"Ma nakauwi napo ako" tawag ko ng makapasok nako sa loob ng bahay, agad ko namang napansin si Bryle na nakaupo katabi ni Camille sa sofa
Parang ang sweet nila sa isa't isa kahit hindi pa sila gaano magkakilala, pero wala lang naman sakin yun, mas maganda nga yun dahil kahit konting araw palang nagiging malapit na sila sa isat isa at hindi ako apektado kasi bukod sa mag bestfriend kami ni Bryle gusto ko syang suportahan sa gusto nya.. kung si Camille yung magiging girlfriend nya balang araw hindi ko naman sila hahadlangan, ganon naman talaga dapat ang magkaibigan hindi ba?
"Alice mukhang mabigat yang mga dala mo.. akin na ako na mag dadala kay tita" Sabi ni Bryle ng mapansin ako at lumapit sakin
"Hindi na kaya kona to" napatigil naman si Bryle sa pagkuha ng dala ko kaya lumakad nako papunta sa kusina kung nasaan si mama, tumulong narin ako sa pagluluto at pag d-decorate para lang paghandaan ang birthday ni Camille, she's turning 19 na kasi
"Hey alice, Can I get Bryle's number, I know you have it" naramdaman ko nalang na may kumuhit sa balikat ko habang nag aayos ako, nilingon ko ito at nakita ko naman si Camille, hinihingi nya ang number ni Bryle.
"Ahh sige" tanging naging sagot ko at dinukot kona sa bulsa ang cellphone ko, pinakita kona sa kanya yung number na hinihingi nya at ng matapos ito lumakad na ulit sya at naupo sa tabi ni Bryle.
Hindi ko nalang pinansin at bumalik nako sa ginagawa ko, masyadong maproseso kasi itong birthday ni alice dahil gusto nya magarbo lahat.
Sabagay mayaman naman ang Daddy nya kaya hindi problema ang pera, pero dapat nag pa catering nalang sila hindi yung pinapahirapan nila kami ni mama.
Lumipas ang oras at sa wakas tapos na kami sa lahat, nag simula narin mag datingan ang mga bisita kaya umakyat nako papunta sa kwarto ko para ayusan naman yung sarili ko, nakakahiya naman kasi kung ganito lang yung suot ko tapos sila mga aesthetic ang suot kaya mag papalit rin ako
Hindi pa man ako nakakapasok ng kwarto ay bigla na naman akong tinawag ni Camille at hindi ko alam ang dahilan kaya napahinto ako at muling sinara ang pinto ng kwarto ko
"Alice get down here" sabi nya kaya bumaba naman ako para lapitan sya
"If it's okay to you, can you please assist my friends first? They are important guests of mine, and I don't want to ruin my birthday so please I need your help alice" Sabi nya kaya pumayag nako kahit pilit. Lumapit nasya sa mga kaibigan nya na nakaupo sa may sofa
"Is that your maid? She looks kawawa, bakit parang hindi manlang sya marunong mag ayos ng kanyang sarili hahah"
"Shshs baka marinig ka nya"
"Yeah that's true, Maybe she lived in palayan so that's why she's wearing like that haha"Rinig ko ang bulungan nila ng mga kaybigan nya, nakiusap lang ba sya sakin para lang pagkatuwaan ako
Hindi ko sya pwedeng patulan dahil kahit papaano may konting respeto pa naman akong natitira sa kanya dahil mas matanda sya sakin, mas matanda lang naman sya sakin ng ilang buwan.
Marami na syang pagpapahiyang ginawa sa loob ng ilang linggo palang naming magkasama pero binalewala ko nalang kasi hindi ko ugaling pumatol sa naghahanap ng atensyon na katulad nyaDinala ko na sa kanila ung wine glass na may lamang champagne, mukha akong waitress sa itsura kong ito, hindi naman ako katulong or empleyado ng kahit na sino
"Smell something fishy, yuckk!" Maarteng pagkasabi ng babaeng kasama ni Camille ng lumapit ako sa kanila, tinakpan nya ng hintuturo ang kanyang ilong at tumingin sakin ng masama
"Ugh! Kadiri It's that you gurl?" Tanong pa ng isang babae na kunwari nasusuka sa amoy
"Stay away from us, you're so malansa, How can you keep smelling like that? Iwww!!! " sabi pa nya inamoy ko yung damit ko at hindi naman ako yung malansang sinasabi nila dahil pagkauwi ko nag halfbath muna ako bago tumulong kay mama
"Alam mo bang malapit ang ilong sa bibig? Baka bibig nyo yung naaamoy nyo at hindi ako" Matapang na sabi ko kahit ramdam ko ang dagundong sa loob ng dibdib ko, hindi ako sanay sa away o kahit anong gulo kaya ganito yung nararamdaman ko
"What did you say? How dare you!" Galit na pagkasabi ng isa sa babaeng maarte kanina
Inilapag ko sa glass table yung inumin nila at tumakbo sa paakyat ng hagdan, halatang nairita sakin yung babae dahil sa tono ng pananalita nito
Sobra kana Camille, ano bang kasalanan ko sayo at ginagawa mo to sa'kin? bakit ka pa bumalik?
Pinagmasdan ko yung sarili ko sa salamin at ramdam ko yung panliliit sa sarili ko, naupo ako sa kama at nag simulang umiyak..
Hindi naman ako ganito kahinang tao para iyakan yung ginagawa nya sakin, maliit na bagay lang yun para sa kanya pero katauhan ko yung sinisira nya. Sumosobra na sya
"Alice pwede ba akong pumasok? " Narinig ko ang boses ni Bryle mula sa labas ng kwarto ko pero nanatili lang akong nakaupo at nag pipigil ng luha
"Hey Bryle what are you doing there? Are you looking for alice?" May isa pang boses na sumulpot at siguradong si Camille yon
"Ah yup, kanina pa kasi nya ako iniiwasan" Sagot naman ni Bryle, hindi naman totoo yun dahil naging busy lang naman ako para sa birthday ni Camille pero eto yung ginagawa nya sakin
"Don't mind her, I'm sure she's just taking a break coz I know she's tired, look she's the one who organized this birthday party, she gave too much effort for this haha" sabi naman ni Camille
"Alam ko, pero gusto ko syang makausap" sabi naman ni Bryle
"you can talk to her later, but for now she need to rest okay, just don't mind her come n join with us"
Wala nakong sunod na narinig na usapan nila kaya siguro bumaba na sila para mag saya.
Hindi ko manlang naisip na kaya pala akong ipagpalit ni Bryle sa ilang araw palang nyang nakakasama at nakakausap
Nakakapag tampo lang kasi mas pinaniniwalaan pa nya yung iba kesa i-check ako kung okay lang ba talaga ako.. wala akong magagawa dahil una sa lahat choice naman nya yon at mag kaibigan lang kami, at siguro nasanay lang ako na palagi syang concern sakin.
Tumayo nako at nag ayos ng sarili, aalis ako ng bahay para pumunta kahit saan, wala naman akong gaanong kaibigan.. kung kay Kianna naman ako pupunta sigurado wala sila sa bahay nila dahil sabi nya sakin pupunta sila ng family nya sa Baclaran para mag swimming. Tapos si Bryle naman may bago narin kaibigan kaya ako nalang ang bahala sa sarili ko.
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay ng walang nakakapansin sakin, sigurado ako na kapag nakita nila ako gagawin na naman akong alila ni Camille at gagawin katatawanan sa harap ng mga kaibigan nya.
Hindi kona ulit hahayaan mangyari yon. Sa susunod mag kukunwari nalang akong hindi sya naririnig dahil baka hindi narin ako makapag pigil sa kasamaan ng ugali nya.
Nandito nako ngayon sa basketball court, medyo malayo-layo rin naman to sa bahay kaya tingin ko pwede na dito. Open area 'tong lugar na ito at tanging bakod lang ang harang nito, wala rin mga naglalaro ngayon kasi tuwing Monday to thursday lang sila nag lalabasan
Ano kayang ginagawa ni Bryle ngayon, siguro kung magkasama lang kami ngayon kanina pa kami masayang nag lalaro ng basketball, pero baka hindi na maulit yun dahil kay Camille
BINABASA MO ANG
I'm not a GAY
General FictionAlice Villanueva, the smartest one, simple but beautiful. Also known as nerdy princess in their campus, always out of her minds because of the unknown memories that always sync and that is the reason why other students tempted her as weirdo. She onl...