"Kahit patayin nyo pa 'ko wala akong aaminin sa inyo!!" Pagpupumilit ng isang lalaki na ngayon ay nakagapos sa upuan
"Sasabihin mo lang naman kung kanino nyo pinaampon ang anak ko at sinong nag utos para gawin nyo yon, mahirap ba yon?" Tanong ni Don Primo sabay ihip sa abo ng tabakong hawak nya
"Kalas, Pahirapan sya!" Utos pa nya.
Naupo sya sa upuang inereserba para sa kanya habang pinag mamasdan ang lalaking nasa sentro na unti unting pinapatay. Tadyak dito tadyak doon, pinag hahampas ni kalas ng bakal na baseball bat ang binti ng lalake hanggang sa tumumba ito sa upuan
"Umamin kana!" Sigaw ni kalas, sabay tadyak sa sikmura ng lalaki na ngayon ay nag hihingalo.
Sumuka ng dugo ang lalaki hanggang sa umiyak ito. Uundyan pa sana nya ng isang malakas na hampas ang lalaki ng sandaling pigilan sya ng boss nyang si Primo
"Hep" Sabi ni Primo habang nakataas ang palad, hudyat para tumigil ang tauhan. tumingin sa kanya si Kalas sabay hagis ng baseball bat sa gilid ng bodega at lumapit na sa tabi ng mga kasama.
Tumayo si Primo para lapitan ang lalaki, naupo ito para madaling makita ang mukha ng lalaking nakahandusay at naghihingalo. Hinawakan nya ang buhok nito sabay sinampal"Mag sasalita ka o babalatan ko yang pagmumukha mo? you can only choose one." Tanong ni Primo sabay ngiti ng nakakatakot.
"DEMONYO KA!!!" sigaw ng lalaki sabay dura sa mukha ni Primo. Lalapit sana si kalas para sana hampasin ulit ang lalaki ngunit pinigilan sya ng boss nyang si Primo, Agad lumapit ang isa pang tauhan na si Paeng dala ang tissue kaya napunasan ang laway na dumikit sa mukha nya. Kinuha nya ang tabakong nakasubo sa bibig nya at idiniin sa pisngi ng lalaki, dahilan para malapnos ang balat nito at mag sisigaw sa sakit.
"Mas demonyo kayo, Sobrang tagal naming hinanap ang anak ko kaya ikaw lang ang makakapag sabi kung nasaan sya, hindi kona rin kayang makita ang asawa ko na gabi gabing umiiyak dahil sa pangungulila sa nag iisa naming anak" paliwanag ni Primo, umiyak ito sa harap ng lalaki at d nag tagal ay agad rin nyang pinawi ang emosyon sabay abot ng matalas na blade mula sa tauhan nya
"A-anong gagawin mo?!" Tarantang tanong ng lalaki ng ilapat ni Primo ang matalas na bagay sa mukha nito.
"Ano pa ba? Edi babalatan kita ng buhay" Sagot ni Primo. Nag sisigw ang lalaki dahil naramdaman nya ang hapdi ng hiwa mula sankanyang pisngi
"Aamin nako! Pls maawa kayo wag mong ituloy yan WAHHHH!!!" sigaw ng lalaki. Napahinto si Primo sa gagawin nya kaya inutos nyang iupo muli ang lalaki sa sentro kung saan nakatapat ito sa ilaw. Inutusan rin nya ang mga tauhan na mag latag ng lamesa sa harapan nila.
"Pinaampon namin ang anak nyo sa dangyon orphanage, sinubaybayan namin sya hanggang sa may dumating na mag-asawa at pinili ang anak nyo" aniya ng lalaki
"Sinong mag-asawa?" Tanong naman ni Primo
"Hindi ko alam" napahampas sa lamesa si Primo dahil sa sagot ng lalaki.
"Tang*nang sagot yan! Hindi mo alam??!!!" Galit na sabi ni Primo sabay kuha sa kamay ng tauhan nya ng bakal na baseball bat. Natakot ang lalaki ng malapit na syang undayan ng hampas nito kay ipinansalag nya ang mga brasong naka tali
"Si Ferdi at Suzette Trinidad ang umampon sa kanya!" Agarang sagot ng lalaki. Muling naupo si Primo at isinandal ang bat sa lamesa para madali nyang makuha
"Saan namin sila pwedeng makita?" Mahinahon na tanong ulit ni primo
"Hindi ko alam" sagot ulit ng lalaki. Tatayo na sana si primo dahil naiinis na talaga sya at gusto na nyang tuluyan ang lalaki
"Maniwala ka hindi ko nga alam, nung araw na pumunta kami para tingnan ang anak nyo sabi ng mga tao wala ng nakatira sa bahay na 'yon. Lumipat sila pero hindi sinabi ng kapitbahay kung saan" Paliwanag pa ng lalaki kasabay ng pagsabi nya ng address kung saan ang lugar na tinutukoy nito
BINABASA MO ANG
I'm not a GAY
General FictionAlice Villanueva, the smartest one, simple but beautiful. Also known as nerdy princess in their campus, always out of her minds because of the unknown memories that always sync and that is the reason why other students tempted her as weirdo. She onl...