CHAPTER TWENTY-EIGHT

18 5 9
                                        

'Reynard'

"ARE YOU ready?" tanong ni Dwell habang nag-aayos kami ng aming mga dadalhin na sandata. Dahil pupunta kami sa siyudad ay kailangan naming itago ng mabuti ang aming mga armas para hindi iyon makalikha ng atensyon sa mga golden troops at sa mga simpleng tao.

Nakasuot kami ng itim na suit at gun strap, agad din kaming nagsuot ng itim na trench coat para itago ang aming mga armas. Kapag kakailanganin naming lumaban ay huhubarin lang ang trench coat at puwede na makipagsabayan sa kalaban, ganoon kasimple.

Hindi na bago sa mga miyembro ng RAPSCALLION ang magsuot ng trench coat dahil kailangan daw ito kung gagawin ang misyon. Nasa 9:23 na ng umaga at hindi pa rin kami nakakaalis dahil hindi raw mahanap ni Clifford ang kanyang maskara. Kanina niya pa iyon hinahanap sa kanyang silid pero hindi niya makita. Hindi rin kami puwedeng pumasok sa kanyang silid dahil ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha. Kaya napagdesisyunan ni Dwell na kapag lagpas 10:00 ng umaga at hindi pa rin lumalabas si Clifford ay iiwan namin siya.

"I think we're ready," sambit naming lahat.

"Seems like Clifford can't join us today but at least we have you guys," sabi nyai at tumawa ng kaunti at kami nina Tellereza at Bain Cane ang kanyang tinutukoy.

"Are we going or what?" pagrereklamo ko na agad na nagbago ang kanyang ekspresyon.

"Well. Let's go," sabi niya at agad na kinuskus ang kanyang mga palad at naglakad palabas ng bunker.

Nang makalabas na kami ng bunker ay may narinig kaming putok na baril sa hindi kalayuan. Agad kaming napayuko sa pagkabigla at agad nilibot ang aming mga paningin para hanapin kung nasaan nanggaling ang putok ng baril.

Ilang saglit lang ay isang myembro ng RAPSCALLION ang mayroong hinihilang golden troops. Base sa suot ng troops ay isa siyang scout golden toops.

"Muntik na niyang nakita ang covert. Mabuti nalang ay mayroong mga bantay ang nakapalibot sa mga puno," sabi ng lalaking RAPSCALLION at nakita ko nga ang walang buhay na golden troops. Agad nilang pinasok ang bangkay sa loob at hindi na namin inalam pa ang mga sumunod na nangyari dahil nagmamadali na kami sa aming misyon.

Medyo masukal ang gubat at walang magandang daan sa palagid kaya nahihirapan kaming maglakad. Idagdag pa ang mabibigat naming mga dalang armas na lalong nagpahirap sa aming sitwasyon. Dahil nakaramdam ng uhaw si Bain Cane ay agad siyang gumamit ng kanyang abilidad para gawing maiinom na tubig ang mga bato sa daan. Laking tuwa ang naramdaman naming lahat dahil sa ginawa ni Bain Cane. Kahit papaano ay napawi ang aming uhaw sa kakalakad sa masukal na kagubatan.

"Ilang saglit lang ay makakarating na tayo sa highway," sambit ni Dwell at kahit alam ko na nagsisinungaling siya ay pinilit ko nalang paniwalaan ang kanyang sinabi para naman kahit papaano ay hindi ako mapagod kakaisip na malayo pa ang aming lalakarin.

"Then we are here!" magiliw na sabi ni Dwell dahil sa wakas ay narating na namin ang highway.

Ilang linggo na rin ang nakalipas na huling nakita ko ang highway na ito. Matagal na kase ang mga pangyayari sa E.H. Laboratory. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakalabas kami sa lugar na iyon.

"Hindi ka parin makapaniwala?" biglang tanong sa akin ni Tellereza.

"Binabasa mo na naman ang isip ko?" nakangiting sabi ko sa kanya at agad naman niyang tinanggi ang aking paratang sa kanya, "Kung gusto mong basahin ulit ang iniisip ko ay gawin mo na. Be my guest," nakangiting sabi ko.

Tinignan ko ang kanyang magagandang mga mata habang hinihintay ang kanyang magiging reaksyon sa pagbabasa sa aking isipan. Ilang sandali lang ay ngumiti ang kanyang mga mata at paniguradong nalaman na niya ang aking inisiip.

HORSESON [ UNDER REVISION ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon