07

2 0 0
                                    




Ngayon ang pangatlong araw na hindi niya ako pinapansin. Kinabukasan noong araw na yun ay parang hindi niya na ako kilala, parang nakalimutan niya na ako ng basta na lang. Sa tuwing susubukan kong lumapit ay umiiwas siya. Hindi kami magkasabay pumasok at umuwi, madalas nauuna siya o kaya naman mahuhuli ng kaunti. Hindi ko naman gustong mangyari to, siguro nagkulang din talaga ako sa pagpapaliwanag ng saloobin ko at parehas kaming hindi nagkaintindihan.




"Hindi mo ba ikukuwento sakin kung bakit parang...hindi na nag e-exist si JD sayo" Tanong ni Ali kay Jane na mula noong unang araw ay basa lang ng basa ng libro, talagang doon na lang niya binigay lahat nga atensiyon niya. Napaisip naman itong si Jane, tatlong araw na siyang tahimik at hindi kumikibo tungkol sa nangyari. Baka okay na yun at sabihin niya na kay Ali ang nangyari.




"Wala...ayaw ko na" Imbis na ikuwento ang lahat ay iyon lang ang nasabi niya. Iyun din kasi nangingibabaw sa puso niya, pagod na siya. Siguro dati pa siya pagod, pero ngayon lang niya napagtanto. At gusto na niyang magpahinga muna. "Anong ayaw mo na? Akala ko ba si JD lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ali.




"Tama ka naman 'e, ang dami pang iba diyan...tutal ayaw naman sakin ni JD bakit ko pa ipipilit?" Sarkastiko ngunit nagpapakatotoong hayag ni Jane. Yun na lang talaga ang nasa utak niya ngayon! Suko na! Ayaw na! Huwag na ipilit! Tama na! Move on!




"Sinabi niya ba sayo na ayaw niya sayo? Or hindi ka niya gusto?" Kuwestiyon ni Ali.
"Hindi niya na kailangan sabihin, alam mo? Bahala na talaga siya buhay niya, bahala na rin ako sa buhay ko" Singhal ni Jane at bumalik sa pagbabasa ng libro.
Miya miya pa ay may sumusulpot sa gilid nila.




"Oh? Ginagawa mo dito?" Tanong ni Ali ng mapansin ang pagdating ni Tan, isa sa mga barkada ni JD. "Wala...mag aaya lang ako, gusto niyo sumama mamaya? Pupunta kami sa Perya after school"




"Ano tara? Kakabukas lang nun Jane! Tara sama tayo" Pagpupumilit ni Ali, noong nakaraang linggo ay nagopen ang isang Maliit na Perya sa may plaza, isang sakay lang iyon ng pampasaherong jeep mula sa eskuwelahan nila at hindi rin naman kalayuan. "Sino sino ba kasama?" Ang agad na tanong ni Jane.



"Si Brix! Si Vin! Si JD, depende daw" Sabi ni Tan. "Marami akong gagawin, kayo na lang" Mabilis na pag tanggi ni Jane.




"Ayaw niyo sumama? Libre namin pamasahe! Madaming laro dun!" Pangungumbinsi pa ni Tan, pero buo na talaga ang desisyon ni Jane. "Marami nga akong gagawin, sige na next time na lang" Pagtanggi ulit ni Jane kaya, dismayadong umalis si Tan at pinuntahan si JD.


"Ano?" Salubong agad ni JD kay Tan. "Wala ayaw, marami daw siyang gagawin" Balita ni Tan kaya napahimas na lang sa batok niya itong si JD. "Ano bang sinabi mo?"



"Sabi ko, gusto niyo ba sumama mamaya sa perya, libre namin pamasahe" Paglalahad ni Tan na pinakinggang mabuti ni JD. "Oh tapos? Sinabi mo bang kasama ako?" Tanong ni JD.




"Sabi ko depende" Mas lalo namang na istress si JD ng marinig ang sagot ni Tan. "Bakit mo kasi sinabi? Dapat kasi sinabi mo hindi ako kasama!" Singhal niya, at umalis roon.


Luh! Frustrated yarn?



Lunch time, 12:00PM

"Mauna ka na, ipapasa ko lang to kay Ma'am" Sabi sa akin ni Ali kaya lumiko na ako papuntang canteen para kuhanin ang lunch na pina reserve namin kanina. Pumila ako habang kaunti pa ang tao, siguro maraming estudyante ang lumabas ngayon para mag lunch. "Nasaan si Ali?" Nakaramdam naman agad ako ng kaba ng marinig ang boses niya, tatlong araw na rin pala ng hindi ko iyun naririnig.



Take me to your HeartWhere stories live. Discover now