'The Duel'
HINDI PA RIN niya pinapakawalan si Erso gamit ang kanyang abilidad. Hanggang ngayon ay namimilipit pa rin ito sa sakit at halos lumuwa na ang kanyang mga mata nito sa kanyang nararamdaman. Dahil hindi na alam ng bantay ang kanyang gagawin ay nataranta itong hanapin ang kanyang walkie-talkie para makahingi ng tulong sa iba niya pang kasamahan. Mabuti nalang ay nakahingi na siya ng tulong bago pa nawasak ang kanyang walkie-talkie.
Nagulat ito sa nangyari at dahan-dahang tinignan si Kevin at halos mapatalon ito sa takot nang nakita niya ang nakakahindak na mukha ni Kevin. Napasigaw ito sa sakit nang narinig ko ang pagdurog ng kanyang buto sa kanyang kamay at tumalsik ang sarili nitong dugo sa kanyang mukha. Naiyak na ito sa sakit ng kanyang dinarama at wala pa ring nararamdamang habag si Kevin sa bantay. Wala itong emosyong tinitignan ito habang ginagawa niya ang pagpaparusa sa bantay.
Sa isang iglap ay narinig ko ang paglagatok ng leeg ng bantay at hudyat na iyon na nawalan na siya ng buhay. Nakanganga itong nakahiga sa sahig kasama si Erso na kanina pa na namimilipit sa sakit. Nabaling ang tingin ni Kevin sa akin at agad niya akong inatake gamit ang electric bolts na nasa harap niya. Agad ko namang ginamit ang abilidad ko para makaiwas sa pag-atakeng iyon.
"Why are you doing this? We're both products of CRYPTIC's experiment. We're on the same side!" pagpapaliwanag ko sa kanya para hindi na niya ako atakihin pa.
Mukhang hindi nito ako maintindihan at mas lalong nandilim ang kanyang mukha sa aking mga sinabi. Nawawalan na siya sa kanyang sarili at tila ba ay hindi nito alam ang kanyang ginagawa. Nang maalala ko ang sinabi ng lalaking boses na nasa speaker tungkol sa aking abilidad ay agad kong ginamit sa kanya ang aking kakayahan.
I tried to cause him anxiety and confusion by distorting the electricity inside his brain, but he was too strong and I couldn't fight his ability. He used his telekinetic ability to hold both of my arms and feet. I couldn't move a single muscle under the strong grip of his mind. He slowly crushed my ribs like he was squeezing a fruit until its juice burst out. I screamed in intense pain. Hearing the slow cracking of my bones filled me with an extreme fear of death. Crushing my ribs in slow motion was torture to me, as I felt every bit of pain in my chest. I tried to catch my breath, but I couldn't. He also controlled my breathing pattern, and I was struggling to survive his ability. One more broken rib and I would end up lying in a grave.
After a moment, a group of men entered the room and shot Kevin's neck with a piercing dart that rendered him unconscious. As he lay on the ground, his ability vanished, and that was when I could finally breathe freely. Erso gasped for air after what had happened. Two men helped me stand while I was coughing heavily, and I eventually passed out.
A weird smell interrupted my deep sleep, and I quickly snatched the source of that disgusting scent from Beatrice's hand and threw it away. Beatrice stood stunned in shock after what happened. After a moment, I realized that I was in her laboratory, lying on the white bed.
"That was an herb to help you with your condition!" she scolded me, and I only gave her a blank reaction. "Now that you've spilled all of it, I have nothing to give you. That was the last one."
"I'm sorry" Sabi ko sa kanya at agad niyang inikot ang kanyang dalawang mata sa sobrang inis sa ginawa ko.
Agad akong bumangon nang naglakad ito palayo sa akin. Medyo hindi pa maganda ang pakiramdam ko dahil sa ginawa sa akin ni Kevin. Napasinghap ako sa sakit nang maramdaman ko ang paggalaw ng mga buto ko sa dibdib. Nakalimutan ko na halos pigain na ni Kevin ang buo kong katawan sa kanyang galit. Nababalot ang pang-itaas kong katawan ng benda. Hindi ako makagalaw dahil sa nangyari kanina.
"Huwag mo munang puwersahin ang sarili mo at baka hindi ka makakalabas dito ng buhay," sarkastikong sabi ni Beatrice habang abala ito sa kanyang ginagawa. "Maya't maya ay pupuntahan ko ang ibang immunes para tignan ang kanilang mga kondisyon. Hindi lang ako ang personal doctor mo dito sa E.H. Lab. Lima kayong hinahawakan ko. Ikaw, si Geek, Fausto, Larry at si Bain Cane, kaya umayos ka at magpahinga."
"Bain Cane?" tanong ko sa kanya at agad niya akong nilingon, "Kamusta siya?"
"He's fine—better than you," tipid nitong sagot sa akin at pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Akala ko kase ay hindi niya makakaya ang eksperimentong ginawa sa kanya ng CRYPTIC. Mabuti nalang ay ayos lang siya.
"Can I ask you something about him?" tanong ko sa kanya at tumugon ito sa akin gamit ang kanyang pagtaas ng dalawa niyang kilay, "What's his ability?"
"Matter Transmutation."
I asked her exactly what she meant, and according to her, Bain Cane has the ability of matter manipulation. He can create anything he wishes out of the things around him. He is capable of manipulating the atomic structures of objects, reshaping and reconstructing them into whatever he likes. However, he cannot transform living things as he pleases—only non-living ones.
"How can he do that?" I asked her with a trembling voice.
"We are CRYPTIC. We have technology far more advanced than the technology inside this city," sambit niya at nginitian ako at agad na siyang lumabas gamit ang pinto.
Hindi ko alam kung masaya ba siyang kausap o talagang hindi niya lang gusto akong kausap ngayon.
Pagkatapos niyang mawala sa paningin ko ay bumalik ako sa pagkakahiga para magpahinga. Nang akmang pipikit ako ay bigla kong nakita ang nakakahindik na tingin sa akin ni Kevin. Ang nanlilisik niyang mga mata at ang nakakakilabot niyang tindig ay bumabagabag sa aking isipan. Kahit ano ang aking gawin ay sumasagi sa akin ang pangyayaring iyon.
Hindi ko alam kung bakit labis nalang aking pagkatakot sa kanya. Nakahanap ang CRYPTIC ng isang armas na kayang pulbusin ang buong siyudad gamit lang ang kanyang isipan. Sa ngayon ay hindi pa niya kayang kontrolin ang kanyang kakayahan pero kapag dumating ang oras na magagwa niyang kontrolin iyon ay tiyak matinding kapahamakan ang haharapin ng buong siyudad.
Mukhang kailangan kong bantayan si Kevin ng mabuti para hindi siya magawang kontrolin ng CRYPTIC. Kailangan ko siyang maging kakampi para sa ikabubuti ng lahat. Kapag nalason na ng mga mabulaklaking salita ni Erso ang kanyang isipan ay tiyak magagawa na nilang sakupin ang buong siyudad.
Alam ko naman na madali nila kaming makokontrol gamit lang ng voice remote control pero kapag nakumbinsi ko si Kevin na makipagtulungan sa akin para makatakas kami dito ay madali lang sa kanyang tanggihan ang mga inuutos sa kanya ng CRYPTIC. Ang kanyang utak ay napakapambihira kumpara sa normal na tao.
Kailangan ko ding matutunan ang aking abilidad para sa gagawin kong pagtakas dito. Hindi ako papayag na mabubulok lang kaming lahat sa kamay ng CRYPTIC. Kailangan ko pang patayin si Cruxian gamit ang sarili kong kakayahan. Pinatay niya ang aking mga magulang. Kailangan niyang pagbayaran iyon.
Matapos ang apat na oras kong pagpapahinga ay agad akong ginising ni Beatrice dahil kailangan ko na daw kumain dahil ilang oras daw akong walang laman ang sikmura. Hinahatid nila ang mga pagkain sa bawat immunes sa kani-kanilang mga silid. Dahil hindi ko pa magawang makagalaw ng maayos ay mananatili lang muna ako dito sa laboratoryo ni Beatrice.
"Kailangan mo ng kumain para maging handa ka na sa mga nalalapit ninyong araw para sa pag-eensayo," sambit ni Beatrice habang inihahanda niya ang pagkain sa harap ko.
"Anong klaseng pag-eensayo?"
"Pag-eensayo para magawa ninyong makontrol ang inyong mga abilidad. Sumunod nalang kayo para wala ng gulong mangyari," sabi nito at inabutan ako ng isang kutsara at tinidor.
"Magiging sunod-sunuran nalang ba kami habang buhay sa inyo?" seryosong tagong ko na agad niyang ikinahinto. "Huwag mo na iyong isipin."
Hindi niya ako pinansin at agad tumalikod at sinimulan ang kanyang ginagawa sa kanyang computer. Huminga ako ng malalim at agad na kumain sa pagkaing kanyang inihanda para sa akin. Habang patuloy ako sa aking pagkain ay bigla siya nagsalita habang nakatuon ang kanyang mata sa screen ng kanyang computer.
"Nate," tawag nito sa akin na agad na ikinaangat ng aking ulo, "Wish you all the luck," sabi niya at agad na pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
HORSESON [ UNDER REVISION ]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...
![HORSESON [ UNDER REVISION ]](https://img.wattpad.com/cover/275821449-64-k856027.jpg)