Unexpected (Chapter I)

21 1 3
                                    

My bodyguards are now holding that bith obsess fan of Blake. Well be ready for my heavy hand Aimee Gabriel, ganda sana ng name ano kaso ang panget ng ugali isa pa literal na panget naman talaga. Ay mapang lait tayo ngayon Elinor Janine.

Anyways nag pupumilit na makawala si Aimee sa kamay ng mga bodyguards ko pero hindi siya bibitawan ng mga bodyguards ko dahil alam nilang magagalit ako pag binitawan nila. Siyempre pag nagalit ako may chance na magagalit si Dad matatanggalan sila ng trabaho. Ay napaka bad, joke lang may chance lang na mapapalitan mag babantay sa akin dito sa school.

Papunta ako ngayon sa pwesto nila Aimee, sila Aliana naman at Blake ay sumunod din sa akin. Well kumalma pala yong mga fans ni Blake matapos akong masampal ni Aimee. Kaya ngayon pinapanood nila ngayon kung paano ko ipapatumba itong obsessed fan ni Blake.

Tinignan ko ng masama si Aimee, "Sipain mo nalang" sabi ni Blake sa akin. Magandang idea pero meron na akong gustong gawin dito. "Sige na sipain mo na nag hihintay mga fans ko ohh" ito kinaiirita ko kay Blake eh pala desisyon.

Tumingin ako kay Blake "Pala desisyon ka" nakita ko siyang ngumisi kaya nilingon ko ulit si Aimee hinawakan ko yong chin niya "Ayaw ko sanang dumapo itong palad ko sa mukha mo eh, dahil baka marumihan sayang naman yong lotion na ginamit ko" binitawan ko yong chin niya bago ko binuksan yong bag ko. Kinuha ko yong alcohol ko at papabitawan ko na sana siya sa mga bodyguards ko nang biglang dumapo yong kamay ni Aliana sa mukha ni Aimee.

"Kung si Eli, mabait ako hindi" eka niya kay Aimee habang pinag sasampal niya ito. Tumigil naman si Ana matapos niyang pagsasampalin si Aimee ng apat na magkabilaan. Itong si Blake naman ay tuwang tuwa pumapalakpak pa ang bata. "Pasalamat ka at ayaw kong patagalin yong kamay ko sa mukha mo"

Pinabitawan ko na si Aimee sa mga bodyguards ko at bigla siyang tumakbo paalis, siguro dahil sa kahihiyan na ginawa niya. Guess what guys... Tuwang tuwa parin itong si Blake "HAHAHAHAHA nice job Aliana" sabi niya habang pumapalakpak parin.

Ilang saglit palang ay nag ring na yong bell, sign na para pumasok sa mga room. Ok ito na yong impiyerno ng araw ko ngayon. Mag kakahiwalay kami ng mga upuan nila Aliana at Blake dahil sa isang group research sa science.

Sige mabored kayo sa part na to.. Na bobored na din yong main character ehh. De joke lang actually favorite ko ang science kaya walang mabobired dito. "Class this is the very last day para makapag ready kayo sa mga research niyo dahil next week na tayo mag kikita ulit don natin gaganapin ang defense. Remember to wear an office wardrobe" bilin ng teacher namin.

"Ma'am after defense po sa lahat ng subjects ano pong kaganapan dito sa school?" tanong ng pabida namin classmate na si Mary. But lemme correct you guys pabida nga siya pero hindi naman din masyadong kagalingan. Not judging just saying some facts.

Mrs. Figuel (our teacher) deeply sigh and erase the writings on the board. "The students will have a big event after the defense. It's organized by our principal" OMG!!! big party... Ackk can't wait for that. Then the bell rings "Ok class, see you on our defense day" paalam ni ma'am Figuel.

Pag labas na pag labas ni mrs. Figuel ay pumalit na ang english teacher namin na si mr. Guerrer. The super strict and nakaka takot naming teacher, "Heh... Kamusta kayo gising ba tayong lahat? Dahil ang inaantok sa klase ko ay bibigyan ko ng tres wala na tayong defense sa susunod na linggo kaya mas gusto kong tumahimik kayo at sumagot sa lahat ng mga tanong ko" ang sungit nohh?. "Ms. Dela Fuente, please stand up and distribute these papers to your classmates".

Sweet Peace Where stories live. Discover now