03

2 0 0
                                    







"JD" Mahinang tawag ko sa kaniya ng makalapit ako kung nasaan sila nila Lara. May pinapakitang painting si Lara sa kaniya at mukhang para yun sa project nilang magkaka grupo. Tumingin sa akin si JD, sabay  pagkawala kaniyang mga ngiti. Hindi naman siya mukhang naiinis sa pagdating ko, tumaas lang kilay niya at para bang tinatanong kung bakit ko siya tinawag. Pwede din namang nakangiti 'e, bakit hindi niya magawa pag ako ang kaharap niya?








"Bakit?" Tanong niya kagaya ng palagi. "Wala, sige bye" Malungkot na sagot ko at nagakad na palayo sa kanila. Sinundan lang ng tingin ni JD itong si Jane na parang nawala na lang bigla sa wisyo.









"Wait lang" Pagpapaalam rin ni JD at sinundan si Jane.









Samantala, ng makalakad palayo kina Lara at JD ay pinuntahan ni Jane sina Brix na naroon lang sa labas ng library at nakatambay. "Nandun si JD nasa lounge" Siya kaagad na imporma ni Tan kay Jane.









"Wala akong pake 'no, ayan bigay mo sa kaibigan mo" Ang naging reaksiyon ni Jane at hinagis kay Tan ang panyo ni JD. Pagharap naman nitong si Jane ay nahinto siya ng makita si JD. Pumaikot lang ang mata ni Jane at mabili na nilampasan si JD. Isang bagay na hindi niya madalas gawin.









"Hala? Nagalit" Sulsul ni Brix, si JD naman itong pailing iling lang habang pinapanood ang madabog na paglalakad ni Jane palayo. "Ikaw kasi! Ayaw mo pansinin!" Pananakot ni Tan.








"Pinapansin ko siya" Laban ni JD at pumasok na lang sa loob ng classroom. Siguro naman ay napaisip rin siya kung bakit bigla bigla na lang nagkakaganiyan si Jane, hindi naman siya ganoong ka manhid diba?








Uwian na ulit, Simula kanina ay nag desisyon akong hindi ko hihintayin at hindi ko susundan si JD, bahala siya sa buhay niya! Kaya nauna na ako maglakad palabas, sina Ali ay may tatapusin pang group project kaya nagpaalam akong mauuna na para makapag review na rin ako para bukas.








"Jane!" Mabilis akong lumingon ng marinig ang aking pangalan na nanggaling sa isang pamilyar na boses. "Ma'am?" Sagot ko at lumapit kay Tita Romina.









"Sabay kayong uuwi ni JD diba?" Tanong niya, ako naman tong hindi makasagot bigla. "Um hi-" Mabilis na naputol ang sinasabi ko ng iabot saakin ni Tita ang isang paper bag. "Eto iabot sa kaniya, sabihin mo iuwi na niya, mag iingat kayo 'ha! Sige na ba bye" Nagmamadali niyang usal kaya hindi na rin ako naka angal. Ayaw kong sabayan si JD, kaya naisip kong ako na lang ang mag uwi nito at ihahatid ko na sa bahay nila mamaya.









Papalabas na ako ng School Gate ng mapansin roon si JD. Patay! Paano ng gagawin ko ngayon niyan!? Hayaan mo na iaabot ko na lang! Tapos iiwan ko na siya! Naglakad ako ng wala ka emo emosyon, bitbit ang paper bag ay huminto ako sa harap niya.









"Iuwi mo daw yan" Sambit ko at aalis na sana ng bigla siyang magsalita. "Sabi ni Mama sabay tayo umuwi" Siya niyang kibo kaya napaangat ang kilay ko. Kailan pa siya naging interesado na magsabay kami sa pag uwi?! Nakainom ba siya?! Hindi na lang ako kumibo at nagpatiuna na sa paglalakad, miya miya pa'y nasa tabi ko na siya.










Hindi ako kumibo at deretso lang tanaw. "Nag review ka na?" Tanong niya. Ano kayang nakain nito at bigla bigla siyang nagsasalita ngayon?! Tumango lang ako at hindi ulit kumibo.









"Ano?" Tanong niya ulit siguro'y hindi napansin ang pag tango ko kaya tumango ulit ako. "Ha?" Siya niyang ulit kaya huminto ako at binaling ang buong katawan sa kaniya. "Oo nga! Ang kulit mo!" Naiiritang singhal ko.









Take me to your HeartWhere stories live. Discover now