Chapter 3

703 21 7
                                    

CHAPTER 3

Di ko parin makalimutan yung ngiti niya.

Kanina pa ko nagpapagulong gulong dito sa kama habang iniisip yung nangyari last week. Oo isang linggo na yung nakalipas pero di padin ako nakakamove on ^_____________^

Di padin matanggal yung ngiti ko sa labi pag naaalala yung bagay na yun. :DD

Sino ba naming babae na gaya ko ang hindi mapapangiti pag naalalang nginitian siya ng crush niya?

“Lexxxxiiiiiiiiii!”

*BOOGSSSH*

Nahulog ako sa kama dahil sa gulat ko sa pagsigaw ni Joyce.

“Ano ba? Nag-eemote ako eh?!”

“Bumangon ka na dyan at madami pang activities sa school. Nakalimutan mo ba? Makiki usyoso pa tayo sa mga booths!”

Booths? Hala oo nga Intrams pala ngayon! Ano kayang feeling ng mag intrams ngayong college na kami?

Masaya kaya?

Agad agad akong bumaba at kumain. Ginawa ang Morning rituals.

Humarap sa salamin at nagmaganda. Kelangang mapansin niya ko ngayon, sawa na kong masnob ng crush ko ;/

Kaya pinili ko yung favorite kong blue dress. Nagbraid at naglagay ng konting make up. At ayan, ready na ko.

Lord, sana po mapansin niya yung kagandahan ko. Kahit ngayon lang po. Kahit ngayon lang po at sa mga susunod na araw, at sa forever po. Thank you!

Lumabas na kami ng condo ni Joyce.

“Ang cute ng porma mo ngayon ah. Ayeee, blooming!”

“Hehe, inspired eh :D”

Pumara kami ng jeep. Oo para tipid, sanay ako sa hirapp eh. Kaya kahit medyo nakakaangat na kammi sa buhay dahil tinutulungan ako ni Tiyo Havier, marunong parin akong magtipid dahil alam ko kung gaano kahalaga ang pera.

After 10 minute nakarating na kami sa school. Parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon?

Para kong tinatamad na ewan.

“Tara, itry natin yung Freedom Wall!” aya ni Joyce

agad agad akong umoo sa sinabi niya.

Sa Freedom wall kasi, Malaya kang maglagay ng notes na gusto mong sabihin kahit kanino. Pwede mong ilgagay yung pangalan niya at kung kanino nanggaling. Pwede ring hindi mo ilagay kung kanino naggaling para secret lang <333

Kung Kasalanan ang Maging TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon