Chapter 4

580 15 2
                                    

CHAPTER 4

Matapos ang pangyayari nung araw na yun, nabalitaan kong nagbreak na daw si Niel at Chelsea.

Dapat nga kong matuwa pero nagtataka talaga ko kung bakit sila nagbreak.

At ang nakakapagtaka pa, kung kelan sila nagbreak ni Chelsea, saka pa ko pinansin ni Niel.

Ano bang meron? Bukod sa meron ako? LOL. XD

“Tulala ka nanamang bruha ka. Iniisip mo nanaman si Niel noh!”

“Ano pa nga ba?”

“Kung ayaw mong galawin yang pagkain na inorder ko para sayo, akin na lang! Sabihin mo lang!” ang takaw talaga nitong babaeng to. May pinagmanahan. (Owtur)

“Joyce, nakakapagtaka kasi, bakit kaya nagbreak sila Chelsea at Niel? Bat kaya pinapansin na niya ko ngayon?”

“Diba dapat Masaya ka? Na pinapansin ka na niya? Dapat nga nagdidiwang tayo ngayon eh.”

“Oo pero kasi parang may something na kakaiba eh.”

“Hayaan mmo na, basta friends na kayo, tas ang haba nga hair mogirl! Kaso nakita ka niyang may-

“SSSSSSH! Tumahimik ka nga, ipapa alala mo nanaman yung awkward na nakakainis na pangyayari nay un eh!”

Nakakaininis. Hanggang ngayon kapag naaalala ko yun, nahihiya parin ako. Grabeee talaga.

Kumakain kami ngayon dito sa canteen. Oo intrams padin. Di ko pa ulit nakikia si Niel simula kahapon. Ayssh. A ng harot ko talaga XD.

Ano kayang pinagkaka abalahan niya ngayon?

Psssh.

“Mag-usap tayo.”

“Chelsea?” Bakit andito siya? Kami? Mag-uusap?

Tumingin ako kay Joyce. Halata ring nagulat siya dahil hindi natuloy yung pagsubo niya ng spaghetti. Para siyang napause ng kung sino mang may hawak ng remote na nagpapakilos sa kanya.

Binigyan ko sya ng tingin na nagtatannong kung anong gaagwin ko. Kung sasama ba ko kay Chelsea.

At tumango ang loka. Di ba niya inisip na nakakatakot yung mangyayari? Haha.

Sinundan ko si Chelsea. Sinundan ko yung lakad niya. Hindi ko alam kung san kami pupunta. Kinakabahan ako, di ko alam kung bakit. May kasalanan ba ko sa kanya? Alam ko wala naman.

Huminto kami sa may garden ng University. Nagkataon pang Intrams ngayon at busy ang karamihan sa iba’t ibang booths kaya maliit ang chance na may mapadaan dito.

“Ang landi landi mo talaga.” Sabi niya O___o

“Ha? Wala naman akong ginagawa ah.”

Nakakapagtakang sabihan niya ko ng mga ganitong salita. Hindi naman kami close.

“Ikaw yung dahilan kung bakit nagbreak kami. Alam mo, sana hindi ka nalang nag exist. Para forever na kamim ni Niel.”

Halata sa tono niya ang galit at sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi parin maalis sa isip ko ang pagtataka.

“Bakit ako? Wala naman nga akong ginagawa. Oo binibigyan ko siya ng letters pero yun lang yun.”

“Siguro nga ngayon hindi mo pa alam, pero sinisigurado ko sayo, hindi kayo magigig masaya. Dahil lahat ng gusto mo, ay mapupunta sakin. Kahit annong bagay na gustuhin mo, akin lang.”

Matapos niyang sabihin yun, agad siyang umalis. Iniwan niya ko sa garden. Naka drugs ba yun?

Anong pinagsasasabi niya.Oo hindi nga talaga kami close dahil umpisa pa lang na magkita kami ni Chelsea, masama na lagi ang tingin niya sakin.

Tuwing makakasalubong niya ko, iniirapan na niya ko na para bang may ginawa akong masama.

Hinahayaan ko na lang at iniisip na may topak siya.

At sobrang nagulat talaga ko nung maging sila ni Niel.

Pero okay nay un, dahil wala na sila ngayon. :D

*Insert Evil Laugh Here*

Bruha, bumalik ka na dito sa canteen. Antagal mo! - Text ni joyce

Naglakad na ko pabalik sa canteen. Hay, ang layo pala :/

Yung bruha pa naman nay un mainipin. Ayaw na ayaw na pinaghihintay siya. Opposite nga siguro kami. Dahil siya ayaw ng pinaghihintay, ako laging naghihintay. </3

Kung Kasalanan ang Maging TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon