Chapter 18

8 6 0
                                    

KIANNA'S POV

"kayo muna ang bahala kay mama" Bilin ng kaybigan ko mula sa kabilang linya sabay binaba bago pa man ako makapag salita.

Sa totoo lang medyo hindi kona sya kilala, nag bago na sya simula nung dumating si camille sa buhay nila.


Kilala ko si alice sya yung tipo ng babae na simple lang, tahimik, at mas iisipin nya yung kalagayan ng mama nya kesa unahin ung sarili nya.

Kilala ko si alice eh, pero bakit nagka ganon? Hindi naman sisibol ang problemang to kung walang ugat.

Nandito ako ngayon sa bahay dahil hindi nako sumama kay bryle at oliver na maghanap kay alice, ayoko mangpanggap, ayoko mag hanap ng taong nagkukunwaring nagtatago kahit hindi naman talaga, basta ang mahalaga nakakausap ko sya at alam kong nasa maayos syang kalagayan.

Infairness pansamantalang nawala sa isip ko yung problema ko kung pano ako magkaka boyfriend ng matino.



*buzz *buzz *buzzz






Sandali akong nakaramdam ng vibration sa kama ko, napatingin ako sa cellphone ko bago ito damputin



Nakita kong may message si alice kaya agad ko itong binuksan para makita


"bess puntahan mo'ko eto yung address ********* ** ***" Alice.



"Wait Otw na" reply ko


Bumangon nako para mag palit ng damit at agad rin nagtungo sa sala


"Dad, hiramin ko muna po yung sasakyan may importante lang po akong pupuntahan" paalam ko sa daddy ko, naka upo sya sa sofa habang nag babasa ng diyaryo

"Sige ingat sa pag mamaneho ha" Bilin ni dad sabay abot sakin ng susi ng sasakyan kaya niyakap ko sya


"thank you dad, I love you"

"I love you too sweetie"


Lumabas nako para kunin ang sasakyan at puntahan si alice sa address na binigay nya.

Kumakabog yung dibdib ko hindi ko alam kung bakit, siguro masyado lang akong nag aalala sa kaybigan ko hyyst bakit ba kasi kailangang mag layas kung pwede naman nya akong puntahan kasi available naman ako 24/7 pagdating sa kanya ugh





Lumipas ang mga oras ng pagmamaneho at sa wakas na abot ko narin ang destinasyon ko, agad kong natanaw si alice na nakaupo sa labas at nag hihintay.

Sinalubong nya ko ng magandang ngiti na may nanggigilid na luha sabay yakap sakin

"I miss you bess" aniya


"Umuwi kana kasi para hindi mo'ko mamiss" sabi ko naman, kumalas sya sa pagkakayakap at pinunasan ang luhang tuluyan nang bumagsak sa mga pisngi nya

"pasok tayo sa loob, masyadong maingay dito sa labas dahil sa mga ibon" Aniya ni alice dahil nandito nga pala sya sa medyo magubat na lugar, siguradong walang makakahanap sa kanya dito.

Hindi nya pinansin ung sinabi ko:)

"wait alice, kanino tong cabin?" Nagtatakang tanong ko, posible kasing magkaroon agad ng bahay si alice sa isang araw palang nyang nawawala.

"Ah kay Ruoxi" tangin sagot nya ng makapasok na kami sa loob.

Maganda ang loob ng cabin at maaliwalas, halatang hindi rin sya pinababayaan nung Ruoxi na sinasabi nya.

"by the way, sino si Ruoxi bess?" Takhang tanong ko ng maalala kong hindi konga pala yun kilala


"Ah oonga pala, si Ruoxi. New friend ko, may inasikaso lang syang appointment pero babalik rin daw sya agad" paliwanag nya, nililibot ko parin yung paningin ko dito sa buong paligid.


Nilapag ni Alice ang isang mug na coffee medyo malamig rin kasi dahil diba nga nasa loob kami ng kagubatan kaya presko ang hangin dito.


"thank you" Sagot ko, tumayo nako ng mapansin ko ang hagdan. Umakyat ako at napansin ko naman na ang ganda rin pala sa taas. Patriangle ang buong cabin at sa taas ay may glass wall kung saan nakatapat ang kama

Hayyys may madadagdag na naman sa plan list ko na gusto ko ipatayo pagkatapos kong grumaduate at makapag trabaho.

Bumaba nako at nadatnan si alice na tulala na nakaupo sa sofa kaya tumabi ako sa kanya.

"Anong iniisip mo bess? Ayos ka lang" tanong ko dahil alam ko sa school lang sya ganito habang nakatingin sa bintana.

"Ah w-wala naman bess, naisip ko lang kung totoo kaya yung sinabi ni camille at Tito na ampon lang ako. Kung totoo yun sinong tunay na mga magulang ko? Buhay pa kaya sila? Ano kayang ginagawa nila ngayon?" malumanay na tanong ni alice kaya napaisip rin ako.

Ampon ba sya talaga o gawa gawa lang nila yun para lumayo ang loob ni alice sa magulang nya?

Wala naman kasing sagot si tita suzette nung tinanong sya kung totoo un kaya hindi parin kami nakakasigurado

"Kung ampon ka, hahanapin mo ba sila?" Tanong ko kaya humarap naman sakin si alice, inangat nya ang paa nya at nag salumbaba habang nakapatong ang siko sa sandalan ng sofa

"Hmm hindi ko rin alam. ilang taon narin kasi ang lumipas, kung ampon ako bakit hindi ako hinahanap ng tunay kong mga magulang?" Tanong ni alice at umayos ng upo at tumingala sa kisame

"Sino kaya sila? Bakit nila ako pinaampon?" Dagdag pa nya.

Bakit nga ba?

"kung hindi nangyari yun hindi kita makikilala" sabi ko naman. Tumingin sa sakin at ngumiti

"Sabagay, kung hindi nga nangyari un hindi ako magkakaroon ng kaibigan na katulad mo.. Alam mo ang swerte ko sayo noh, ikaw lang ung sa tingin ko mapagkakatiwalaan ko ngayon haha" Sabi ni alice at mariin na ngumiti sa akin.

Minsan talaga may dumarating na sitwasyon na medyo kumplikado pero kasabay non may mga bagay na may maganda rin naidudulot sa tao, tulad nito.

Kung ako yung nasa sitwasyon ni alice baka magpasalamat pako dahil kahit sobrang gulo na ng paligid ko may isang tao parin na handang ibigay ang balikat nya para sandalan at iyakan ko. Yung taong malalapitan sa oras ng pangangailangan at makakapitan kung sakaling dumating sa point na lubog na lubog kana. Ito yung matatawag ko na tunay na kaibigan~






***

Nakamasid si Rio mula sa labas, hindi na nya nagawang tumuloy sa loob ng mapansin ang isang puting kotse na nakaparada sa tapat ng Cabin. Natatanaw nya si Alice at kianna na nagkakatuwaan kaya tinanaw nalang nya ito mula sa malayo.

Hindi sya pwedeng makita ng kasama ni Alice dahil sa kadahilanang baka mabulilyaso ang kanyang plano at hindi matuloy ang kanyang binabalak laban dito.

"Babalik nalang ako kapag wala na sya"

bulong ni Rio sa kanyang sarili at nag lakad papalayo sa kinaroroonan ng dalawa.

I'm not a GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon