Chapter 10

588 11 4
                                    

CHAPTER 10


Isang araw. Isang araw na ang lumipas pero di parin nagsisink in sa utak ko yung sinabi ni Niel. So ganun lang yun? Ganun na lang ang sasabihin niya matapos niya kong paasahin?

Sabi niya liligawan niya ko at papatunayan niyang mahal niya ko. Pero ano? Sasabihin niya yung mga salitang yun nang ganun lang kadali. Na parang joke lang ang lahat?


Ang tanga ko.



Ang tanga-tanga ko.



Bakit kasi umasa pa ko



Wala namang forever eh. Sabi nga ni @trishaannedellava


Bakit ba. Bakit pa kasi niya sinabing liligawa niya ko tapos tatalikuran niya rin pala ako na para wala lang.



Iniwan nanaman sa ere. Ganyan ka naman Niel eh.


Naglalakad-lakad ako sa park ngayong hapon. Bakasyon naman eh. Okay lang magliwaliw.


Lilibangin ko lang ang sarili ko para kahit minsan naman makalimutan ko tong sakit na nararamdaman ko.


Tss. Nakita ko yung bench. Yung bench kung saan dito sinabi sakin ni Niel yun. Bakit ba sa dami ng lugar na pupuntahan, dito pa ko napadpad.


Traydor. Traydor na mata na lagi na lang umiiyak, traydor na paa dahil dito pa ko dinala.


Naupo ako sa bench. Napabuntong-hininga.

Siguro nga di pa pwede. Pero kasi mahal ko sya. At kahit anong sakit na idulot niya sakin, okay lang. Taganggapin ko. Tanga nga diba </3



Pinagmasdan ko yung mga damo. Buti pa sila, walang pinoproblema. Nagpapadala lang sa hangin, at sa agos ng buhay. Buti pa sila. Samantalang ako, laging BH.


Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid ko ng biglang may bumugad na ice cream sa mga mata ko.


"Ice cream oh."




"Matt?"


"Buti naalala mo pa ko. Haha."


Siya si Matthew, seatmate ko isa sa mga subjects ko.


"Baliw. Panong di kita maaalala eh sawang sawa na ko sa mukha mo."


"Ang hard mo naman! Hahaha. Ano bang problema mo? Bat ka nakabusangot?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Kasalanan ang Maging TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon