08

3 0 0
                                    









"Ano ba kasi yun?" Walang intered na tanong ko kay JD ng pagbuksan ko siya ng Gate. Matutuloh na lang ako mangaabala pa, pero...hindi ko rin naman siya matiis. Mainam na rin 'to para maging malinaw na ang lahat. "Dito tayo mag uusap?" Tanong niya pa tumingin sa paligid namin.








"E saan mo naman gusto? Gabing gabi na kaya" Singhal ko naman. "Sa kubo niyo na lang" Suhestiyon niya, napairap na lang ako at binigyan siya ng espasyo para makaraan, sinubdan niya rin naman ako papunta sa kubo. Binuksan ko ang maliit na ilaw at magkaharap kaming umupo. Sobrang ginaw na dito, bakit ba kasi ngayon niya pa gustong mag usap.








E bakit maman kasi pumayag ka Jane!? Rupok ka din eh!








"Oh ano? Baka mapanis tayo dito" Sabi ko sa kaniya kaya napatingin siya saakin bago magsalita. "Okay, lilinawin ko na lahat...First, yes, gusto kita...totoo yun" Ang una niya agad na sinabi kaya't unti unti nanamang bumibigay ang puso ko para sa kaniya.









"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi naman yun ang pinapakita mo, at hindi rin yun ang nararamdaman ko" Pag amin ko, naaawa ako sa sarili ko na panay ang paghintay sa kaniya na ibalik yung pagmamahal na binibigay ko, hanggang sa nasa dulo na ako at parang susuko na lang. "Kaya nga, eto lilinawin ko na sayo...Pero gusto ko munang mag sorry, sorry sa lahat ng naparamdam ko sayo. Pero aaminin ko rin na, hindi talaga madali para sa akin yun"









"Hindi ako katulad ng iba na showy, clingy at kung ano ano pa. Simple lang ako Jane at alam mong mahiyain ako, ewan ko...Pero naiilang ako pag sobrang lapit nung tao sa akin. Hindi ako masyadong komportable at para sa akin, ayaw kong magmadali, natatakot akong magkamali dahil bago sa akin lahat" Paliwanag ni JD.








"Kasi ang alam ko lang ay ang asikasuhin ang sarili ko, pero dahil nandiyan ka na kailangan narin kitang isipin, at natatakot ako dahil malaking responsibilidad yun para sa tulad kong...walang alam sa ganitong bagay, hindi ko alam kung paano ka pasasayahin, Wala, piling ko magpe fail lang ako" Dagdag niya pa. He felt a lot of pressure knowing someone like her is liking him. For him, he's a normal guy while she's an angel landing on earth. Wala na atang ibang tao ang nakapag paramdam sa kaniya ng mga pinaramdam ni Jane.








"Eh ano naman gusto mong gawin ko? Maghintay ng maghintay sayo, parang hindi naman fair yun...wala naman akong hinihiling na marami, yung iparamdam mo lang sa akin na importante ako sayo okay na, yung bang may pakialam ka sakin. Kasi JD, ang sakit sakit kaya ng ginagawa mo, parang wala lang ako sayo" Ang sabi ko naman.









"Kaya nga, I'm sorry...Sorry talaga. Pero, please bigyan mo ako ng chance, gagawin ko lahat, magbabago ako. Promise, susubukan ko Jane" Sinserong pakikiusap ni JD. Yes he is, he's now willing to do anything and to commit his self to her.









"Hindi ko alam JD, pwede naman, pero...hindi muna ngayon, ang dami ko pang iniisip at kagaya rin ng sinabi mo, takot din ako, takot din akong masaktan" Sa aking palagay, Inaamin ko naman na pag dating kay JD ay kaya kong ipagpaliban ang lahat at unahin siya. Pero hindi siguro para sarili ko, bata pa naman kami at pwede namang magsimula kami ng kung sino lang kami. Hindi yung si JD at si Jane na gusto ang isa't isa, pwede namang back to zero muna. Maganda rin na ayusin ko muna lahat ng gumugulo sa isip ko para maibalik ko yung tiwala ko sa kaniya. Pinagkakatiwalaan ko parin naman si JD, pero mas mainam ng wala akong duda na siya ang kasama ko.









"Ayus lang, iyon din naman ang naisip ko...let's have a fresh start, but this time, I'll treat you the way you shoud be treated"









Take me to your HeartWhere stories live. Discover now