"Making Friends"
HEIGHT WAS SIX feet and two inches, my asset that I was proud of having. Waist was thirty inches, and suit was forty inches. Inseam was thirty-four inches. Beatrice said that those were my body measurements. A perfect measurement of body to adapt their experiments. Since I was fourteen, I started working out because my dad was a golden troop of Central City. He wanted me to be in good shape just like him, and that was why I got those ideal body measurements. In the age of sixteen, I got my full six-pack and veiny arms that some boys could only dream of having.
"Bakit mo naman hindi tinanggap ang inaalok sa iyo ni Dr. Hallick?" tanong niya nang matapos niyang maisukat ang buo kong katawan.
Hindi ko siya sinagot dahil inuna ko munang suotin ang damit ko. Naramdaman niya yatang hindi ko maisasagot ang tanong niya kaya nagsimula siyang magsalita.
"Wala ka bang balak mag-shave ng bigote mo?"
Tinignan ko muna siya sa kanyang mga mata na agad naman niyang ikinailang.
"Wala," tipid kong sagot.
"P-para naman maging maaliwalas naman ang mukha mo."
"Tapos na ba tayo?" tanong ko sa kanya.
Tumango ito bilang sagot sa naging tanong ko. Agad naman akong lumabas sa kanyang sariling laboratoryo at pumunta sa bulwagan ng E.H. Laboratory kung saan doon nagtitipon ang mga kabataan upang kumain, tinatawag nila iyong (EATING PLACE?). Isang buwan daw ang kakailanganin para pag-aralan muna ang aming mga katawan bago nila isagawa ang kanilang eksperimento.
Beatrice said that they were making a super soldier to conquer the Central City. I didn't know if they could control our minds to fight with their side or they were making something bigger that what we expected. Most of us didn't like the idea of being their lab rats. After I saw Erso's daughter, I was so sure that we were in a big trouble. There were no chances that we could survive their horrendous experiment. We were just teens.
Every seven o'clock in the morning, we're being force to hit their gym, then they gave us tablets and forced us to swallow it without a glass of water. They never mentioned what was the name of the tablets. If we insisted to ask, the worst-case scenario would probably a physical abuse, nothing else. When we finished eating our breakfast, Beatrice will be the one to observe our bodies through her cylinder glasses with green liquid.
"Wait!" pagtawag ni Beatrice nang hindi pa ako nakakalayo sa kanyang laboratoryo. Agad naman akong huminto at hinintay itong makalapit sa akin, "may ibibigay pala ako sa iyo."
Agad niyang nilahad sa akin ang isang singsing na panlalaki na mayroong mga kulay. Napakunot naman ako ng noo sa kanyang nilahad. Maka-ilang beses kong tinignan ang singsing at ang kanyang mukha. Nagpapahiwatag na wala akong ideya kung bakit niya ako binibigyan ng ganoong klaseng bagay.
"What's things, is giving gift is one of your professionalisms under CRYPTIC's ethics?" tanong ko sa kanya.
"Don't be such like that, Nate, this is Mood Ring. Version of E.H. Laboratory," sabi niya at sabay kinuha ang kanang kamay ko para isuot sa akin ang singsing, "naaalala ko sa iyo ang aking kapatid na lalaki. Ganyan din siya kapag nakikipag-usap sa ibang tao. Walang kaemosyon- emosyon. Kaya binigyan ko rin siya ng gaya singsing na ito."
Nang masuot ko na ang singsing sa aking daliri ay biglang nagbago ang kulay nito. Dating magkahalong mga kulay ay biglang naging isa. Naging kulay gray. Agad ko mamang tinignan si Beatrice kung bakit nagkaganun ang kulay ng singsing.
"Gray represents sadness," mahinang sabi niya, "I knew it. Try to make yourself happy."
"Then help me escape here," nang masabi ko iyon at agad siyang nanahimik.
"I- I gotta go."
Hindi ko na siya tinignan ng matagal at naglakad palayo sa akin. Tumungo ako sa lugar kung saan nagtitipon ang lahat ng mga kabataang dinukot ng CRYPTIC. Kumakain ang lahat ng tanghalian. Napupuno rin ng mga bantay ang gilid ng silid habang pinapanood ang mga kabataang abala sa pagpupuno ng sikmura ng mga pagkaing kanilang hinanda. Nang makapasok na ako sa loob ay naramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin ng isang bantay na ikinabagsak ko naman sa sahig.
Nag-init agad ang ulo ko sa ginawa niyang iyon at dali-dali akong bumangon para suntukin siya sa mukha pero agad akong inawat ng isang lalaki. Nang makita ko ang mukha ng lalaking umawat sa akin ay nakilala ko siya.
"Bro, huwag mo nang patulan," sabi ni Bain Cane, "talagang naghahanap lang yan ng away," pagpapatuloy pa niya hanggang sa nilayo niya ako sa bantay na tumulak sa akin.
Umupo kami sa bakanteng lamesa at nilahad sa akin ni Bain Cane ang tanghalian naming mga immunes. Isang vegetable salad at isang pork steak. Medyo hindi maayos ang pagakakaluto ng karne kaya hindi ko iyon ginalaw at inubos nalang ang salad.
"Bakit nga pala puno ng pasa ang mukha mo?" biglang tanong ni Bain Cane habang napupuno ng pagkain ang kanyang bunganga.
"Eto ba?" tanong ko sabay kinapa ang aking mukha. Napapikit ako sa sobrang hapdi nang makapa ko ang mga pasa na hindi pa humihilom dahil sa napakaraming tadyak na natanggap ko mula kay Erso Hallick.
"Nauntog lang ako," sagot ko sa kanya at nabakas sa kanyang mukha ang ekspresyong hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko.
"Maiba ako," sabi niya tsaka nilunok ang kanyang pagkain na kanina niya pa minumuya.
"Kinuhaan ka din ba kanina ng body measurements? Sabi kasi sa akin ng babaeng doktor ay hindi daw papasa ang sukat ng katawan ko sa kanilang gagawing eksperimento sa akin. Mabuti narin iyon kase ayoko din naman maging produkto ng E.H. laboratory."
"Naabot ko ang ideal body measurements nila kaya wala na akong magagawa pa. Narinig ko rin na gagawin nila tayong super soldier ng CRYPTIC. Sa tingin mo ba ay papayag ang buong isang daang mga kabataan na maging sunod-sunuran sa kanila?"
Kumagat siya ng piraso ng gulay bago niya sinagot ang tanong ko, "Sa tingin ko gagamit sila ng brainwash technique sa atin para maging sunod-sunuran sa kanila."
Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat nang mayroon akong natuklasang bagay dahil sa sinabi ni Bain Cane. Hindi ako siguradong totoo nga ang iniisip ko pero malaki ang pagkakataong totoo nga ang kutob ko.
"Hindi kaya ang mga tableta na pinapainom nila sa atin ay ang magbubura ng mga isipan natin?"
Tumilapon sa buong lamesa ang kanyang mga minuyang gulay nang nagulat siya sa aking sinabi. Parehong nanlaki ang mga mata namin at agad kaming umaayos sa aming pagkakaupo nang biglang may lumapit na isang bantay.
Tinignan niya kaming dalawa at nang makumbinsi niya ang kanyang sarili na ayos lang ang lahat ay dahan-dahan itong naglakad palayo sa amin.
"Baka nga..." pabulong na sabi ni Bain Cane, "paano natin matatanggihan ang binibigay nilang tableta?"
"Ewan ko. Pero mag-iisip ako ng paraan," sabi ko sa kanya at nahagip ng aking mga mata ang bantay na itinulak ako kanina. Nakatingin ito sa akin ng masama at bilang ganti ay tinignan ko din siya ng masama.
"Mauuna na ako. Ubusin mo na yang pagkain mo," sabi ko sabay tumayo habang hindi ko inaalis ang aking mga mata sa bantay na tumulak sa akin kanina.
Mukhang napikon yata ito at akmang pupuntahan ako para sapakin pero pinigilan siya ng kanyang kasama. Nginitian ko siya ng napakalapad bilang pang-iinsulto na agad naman niyang kinainis ng matindi.
Bawat immunes ay may sariling mga kuwarto. Ang kwarto ko ay nakapuwesto sa pinakalikod ng E.H. Laboratory kaya bago ako makapunta doon ay hingal na hingal na ako sa sobrang layo nito. Agad akong pumasok sa aking kuwarto at hinubad lahat ng suot ko para maligo. Nasa 3:45 na ng hapon at kailangan ko ng tulog upang makapag-isip ng maayos bukas. Sumasakit na rin ang buong katawan ko dahil sa inabot ko sa mga tadyak ni Erso. Kailangan ko ng magpahinga at gumawa ng plano kung paano makatakas sa lugar na kung saan magsisimula palang ang kalbaryo ng isang daang kabataang kanilang dinukot sa loob ng isang araw.
thank you for reading
BINABASA MO ANG
HORSESON [ UNDER REVISION ]
SciencefictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...
![HORSESON [ UNDER REVISION ]](https://img.wattpad.com/cover/275821449-64-k856027.jpg)