*dialing Alice phone number*
*the number you have dialed is now on attended please try your call later*
*beep*
"Tita wala talaga naka off yata yung phone nya" aniya ni Oliver kanina pa kasi namin sya tinatawagan at hanggang ngayon ay wala paring sumasagot sa phone nya, nandito kami ngayon sa bahay nila alice ng mabalitaan naming nawawala na naman sya.
"Tita ano bang nangyari bakit nawala na naman si Alice?" Tanong ko kay tita Suzette mama ni alice, nanginginig ito at halata ang pag aalala sa kanyang anak
"Ahm I think she's find out the truth" Biglang sabat ni camille na ngayon ay papalapit sa amin
Anong ibig-nyang sabihin?
"Anong katotohanan?" Tanong ko, naupo muna sya bago mag salita
"the truth is, she's adapted. That's why she choose to leave. maybe because she want to find her real parents, you know, 'di ba ganon naman ang ginagawa ng tao pag nalaman nilang ampon sila." sagot nya na ikinabigla namin, hindi ko alam kung maniniwala ako dahil kilala ko si Camille na gumagawa ng kwento laban kay Alice, wala rin namang nababanggit si Tita simula pa noon.
"Seryoso ka dyan sis? Si alice ampon? Wag ka nga mag patawa hindi totoo yan" Sabi naman ni kianna na ngayon ay kakararing lang
"Yeah, I'm serious every letters in my words, she's A-D-A-P-T-E-D adapted, right aunty Su" Proud pa sya sa sinabi nya sabay ngiti ng tumingin kay Tita Suzette na ngayon ay walng imik at tanging himig ng pag-iyak lang ang maririnig.
"aunty, you're free to tell them the truth. Time is running hello" dagdag pa nya na may pagkamataray na boses, mukhang pati ang magulang ni alice hindi nya kayang igalang.
"Ano bang sinasabi mo camille?! Tumigil ka nga hindi ka nakakatulong" Aniya ni Oliver sabay tayo at hinarap si camille, tinaasan naman sya nito ng kilay.
"wag mokong angasan dyan, sino ka ba? hindi naman tayo close tss at hindi kita kilala tss" sagot naman ni camille, nahalata ko ang pagka offend sa itsura ni oliver kaya mas pinili nalang maupo ulit.
"Wag na kayong mag talo, mas importanteng mahanap muna natin si alice kesa mapuno kayo ng galit sa isat-isa" pag aawat ko sa dalawa kaya bumaling ang mga tingin nito sa iba.
"Tita kami na po bahala mag hanap kay Alice, babalitaan nalang po namin kayo pag nalaman na namin kung nasaan sya" tumayo nako at hinawakan ang kamay ni Tita Suzette para pagaanin ang loob nito kahit papaano, hanggang ngayon hindi parin humihinto ang pag agos ng luha mula sa mga mata nya
Alice nasan kana ba kasi??
"Hanapin nyo sya ha, ayokong mawala sakin ang anak ko, hindi ko kaya Bryle" Aniya habang walang tigil sa pag-iyak.
"opo tita" tanging sagot ko, lumakad na kaming tatlo ni kianna at oliver para hanapin si Alice at nainwan naman si camille sa kanila dahil wala naman syang pake kahit may mangyari sa stepsister nya.
"Bryle, kayo na bahala dyan. Sa iba ako mag hahanap" Paalam ni kianna at lumiban ng daan sa amin kaya humiwalay narin ako kay oliver. Hindi ko makakalimutan yung ginawa nya.
***
"Hello bess, nasan ka ba kasi? Nag sisimula na silang hanapin ka. Lumihis lang ako ng landas para hindi nila malaman na nakakausap kita, nag aalala narin sayo si tita ayun iyak nang iyak ayaw tumigil" Sabi ni kianna mula sa kabilang linya
"Sorry bess pero ayoko munang umuwi kaylangan ko ng space para makapag isip ng maayos" Sabi ko naman, hindi kona kasi alam kung anong totoo at sinong paniniwalaan ko
"alam ko naman yun pero pano si tita hindi ka manlang ba naaawa sa kanya? Kausapin mo kaya sya at mag paalam ka para hindi na sya nag aalala ng ganito"
"Ayoko, hindi sya papayag. Babalik nalang ako pag okay na, kayo muna ang bahala kay mama" Binaba kona yung telepono bago pa man makapag salita si kianna.
Alam kong mali itong ginagawa ko na mag layas, pero hindi ba mas mali yung hindi manlang nya sinabi ang totoo sakin nung bata pa ako, hindi naman ako ganon kawalang alam para hindi maintindihan kung ano mang ipapaliwanag nya.
Sa ngayon ayoko munang bumalik samin dahil makikita kona naman si camille, sigurado naman ako na masaya nasya dahil wala nako sa bahay.
Kaylangan ko ng katahimikan hindi ng dagdag sa sama ng loob.
Tinabi kona yung cellphone ko at agad nag tungo sa loob ng cabin, umalis ngayon si Ruoxi dahil may importante daw syang appointment na aasikasuhin kaya mag isa lang ako ngayon dito.
Nabuburyong ako hindi ko alam kung anong magandang gawin dito kaya nag decide ako na matulog nalang muna habang hinihintay sya.
****
"Nice job Rio, ituloy mo lang yan hanggang sa tuluyan mo nang makuha ang buong tiwala nya. Konti nalang at mapapasakin narin ang kompanya WAHAHAHAHA" Isang halakhak ng mala demonyong boses mula sa kabilang linya ang kasalukuyang kausap ni Rio hindi nya tunay na pangalan.
Nalulong sa illegal gambling ang kanyang ama hanggang sa mabaon ito sa utang na halos lahat ng ari arian nila ay kulang pa na ipang-bayad,
Napilitang mag trabaho si Rio upang mabayaran lang ang utang na naiwan sa kanya, ilang taon rin nyang hinintay ang pagkakataong ito para lang tuluyang makalaya sa kadenang nakatali sa mga braso nya.***
Hindi pa ba sapat na kabayaran sa mga utang sa inyo ang pagpatay nyo sa aking ama't ina?!! Mga wala kayong puso!!!
Sigaw ng isang batang babae habang patuloy na nagpupumiglas dahil sa pagkakagapos, halos hindi nanya magawang umiyak dahil nangako sya sa sarili nya na magiging matatagsya sa lahat ng pagkakataon. Hindi alintana ang panganib na nag babadya sa kamay ng malulupit na taong nasa harapan nya.
Isang malakas na suntok ang tumama sa sikmura ng batang babae dahilan para mawalan ito ng lakas na makatayo
"Oo kulang pa, hindi matutumbasan ng buhay nila ang pera na nawala sakin, mga bangaw lang sila kung sa paningin ng dyos na katulad ko HA-HA-HA"
"Demonyo ka hindi ka diyos!!, pagbabayaran nyo lahat ng ginawa nyo sakin at sa pamilya ko!!!"
Malakas na hiyaw ng batang babae hanggang sa tuluyan nang dumilim at nawalan ng liwanag ang lahat.
Kinailangan nyang magdusa ng ilang taon bago tuluyang makalaya sa mga taong pumatay sa mga magulang nya, naniniwala sya na balang araw katarungan parin ang iiral hindi ang paghahari ng masasama.
"Ipapadala kita Sa Canada para ihanda bagay na ipapagawa ko sayo,wag kang mag alala madali lang yon para sa katulad mo HAHAHAHAHAHHA"
_____
"Naiintindihan ko" Tanging sagot pabalik sa kabilang linya ang nag tapos sa kanilang usapan.
Kasalukuyan nyang ibinaba ang linya ng telepono at umalis upang ipag patuloy ang misyon na matagal nang nasimulan at naiplano.
BINABASA MO ANG
I'm not a GAY
General FictionAlice Villanueva, the smartest one, simple but beautiful. Also known as nerdy princess in their campus, always out of her minds because of the unknown memories that always sync and that is the reason why other students tempted her as weirdo. She onl...