysa sa idinulot noon sa akin e.
Nagkakagulo ngayon ang management namin ni Jeremy. Dahil pareho naman kaming under sa Dixon Entertainment, mukhang isang statement na lang ang ilalabas para sa kampo naming dalawa. Sa ngayon, pinaiiwas muna kami sa mga reporter para maiwasang maglabas kami mismo ng pahayag.
Dahil din sa utos na iyon sa amin ng agency namin, ni hindi ko maitama ang iniisip ng iba.
My name was trending the moment Unveil published an article about me. Kung anu-ano na ang inisip ng iba. Mayroon pa ngang nagsasabing umalis na lang din daw ako sa Sinclair.
I was bashed terribly. People called me names such as slut, whore, cheater, and so on and so forth which are not true. Hindi ako nagloko. Talaga naman kasing wala kaming relasyon ni Jeremy.
May mga tumawag din sa aking cougar at kung anu-ano pa tungkol naman sa pakikipagrelasyon ko raw sa isang college student. Akala ng iba, mas bata sa akin si Xid.
Still, I couldn't clean my name yet. Masyadong nag-iingat ang agency namin dahil baka may masabi na naman ang fans sa ilalabas naming statement.
Matapos ang pagkausap sa akin ni Manager at ang ilang beses niyang pag-uulit na ipaalala sa akin kung gaano ko siya nadismaya, tumungo na lang ako sa dressing room ko para tawagan naman si Xid.
BINABASA MO ANG
Woman Like Me (Little Mix Series #5)
Roman pour AdolescentsLittle Mix Series #5 | COMPLETED Like a typical youth, Hiraya Jade Le Rios never ceased to be driven by her goal: be the best at everything, especially in dancing. She always has this imaginary competition in her head that makes her aim at the top...