Chapter 6

17 5 0
                                    

"Alice, ito yung listahan ng mga bibilhin mo, dun sa dating pwesto ni ka-nestor sa palengke dun ka banda maghanap kasi mga fresh yung gulay sa parteng yon" Utos ni mama sakin sabay abot ng listahan at pera pambili, birthday kasi ngayon ni Camille kaya instead na pumunta kami ng resto sabi ni tito mag luto nalang daw para mas ma-appreciate yung effort ng mga tao dito

Kinuha kona kay mama yung listahan ng mga bibilhin ko at lumakad nako papalabas ng bahay at nag hanap ng tricycle na masasakyan, agad namang may pumara sakin

"Kuya sa bayan lang po"sabi ko at sumakay narin,
Makaraan ang ilang mga sandali nakarating nako sa palengke at sinimulang hanapin ang pwesto ni ka-nestor

Dapat pala sa dulo nako bumaba, medyo malayo tuloy ng lalakarin ko hyyst

Ang lansa ng amoy sa area na to, bagsakan kasi ito ng mga isda at katayan ng mga karne ng manok at baboy, maputik pa ang sahig dahil sa tubig na bumabagsak mula sa kanilang mga paninda. pero keri lang hindi tayo pinanganak para maging maarte.

Nakarating na pala ako sa dating pwesto ni ka-nestor pero sarado yung tindahan kaya lumipat ako sa kabila, at nag simula mamili ng mga kaylangan ni mama

*/Oi ganda bili kana dito sariwang sariwa pa

*/Ganda 150 nalang isang kilo oh kunin mo na

Alam kong binobola lang nila ako kaya deretso lang ako sa pag lalakad

"Ineng anong sayo?" Tanong ng matandang babae na tingin ko ay nasa 70 or 80+ na dahil sa puti ng buhok nya at nakakuba narin ang kanyang likod, paubos narin ang kanyang mga ipin, ang sipag naman ni nanay, ang tanda na nya pero kumakayod parin sya para sa kanyang pamilya

"Nay, bilhin ko na po yung isang buong repolyo, tapos eto pa po" sabi ko at tinuro ko narin yung ibang mga gulay na bibilhin ko, mga fresh naman yung mga paninda nya, makalipas ang ilang pang mga saglit nag bayad nako at sinobrahan ko narin kahit papaano dahil naaawa talaga ako kay nanay,

"Sukli mo ineng" sabi nya kaya tumanggi na ko
"Hindi na po nay, wag nyo napo akong suklian... Salamat po sa mga fresh na gulay na paninda nyo po" ngumiti ako kaya napangiti rin sya sakin,

"Salamat ineng" kita ko ang saya sa kanyang mga mata, at ramdam ko rin ang init na nagmumula sa puso ko.. ang sarap sa pakiramdam na may napapasaya kang tao kahit sa simpleng paraan lang

"Wala po yun nay, sige po una na po ako" paalam ko naman kaya tumango sya.

Nagtungo naman ako sa loob dahil bibili nga pala ako ng karne, inuna kasi ni mama yung mga gulay sa listahan kaya un din inuna ko. Masunurin lang hehe.

lumipas ang mga oras at salamat dahil tapos narin akong mamili, ang bigat dalawang malaking eco bag ang bitbit ko sa mga oras na to. Pero keri pa naman.

Lumakad nako para sana umuwi pero bigla akong nadulas dahil sa maputik na daan na ito, halos napapikit nalang ako habang pakiramdam ko dahan dahan akong bumabagsak, nawalan ako ng balace dahil sa bigat rin ng mga pinamili ko, ayoko rin namang bitawan dahil baka maputikan, pero sa hindi inaasahang pangyayari may someone na bigla nalang sumulpot kung saan at sinalo ako mula sa pagkakahulog

"Okay ka lang miss?" Pag-aalalang tanong nya habang nakakapit sya sakin, buti nalang nag contact lens ako kung hindi siguro kanina pa nabasag yung salamin ko kung yun yung sinoot ko.

Bumungad sa akin ang isang gwapong lalaki na naka salamin, medyo mapayat pero matangkad, maputi rin ito na medyo mamula-mula ang balat at may matangos na ilong

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga mula sa braso nya dahil nakatingin na samin ang mga tao sa paligid

"Uhm, O-okay lang naman ako, thank you and sorry" Sabi ko na medyo nauutal pa dahil sa hiya

"Okay lang, mag ingat kana sa susunod kita mo naman madulas ang sahig" sabi naman nya.

"Ahh Oonga hehe" sagot ko

Bakit parang kasalanan ko pa na maputik at madulas ang sahig dito sa palengke??

"Sige uuwi nako, baka hinihintay nako sa bahay" paalam ko pa, lalakad na sana ulit ako kaso bigla na naman akong nadulas ulit kaya agad nya akong inalalayan

May pahabol pa talaga!!!

"Oh ingat" bilin nya, napangisi nalang ako dahil sa hiya

*/Pangalawang beses na to!

"Haha oo sabi konga, pasensya na ulit" Ang lampa mo talaga Alice ughh!!

"Hahaha Ako na lang mag bibitbit nyan, taga saan kaba para ako narin mag hahatid sayo pauwi" pang-aalok nya dahilan para mas mamuo ang hiya sa buong katawan ko

"Ahh hindi na kaya kona to" pagtanggi ko naman, alam kong gwapo sya pero nakakahiya kaya.

first time in my life may nag alok sakin na gwapong lalaki para ihatid ako.. hindi ko manlang to naranasan kay alex *put

"Ah ganon ba, sige hayaan mo nalang akong ihatid ka hanggang sa makasakay ka ng tricycle pauwi" sabi nya sabay kuha ng dalawang eco bag mula sa kamay ko, hindi ko naman napigilan dahil nabibigatan narin naman ako.

Kapalan nalang ng face

"S-sige salamat ulit" sabi ko naman sabay hawak sa ulo ko

"Okay lang, hawak ka sa braso ko baka madulas kana naman"

Ang gentleman naman ng lalaking to

"Haha wag na kaya kona to hindi nako bata" ibang level ang pagiging gentleman ng lalaking to, siguro habulin to ng chixs nohh

"Okay sige ikaw bahala" sagot naman nya kaya lumakad na kami.

Hinatid nya ko hanggang sa terminal ng mga sasakyan, merong bus, jeep, at tricycle at hinintay nya ko hanggang sa makasakay ako.

"Thank you kanina ha, pwede ka nang bumalik baka may inaasikaso kapa dun" Sabi ko habang katabi syang nakatayo

"Wala naman, may binibili lang rin ako" sabi nya

Nakasakay nako ng tricycle at kumaway naman sya sakin kaya nginitian ko nalang

"Ate san ka?" Tanong ng tricycle driver

"Sa Devor st. lot 16" sagot ko naman kaya nag focus na ito sa pagmamaneho

Hindi ko manlang naitanong yung pangalan nya, sino kaya sya hmm...

I'm not a GAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon