Mike's POV
Matapos ang nakakahiyang tagpo ng magising kami kinabukasan na magkayakap habang nasa gitna si Kaifer ay umiwas ako kay Chloe.
Isang lingo na kaming si nagkikita.Nagulat ako ng makita siya noon sa shop ni Aria ng magbalik si Sophia at ngayon naman ay kasama ito sa kasal nila Liam at Sophia.
At mukhang nahihiya din itong kausapin ako kaya hinayaan ko na lang.
Isang araw pauwi na ako galing ng opisina ng makatanggap ako ng tawag mula kay Nay Linda.Wala daw itong kakilala na kamag anak o kaya ay kaibigan ni Chloe kundi ako.Namatayan daw siya at kailangang umuwi ng probinsiya.
Maysakit si Chloe at hindi nito alam na sinabi sa akin ni Nay Linda.Pagkakuha ng gamit at extrang damit ay nagtungo na agad ako sa bahay nila Chloe.
Matagal bago ako napagbuksan nito ng pinto.Namumutla ito.
Agad kong binitawan ang bag sa gilid at hinawakan si Chloe sa pisngi.
"You are too hot.Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.
Tumango ito at sumiksik sa may sofa at nahiga.
"Bakit narito ka?" tanong niya.
"Babantayan ko kayo ni Kaifer".sagot ko lamang.
"Wag na,nakakahiya naman."
"Wag ka ng tumanggi."Pumasok ako sa kuwarto at kumuha ng kumot.Binalot ko iyon kay Chloe.
Mayamaya ay nakatulog na ito ulit.
Nagprepare ako ng soup.
Kasalukuyang nakasakay si Kaifer sa walker at nagpapaikot ikot sa sala kung saan tanaw ko mula sa kusina.
Lumipas ang buong maghapon at sa wakas ay bumaba na ang lagnat ni Chloe.Medyo nilalayo ko si Kaifer baka mahawaan.
Magkakatabi na naman kaming natulog sa kama.
Nakakapagod but i feel contented.Naisip ko nga na ganito pala ang feeling na may isang pamilya.Thats why excited si Liam sa bagong buong pamilya. At kung bakit laging gustong umuwi ni Gab ng maaga.Because may pamilya siyang naghihintay.
BINABASA MO ANG
FALLING FOR MIKE
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch I - 3 Isang babae lang ang bukod tanging hinangaan ni Michael Norton, isang sikat na architect sa Pilipinas. Ngunit siya ay nabigo. And he promised himself that it wouldn't happen again. Then he met Chloe Anne...