CHAPTER TWENTY-THREE

17 4 8
                                        

'Folklore'

"HERE'S YOUR ROOM. Yours in the middle, the other two is in the both side of yours," pagpapakilala ni Dwell sa aming kuwarto sa loob ng bunker. Nasa gitna ang aking kuwarto at ang kay Tellereza at kay Bain Cane naman ay nasa magkabilaang gilid ng aking silid.

Mabuti nalang ay hindi napuruhan ang kanilang Empress sa kuryenteng umatake sa kanya. Hindi ko pa lubusang nakokontrol ng maayos ang aking abilidad kaya nangyari ang mga pangyayaring iyon kanina. Matapos akong pakalamahin ni Tellereza gamit ang kanyang abilidad ay nagawa niyang kausapin ako ng mahinahon para pakalamahin ang aking sarili. Kinausap niya ako gamit lang ang kanyang isip at sa unang bigkas palang ng kanyang salita ay agad akong nakaramdam ng matinding kapayapaan sa aking isip ang puso.

Sabay ng pagkalma ng aking nararamdaman ay siya namang pagbabago ng kulay ng aking singsing. Bughaw ang naging kulay ng aking singsing at hindi ito nagbabago simula nang nakatakas kami sa laboratorya. Ito ang naiwang ala-ala sa akin ni Beatrice nang nasa laboratoryo pa kami. Bigla kong naalala ang itim na kahon na kailangan kong ihatid sa kanyang nakababatang kapatid. Hindi ko nga alam kung saan ko siya puwedeng hanapin. Wala naman akong ideya kung nasaan siya ngayon. Masyadong malaki ang malawak ang sakop ng Central City. Mukhang matatagalan ako na hanapin siya lalo pa't ganito ang sitwasyon namin ngayon.

"Kung nag-aalala ka sa kalagayan ng aming Empress ay ayos na siya ngayon. Hindi naman malala ang kanyang kalagayan. Mayroon naman kaming High-Tech Med na galing sa Headquarters. Makakatulong iyon para sa ikabibilis ng kanyang paggaling," sabi ni Dwell habang ibinibigay sa akin ang susi ng aking kwarto.

"High-Tech— what?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

"You are not ready to know that kind of medicine," sabi niya at nagpalabas ng pilit na pagtawa, "So, get ready tomorrow because we will train you how to use some weapons. Don't forget our deal earlier" sabi niya at agad na naglakad palayo sa akin.

Kahit malayo na ito sa akin ay naririnig ko parin ang bawat hakbang niya papunta sa kabilang pasilyo dahil umalingawngaw sa buong paligid ang nililikha niyang tunog. Kahit nasa ilalim kaming lupa ay nakakahinga naman ako ng maluwag. Medyo nabibingi lang ako dahil sa napakatahimik na paligid. Wala kaseng halos taong naglalakad sa buong bunker kumpara sa E.H. Lab. Lahat daw kase ng miyembro ay mayroong mga misyon. Ito raw ang unang araw na nagkaroon ng misyon ang lahat ng miyembro ng RAPSCALLION.

Tungkol naman sa sinabi ni Dwell kanina ay kailangan daw naming itago muna ang aming mga kakayahan kung sakaling nasa misyon kami. Sinabi ko kase sa kanila na baka patuloy pa rin sa paghahanap ang mga CRYPTIC sa aming tatlo at para raw protektahan ang aming mga pagkakilanlan ay mapipilitan kaming itago muna ang aming kakayahan para sa seguridad namin at sa seguridad ng buong RAPSCALLION. Alam ko naman na mortal na magkaaway ang CRYPTIC at ang RAPSCALLION. Kaya para hindi maulit ang nagyari sa RAPSCALLION noong una ay kailangan naming sundin ang pinag-uutos ng Empress.

Payag naman ang kanilang pinuno na manatili kami dito at maging myembro ng RAPSCALLION. Malaking pakinabang daw kase ang aming abilidad para sa buong bunker. Kung kailangan nila ng tubig ay maaari nilang gamitin ang kakayahan ni Bain Cane para baguhin ang isang bagay upang maging malinis itong tubig. Magiging matibay daw kaming depensa kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangayayri sa buong bunker.

Napabilib naman ang kanilang Empress sa ginawa kong pakikipaglaban sa kanya. Kahit hindi ko daw ginamitan siya ng kuryente ay agad ko naman daw siyang matatalo dahil sa kakaibang bilis at galaw na mayroon ako. Mukhang may silbi rin pala ang pagsasanay na ginawa namin sa loob ng laboratoryo.

Kakalabas lang ni Bain Cane kanina sa medical room at nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin. Agad naman niya akong nginitian at bakas sa kanyang pagmumukha ang labis na pagtataka kung nasaan siya ngayon. Muntik ko nang makalimutan na wala pala siyang malay nang idinala ko siya sa loob ng bunker.

HORSESON [ UNDER REVISION ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon