04

1 0 0
                                    








"Tara na! Ikaw rin! nandoon si Lara! Bantayan mo si JD!" Suportadong pangiinis ni Ali at hinila ako sa school lounge kung nasaa ang mga estudyanteng kalahok sa Poster making, kung saan nakumbinsi kong sumali si JD. Last year din! Ayaw ayaw pa siya nung una pero sumali rin naman! Nag champion pa nga!








"Loyal yun 'no! Di ko yun kailangan bantayan" Sabi ko naman, as feelingera lang! "Naku! Hindi mo rin masabi" Sabi ni Ali, at naglakad na kami papunta kila JD.









Mamaya pa ang competition pero eto sila at tahimik na nagi-isketch at gumagawa ng mga draft dahil naibigay na kanina ang theme ng English week. Dahan dahan naman akong naghila ng upuan sa tabi ni JD, ngunit napahinto ng biglang lumingon saakin si JD at tiningnan niya ako ng masama. "Uupo lang ako, hindi ako mag iingay" Aking sabat at umupo sa tabi niya, nagpangalumbaba ako at pinanood lang ang pagkilos ng kamay niya.









Magaling siya mag drawing, Maganda rin ang boses niya at mukhang kaya niyang sumayaw, Matalino siya at ang gwapo gwapo pa. Sino namang hindi mahuhulog sa isang kagaya niya? "Galing mo naman Crush" Bulong ko at hindi niya ako pinansin.









Nilipat ko naman ang pokus ko sa mukha niyang pagkaganda ng wangis. Ito ang totoong Art! "Crush hindi mo ba ako papansin?" Pangungulit ko pa, Tiningnan niya lang akong sait at nagpokus na ulit sa ginagawa niya. Ang lamig lamig naman nito!









"Huy Cr-" Ayun, pinutol niya na ako this time! "Huwag ka maingay, bumalik ka na lang sa classroom mo" Saway niya sa akin kaya napairap na lang ako at nagmamaktol na tumayo. Pinasok ko naman ang aking kamay sa bulsa ng aking skirt at nilapag sa may kamay niya ang tatlong piraso noong paborito niyang choco choco. "Good luck!" Padabog kong singhal at naglakad pabalik sa classroom.
Kinuha ni JD yung tatlong choco stick at ngumiti habang pinagmamasdan ito. "Ang kulit" Komento niya at may maliit na mga ngiting ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.









Lunch break at palingap lingap lang ako sa mga estudyanteng katulad ko na nakapalila para bumili ng lunch sa canteen. Hindi ko makita si JD, saan naman kaya yun napadpad? Mamaya pa naman ng ala una ang contest ibig sabihin makakapag lunch pa sila. "Ali? Ibili mo ako 'a! Ireserve mo na rin ang upuan malamang!" Sabi ko kay Ali na nasa unahan ko.









"Huy saan ka pupunta?!" Bulyaw niya sakin ng makitang umaalis ako sa pila. "Ibibili ko lang si JD ng makakain" Sigaw ko rin at umalis na sa pili para doon pumunta sa section ng Bread, Pastries and drinks counter.









"Tanga Tanga talaga nito!" Pailing iling na komento ni Ali. Sa dami ba naman ng mas mainam na lalaki, kay JD pa nagkakandarapa ang bestfriend niya. No offense, okay naman si JD, kaya lang! Apaka lamig at isnabero naman nun!









Pagkabili ay agad na hinanap ni Jane si JD, doon niya ito nakita sa may labad ng library, nakaupo lang sa hagdan at nagtatasa ng mga colorn pencil niya. "Huy Crush!?" Agaw pansin tawag ni Jane at natingin naman sa kaniya si JD. Nakangiti siyan umupo sa tabi ni JD at kinuha ang mga color pencil at tinulungan siya magtasa.









"Ayiee, lumilingon ka na pag tinatawag kitang Crush ah! Feelingero ka rin eh" Nakangising biro ni Jane. "Sino bang crush mo?" Tanong ni JD na akala mo mangangain sa itsura ng mukha niya. Siya yung tipong ng tinanong mo lang naman, beast mode na agad! Parang laging may sama ng loob!








"Secret" Pang iinis pa ni Jane. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni JD.








"Eto 'o, kain ka muna...Hindi kita makita sa canteen, naisip ko ba mag skip ka ng lunch kasi kinakabahan ka" Sagot ni Jane, ganoon kasi ang ginawa ni JD noong nakaraang taon, Hindi siya nakakain dahil kinakabahan siya. "Busog ako"









Take me to your HeartWhere stories live. Discover now