01

5 1 0
                                    







Hello!, I just wanted to say that the characters, scenes including the story line of 'Take me to your Heart' was purely created by my imagination. Scenarios that can be similar to other stories was not intented and just a coincidence. Anyways, I hope you do enjoy my little story, Thank You and Godbless.

Ps. Advance sorry to the typographical errors you might see.

⚠Some mature contents may occured in random chapters. Read if you want, Skip if you feel uncomfortable.





"Take me to your Heart" a mini Summer Series starring JD Aranda and Jane Ignacio







"JD! Hintayin mo ko!" Malakas na sigaw ko sa kaniya habang hinahabol siya sa loob ng basketball court. "Bakit?" Mahinahong tanong niya ng lingunin ako. Alam niyo yun? Medyo naiirita na siguro siya sa akin! Hahaha.





"Gusto mo sumama sa library mamaya? Gagawa kami ng reviewer ni Ali, pwede kita pakopyain meron ako notes sa lahat ng subject" Masayang masayang usal ko. Kahit anong ayaw niya, alam kong susundin niya pa rin ako! Hindi niya naman ako matitiis! Inabangan ko ang sagot niya pero pag tango lang ang natanggap ko.







"Okay! Sabi mo yan 'a! Hahanapin kita dun!" Pangungulit ko pa, napansin ko ang pag hinga niya ng malalim bago magsalita. "Wala naman akong sinabi" Malamig niyang pagkakasabi.








"Ano ba talaga!?" Naiinid na tanong ko. "Oo na, susunod na ako" Samantala, napipilitan niyang sinabi at umalis na.









"Palagi na lang akong iniiwan nito!" Sumbat ni Jane sa hangin ng iwan siyang muli ni JD.








"Hoy Jane! Tara na male-late na tayo kakahabol mo diyan kay JD!" Sigaw ni Ali at hinitak ako papunta sa classroom namin. "Masama bang habulin yung poreber ko?" Siya kong kinikilig na biro.








"Iwww" Natawa naman ako ng marinig ang reaksyion niya. Minsan suportado niya ako! Minsan hindi! Parang tanga!









"True or False, and pwede rin kayo mag list ng lahat ng formula, basta ipapa check niyo sakin bago kayo mag exam" Bilin ni Miss Romina Aranda, Advicer and subject teacher namin sa Science, at siya ang Nanay ni JD. "Sige na, club meeting na, pumunta na kayo sa mga club rooms niyo, bumalik yung cleaners ha!" Sabi ni Ma'am at parehas naman kaming kumaripas ni Ali at nag ayos ng bag papunta sa mga club rooms namin. Bago lumbas ay huminto muna ako sa teacher's table kung nasaan si Ma'am.









"Ma'am ipagpapaalam ko lang po si JD mamaya, gagawa po kami ng reviewer sa library. Hahatid ko po siya pauwi" Sabi ko na parang nanunumpa. "Hay nako Jane, walang problema...Basta masaya ka" Sabi ni Tita, ay este ni Ma'am!








"Basta mag ingat kayo, at sabay kayong uuwi ha!" Linaw pa nito kaya nakangiti akong tumango na parang aso. "Sige po Ma'am! Thank you po! Ba-bye!" Hindi naman halatang excited ako 'no!?








"Art Club" ang nakasulat sa pinto, kaya pumasok ako at hinanap si JD. Nang makita siya sa bandang likuran ay agad akong umupo sa tabi niya. "JD!" Tawag ko pa at pinagdikit ang arm chair naming dalawa. "Huwag ka maingay" Saway niya sa akin at binigyan ako ng papel at lapis.








"Anong gagawin ko dito!?" Nalilitong tanong ko. "Kainin mo" Sarkastikong sabi niya at binaling ulit ang atensiyon sa papel niya. "Basta mag drawing daw ng kahit ano, ikaw bahala" Kibo niya, at nilingap ko ang mga ka club members namin na nag da drawing narin. "Okay" tinatamad na sabi ko at nagsimula na rin.









Take me to your HeartWhere stories live. Discover now