05

2 0 0
                                    









Pinayagan ako ni Mama at Papa kaya eto, Nakasakay kami ngayon sa loob ng sasakyan nila JD. Parehas kaming nasa likod at si Tita ay nasa harap at siyang nagmamaneho. "JD? Jane? Gusto niyo ba i-try natin yung bagong Pizza restaurant?" Tanong ni Tita, bahid sa mukha niyang ang saya at pagka proud kay JD.









"Sige Ma, doon na lang po, gusto ko din ng Pizza" Sagot ni JD.









"Crush? Masaya ka ba ngayon?" Bulong ko kay JD, sumandal siya huminga ng malalim bago ako sagutin. "Masaya ako ngayon" Maikling sagot niya, hindi naman siya mukhang masaya!









"Masaya ka dahil nanalo ka? Or masaya kasi kasama mo ako?" Makulit na tanong ko, hindi ata ako magsasawang asarin siya! Madalas kasi pag kinukulit ko siya ay napapapayag ko siya, kaya iyun ang lagi kong ginagawa. "Shh, huwag ka maingay" Saway niya lang sakin at nilagpasan ang tanong ko..









"Bakit ba ayaw mo sagutin? Nakakainis ka naman" Napipikon na singhal ko at sa labas na lang ng bintana tumingin. "Huwag ka kasing makulit" Mahinang sabi niya. Wala kong pake!









Nang makarating sa restaurant ay agad kaming umorder at umupo sa isang table na nasa tapat ng malaking bintana, kita ang mga sasakyan sa labas at ang buwan na lalu pang bumibilog habang lumalalim ang gabi.










"Saan mo planong mag Senior High Jane?" Tanong ni Tita kaya nabaling ang buong atensiyon ko sa kanila. "Um, hindi ko pa po alam Tita, pero siguro dito lang po ako sa malapit, ayaw po akong paluwasin ni Papa sa Manila"










"E kung kasama mo naman si JD? Papayagan ka naman nun siguro" Sabi ni Tita, si JD ay sigurado nang sa Manila siya mag si-Senior High at mag ko-kolehiyo. Ilang buwan na lang ay ga-graduate na kami ng highschool, lbig sabihin hindi ko na siya makakasama at baka hindi ko na rin siya makita ng madalas. Paano na ako?









"Itatanong ko po" Sagot ko lang at sinubukang itago ang lungkot na nararamdaman ko. Palihim namang sinulyapan ni JD itong si Jane. Alam niyang yan ang balitang pinaka ayaw niyang maririnig. Noong una niyang malaman ang tungkol sa magiging paglipat ni JD sa Manila ay hindi talaga naging maganda ang reaksiyon niya, Malungkot pa sa malungkot. Akala mo namatayan!









Habang tahimik na naghihintay sa pagkain ay nagulat na lang si Jane ng biglang inipat ni JD ang kaniyang plato ng tissue. "Huh? Hindi naman ako umiiyak" Sambit ni Jane. Napailing na lang si JD at huminga ng malalim. "Gamitin mo habang kumakain" Sabi niya, Umawang naman ang big big ni Jane ng mapagtanto ang ibig sabihin ng ginawa ni JD.









"Ma'am order niyo po" Sa wakas ay dumating na rin ang waiter at nilapag sa aming mesa ang mga inorder naming pagkain. Sinalinan naman agad ni JD ng juice ang baso ng kaniyang Ina at ang baso ni Jane. "Anong gusto mo?" Tanong niya kay Jane.









"Yung pasta" Bulong ni Jane at inabot iyun sa kaniya ni JD, habang nilalagyan ni Jane ang pasta kaniyang plato ay nilagyan naman ito ni JD ng pizza at chicken. Naninibago lang na tiningnan ni Jane itong si JD, araw araw parang may unti unting nagbabago sa kaniya. Siguro natutunaw na ang yelo niyang puso. "Thank you" Mahiyain niyang pasasalamat kay JD.









"Oh wait! Picture mo na kayo!" Biglang anunsiyo ni Tita na naka hawak na phone niya at handa na kaming kunan ng litrato ni JD. Tumingin muna ako JD, ng makita siyang nakaharap na kay Tita ay tumingin narin ako roon. "Lapit pa! Magkagalit ba kayo?" Singhal ni Tita, at minostrahan kami ni JD na maglapit pa.









Take me to your HeartWhere stories live. Discover now