CHAPTER TWENTY

30 5 9
                                        

'Rapscallion'

"MOM, I'M HOME..." sabi ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Hindi naman kalakihan ang aming pamamahay kumpara sa mga bahay ng aking mga kaklase. My dad was a postman. delivering mails and parcel posts to businesses and residences. My mom was a housewife, cleaning our entire house when me and dad left for school and work.

I got low scores from five of my subjects. I didn't know what happened. I tried last night to study but I ended up being a failure. I always like a failure kid since I was in grade school, always out of the class, slow to catch up with our topic and because of that, I rarely making friends with my classmates. They didn't like me, and I felt like I always out of place.

Agad kong iniwan ang aking sapatos sa gilid ng pinto at pumunta agad sa kusina para hanapin si mom. Balak ko sanang itago sa kanila ang aking iskor kanina sa pagsusulit pero napagdesisyunan ko na sabihin nalang dahil makakaluwag iyon sa aking dibdib. Wala na rin namang saysay kung itatago ko pa.

Nadatnan ko sa loob ng kusina ang kumukulong tubig sa malaking kawali. Agad ko iyong binuksan para tignan kung ano ang niluluto ni mom at nang makita ko ang loob nito ay doon ako nakaramdam ng matinding gutom. Sa bango at aromang binibigay ng kanyang niluluto ay nakakapagbigay sa akin ng humaling na kumain.

She was cooking a chicken in a ginger broth with sliced green papaya and green leaves of siling labuyo, together with onions and fish sauce. In short, she was cooking Chicken Tinola. One of my favorite dishes during cuddling weather.

"Nandito ka na pala?" agad akong napalingon sa boses na biglang nagsalita. Nakita ko ang mukha ng aking ina. Nakangiti ito sa akin at dahil doon ay nag-aalangan akong sabihin sa kanya ang nakuha kong grado kanina, "Malapit nang magtanghali. Umupo ka na diyan dahil may pasok ka pa mamaya," pagpapatuloy ni mom at ginabayan niya akong umupo sa harap ng lamesa.

Pinaghain niya rin ako ng mainit na sabaw kasama ng napakaputing kanin. Perpektong kombinasyon dahil wala pa ring tigil ang kakabuhos ng ulan mula sa kalangitan.

"Kumusta ang naging pagsusulit ninyo?" tanong niya sa akin at agad kong iniwas ang aking paningin sa kanya.

Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang aking pagkain dahil sa kanyang tanong. Ayaw ko namang basagin o sirain ang kanyang matatamis na ngiti dahil sa nagkaroon ako ng mababang iskor kanina.

Nang mapansin niya yatang wala akong balak na sagutin ang kanyang tanong ay doon na muli siyang nagsalita. Naglaho na ang masaya nitong ekspresyon at agad na hinawakan ang aking kamay.

"Nate. I know you're trying your best to be good at school, but let me know what's your score?" mahinahon niyang tanong sa akin.

"Umm..." nag-aalangan kong sabi sa kanya, "Mababa. Hindi manlang ako nakakuha ng mataas na iskor kanina."

"You didn't make through to your subject's passing score?" napatulala ako sa kanyang sinabi at doon ako nakapag-isip ng malalim bago nagsalita.

"I got through the passing score but I considered it as a failure because I didn't get a high score," nang masabi ko iyon ay agad na nanumbalik ang kanyang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"Masaya ako dahil hindi ka bumagsak sa inyong pagsusulit. Alam ko namang ginawa mo ang iyong makakaya para makakuha ang mataas na marka pero hindi iyon naging sapat. Pero aalalahanin mo na hindi ako galit. Kung nakapasa ka ay ibig sabihin lang ay may natutunan ka kahit papaano. Ano naman kung mataas ang iskor kung wala ka namang natutunan. But as long as you got a low score, don't stay with that. Try to improve more for able to reach what you've been reaching for."

HORSESON [ UNDER REVISION ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon