chapter 2

46 7 0
                                    

Continuation....

ALICE POV

Natapos na kaming kumain pero hanggang ngayon naiinis parin ako sa mokong na to, bahala sya hindi ko sya iimikan hanggang makarating kami ng school hmmp!  nakakahiya kaya yung nangyari

"Ma, pasok na po kami," paalam ko sabay halik sa pisngi ni mama,

tiningnan ko si Bryle ng mayhalong pagkairita dahil hindi ko parin sya napapatawad sa ginawa nya. seryoso lang itong nakatingin sakin at talagang nakakatakot kaya nauna nako lumabas ng gate at deretso sa paglalakad patungo sa school, ilang kilometro lang naman ang layo noon hanggang dito sa bahay namin at maaga pa naman kaya lalakarin ko nalang, Siguro mga ilang minuto lang naman ang lilipas bago makapunta ng school.

Pansin kong tahimik lang si bryle habang nakasunod sa akin

Wala bang balak mag salita ang abnormal na to?
Ano kayang nasa isip nya? Kanina pa sya seryoso eh, what if tanungin ko sya?... Hindí, wag na dapat attitude lang tayo pag dating sa kanya. oo tama attitude dapat hmmp( ̄ヘ ̄;) Nagtatalo na yung isip ko, gusto ko sya kausapin pero parang ayoko rin hyyst bahala na nga

"Bryle,"

"Alice,"
Sabay na pagkatawag namin sa isa't isa,

totoo ba ito? Alice ano na kala ko ba attitude tayo? Bakit ikaw pa yung unang tumawag sa kanya? Whaaah! (*﹏*;) */tinapok ang sarili

"B-bakit bryle?," Tanong ko at dahan dahang lumingon sa kanya mula sa likod, eto na naman yung pakiramdam ko kanina.. Nakakaramdam na naman ako ng hiya huhuhu sya kasi eh

"Ahh cge mauna kana mag sabi alice hehe," paubaya ni Bryle sabay nag palinga linga sa paligid nya na may hinahanap na kung ano

"Uhm~ C-cge... Mamaya wag mo na muna akong hintayin pauwi galing sa school," Mabilis na pagkasabi ko sabay talikod ulit sa kanya, hiya parin kasi ako
"Bakit?... Sabi ni tita wag daw akong uuwi ng hindi ka kasama," Aniya ni Bryle.

Un kasi ang bilin lagi sa kanya ni mama, ewan ko kung bakit eh ang lapit lang naman ng school at hindi naman ako mawawala.

"Basta mauna ka nalang o sumama ka sa mga kaibigan mo"

"Sigurado ka?"

"Oo sigurado ako hayaan mo ako na bahalang mag paliwanag kay mama, sasamahan ko kasi si kianna gumawa ng homework sa bahay nila eh," paliwanag ko naman at sumang-ayon sya kaagad, parang kelan lang kaylangan ko pang mag paliwanag ng pagkarami rami para lang pumayag sya tapos ngayon hyst never mind

"Hmm.. okay," tanging sagot ni Bryle.

"Cge, ano nga ulit sasabihin mo??," Tanong ko kanya habang nag lalakad

"Wala tawag lang bukas ulit," sagot nya dahilan para mairita na naman ako sa kanya... Lumipas ang ilan pang mga sandali na walang imikan
nag hiwalay na kami ng dereksyon na pupuntahan dahil magka iba kami ng building no. Na pinapasukan

"Bye!," Paalam ko sabay kaway kay Bryle

"Bye Alice," sabi nmn ni Bryle sabay kaway rin saakin, agad naman syang sinalubong ng mga tropa nya kaya dumeretso nako paglalakad papunta sa room ko, feeling ko kada daraan ako dito parang pinagtitinginan at pinagbubulungan ako ng lahat, pakiramdam ko mag isa na naman ako pag wala si Bryle sa tabi ko.

bata palang kami ni Bryle magkaibigan na kami dahil magkaibigan din ang mga magulang namin.. si Bryle ang tagapag tanggol ko sa mga nambubully sakin simula pa noon, popular sya dto sa school namin dahil bukod sa gwapo sya, talented rin syang tao, maraming babaeng nagkakagusto sa kanya kaya ung iba inaaway ako dahil akala nila mag gf/bf kami, pero hindi mangyayari un dahil parang kuya na ang turing ko sa kanya, may boyfriend narin naman ako pero si Bryle lang ang nakakaalam at wala ng iba.

"HI bess, goodmorning," bati ni kianna sabay ngisi sa akin, bigla nlng syang sumusulpot sa harap ko, isa rin sya sa dahilan ng pagpapaganda ng mood ko sa araw araw kaya thankful talaga ako dahil napakaswerte ko sa mga kaibigan ko kahit dalawa lang sila ni Bryle

"AHH~ G-goodmorning din bess," sabi ko naman at nilapag na ang bag ko sa upuan

"Bess," tawag nya sakin

"Hmm?," Maikling tugon ko

"Pwede favor?," Tanong nya

"Ano na namang favor yan?," Tanong ko rin

mukhang kokopya na naman to ng notes ko -,-

"Pakopya sa English hehehe," Sabi nya habang nakangisi sakin,

Sabi ko nanga ba eh hyst

"Plss... Nakalimutan ko kasi gumawa kagabi, dali na bess mabilis nmn akong mag sulat eh," pakiusap pa nito kaya pinagbigyan ko na at kinuha ko yung notes ko sa bag sabay abot sa kanya

"O ayan na," sabay abot ng notes
"Thank you bess... The best ka talaga, alam kong d moko matitiis eh pakiss nga mwuuahhh =3=," sabi nya sabay lapit sakin para humalik kaya pinigilan ko naman yung mukha nya dahil sobrang lapit na sa mukha ko

Naupo nako at hinayaang kumopya si kianna sa notes ko, nasa lapit ako ng bintana at tanaw mula dito ang playground ng kinder sa kabilang school pero may bigla na naman pumasok sa isip ko

Alice kahit anong mangyari tumakbo kalang at wag na wag kang lilingon, iligtas mo ang sarili mo.

May boses na bumubulong sakin at sigurado ako na isa ito sa sinabi ng bata sa panaginip ko pero... sino sya? Anong koneksyon ko sa kanya at lagi syang dumadalaw sa panaginip ko?

Naguguluhan na talaga ako.

_____

"Okay students, go back to your sit properly!," Utos ng kanilang guro na si Mr.Danny Angeles habang papasok ito sa kanilang room, agaw pansin ang dalagang si alice na nakaharap sa bintana at tila ba sobrang lalim ng iniisip para matulala ito na parang may tinatanaw mula sa malayo

"ALICE!," tawag ng ni Mr.Danny pero lutang parin si alice at malayo ang tingin sa labas ng bintana, hindi parin mawala wala sa kanya yung pangyayari sa panaginip nya gabi gabi

"Hoy bess," tawag naman ni Kianna pero hindi parin ito lumilingon

"ALICE TAWAG KA NI SIR!," Tawag pa ulit ni kianna sabay hampas sa balikat ng kaibigan kaya biglang bimalik sa katinuan si alice at napatayo

"P-RESENT SIR!," Gulat na pagkasabi ni alice dahilan para pagtawanan sya ng mga kaklase nya...

"Sabi sayo wirdo yan eh haha"
"pano nya nagagawang maging tulala sa bintana ng ilang minuto haha"
"grabe walang pagbabago"
"kung may sport lang ng titigan siguro panalo na yan hahaha"

Ilan sa mga bulungan na nag mumula sa buong classroom.

Napuno na naman ng hiya si alice sa buong pagkatao nya, pakiramdam nya lahat ng tao pinag tatawanan at sinisiraan sya

"Class quiet! Alam nyo ba kung bakit kayo nasa paaralan? Para turuan ng mabuting asal hindi para mang apak ng ibang tao!" Galit na sabi ng guro, sya kasi ang Esp Teacher nila at kaylangan nyang magturo ng mabuting asal sa mga estudyante

"Ang lalim na naman ng iniisip mo alice," Sabi ng kanilang guro kaya napayuko nmn si alice dahil sa hiya, buti nalang mababait ang teachers sa kanya kahit na madalas syang lutang pag nakaharap sa bintana

"S-sorry po sir," aniya ni alice

"Okay lang Alice, sa susunod pilitin mong iwasan ang pagtingin dyan sa bintana dahil mukhang ang daming pumapasok sa isip mo, o mas maiging lumipat ka nalang, dun ka sa unahan ni kianna. Matheo mag palit kayo ng upuan" Aniya ng guro, lumipat naman si alice at mukhang labag sa kalooban ni matheo nangyari.

"okay alice paki explain muna ng project na pinasa mo kahapon, tapos kayong lahat isa isa kayo pupunta dito sa unahan para ipaliwanag yung mga ginawa nyo bago tayo mag tungo sa panibagong topic," paliwanag ng guro at sumang-ayon naman ang lahat kaya nagtungo na si alice sa unahan para mag paliwanag.

"Go Bess," Sabi ni kianna para patatagin ang loob ng kaybigan, ngumiti naman ito at medyo nawala ang kaba na nararamdaman nya kani kanina lang.

I'm not a GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon