Chapter 9

643 15 6
                                    

CHAPTER 9

A MONTH AGO NG NAG UMPISA SYANG MANLIGAW. Okay naman lahat. Dahil hindi lumilipas ang araw na pinapakilig niya ko :D

Madalas yung mga pagkakataonng sinusurpresa niya ko ng roses, ng chocolates, ng kwek-kwek ( Oo kwek-kwek kasi alam niyang gustong gusto ko yun. HAHAHA) pati ng mangga. Hahaha. Basta nakakatuwa sya. Umpisa pa lang gusto ko na siyang sagutin.

Sino ba naming hundi kung maeffort yung future boyfriend mo diba? Choosy pa ba? Hahaha.

Lagi niya kong hinahatid sundo pag may pasok ako kahit na minsan di magkatagpo yung schedule namin. Sinisikap niya parin na Makita ko kahit isang sulyap sa isang araw. Umpisa pa lang, sa kanya na yung puso ko eh.

Bakit di ko pa sya sinasagot?


Gusto ko kasing ngayong Pasko ko sya sagutin. Para memorable =)

“Okay na ba tong suot ko? Hoy Lexiiiiii!”

Nagising ako sa daydreaming dahil sa sigaw ni Joyce. Pinapapili niya nga pala ko sa dress na susuotin niya dahil may kanya kanya kaming date mamayang Noche Buena. At syempre meron din ako at si Niel yun.

“Oo okay nay an. Kanina ka pa pili ng pili eh.. Tingnan mo, ang dami mong kalat!”

“Aysus. Lutang ka lang eh. Excited pa kamo kase sasagutin na niya mamaya yung Niel niya.”

Napangiti ako. Mamaya na nga pala yun. Kaya kailangan kong magpaganda ng maigi. HOHOHO :D

“Magbihis ka na nga! Anytime darating na yung date mo. Tigilan mo yung kakasar sakin”

At nagbihis na nga siya. Mamimili na rin ako ng damit sa closet ko ng mapukaw ng tingin ko yung nasa ibabaw ng drawer ko.

Aha, yung regalo ko sa kanya. Isang box na nabili ko sa Papemelrotti na ang laman ay mga letter na nagsasabi kung gano ko kaswerte na mahal din pala ako ng pangarap ko <3.

Pinaghirapan ko yan, November palang pinaghandaan ko na. :d Di naman ako excited nuh. Hahaha.

Basta gusto kong maging perfect yung Christmas date namin mamaya. Pinili ko yung Red na floral dress ko. Kaunting make up at ayos ng buhok lang okay na. Gusto kasi niya yung simple lang at naiinis siya sa mga babaeng halos gawin ng coloring book yung mukha XD

Sana magustuhan niya yung regalo ko. Ano kayang regalo niya sakin?

TOK.TOK,TOK.

“Lexi, Alis na ko. Andyan na yung sundo ko eh. Merry Christmas sa inyo ni Niel! Babyeee!”

“Sige ingat!”

8pm na. Saktop. Aalis na ko para 8:30 nandun na ko sa Park na sinasabi niya.

Habang naglalakad papunta dun nahawak yung regalo ko sa kanya, di ko mapigilang mapangiti dahil naalala ko parin yung apat na taon na paghahabol habol ko sa kanya. Kung pano ko siya i-stalk, kung paano ko makitang punitin niya yung bawat letter na ginagawa ko para sa kanya, at iba pa.

May tumulong luha sa mata ko. Tears of Joy ata. Kasi malapit na. Malapit na uyng oras na magiging kami na ng lalaking matagal ko ng pinapangarap. Yung lalaking nagtanggol sakin years ago sa bullies. Yung ideal guy ko na bilib na bilib ako sa panliligaw niya. Yung lalaking dati pangarap kpo lang, mamaya magiging akin na talaga.

Napakaswerte ko kasi binigyan kami ng chance ni Lord na magmahalan. Di pa man kami napatunayan niya na sakin worth it yung pag aatay ko ng 4 years para mapansin niya.

Nandito na ko sa park at nakupo sa Bench. Akala ko nauna sakin  si Niel, ako pala. Masyado atang excited. Hahaha.

Mula sa malayo, may nainag akong anino ng isang lalaki.

At alam kong siya yun =)

Papalapit siyang naglakad sakin.

Malayo pa lang, tanaw ko na yung kagwapuhan niyang kabisado ko na yung mukha. Haha .

“Merry Christmas” Nakangiting batik ko sa kanya.

Pero imbes na pagbati ang ibalik niya, di mapakaling Niel ang nasa harap ko. Di ko mawari yung emosyong ipinapakita niya. Di siya mapakali, parang may iniisip na malalim. Halos hindi makatingin sa mga mata ko.

“Bakit Niel, may problema ba? Okay ka lang?” tanong ko.

“So…Sorry Lexi”


“Ha? Di, okay lang yun. Kakarating ko lang halos. Di ka pa masyadong late.”

“Hindi. Hindi yun yung ibig kong sabihin. Sorry. Ayoko na. Ayoko ng ituloy yung panliligaw ko. Ayoko ng magkaron pa tayo ngn komunikasyon. Ayoko ng magkita pa tayo. Sorry.”

Yan yung mga salitang narinig ko sa kanya bago siya tumalikod at umalis palayo sakin.

Wow. Christmas gift niya bas akin yun? Christmas Heartbreak </3

Walang makakapag explain ng nararamdaman ko ngayon.

Di pa nga nagsisink in yung mga salitang yun eh. 20 minutes na ata kong nkatulala dito sa park eh. At paulit ulit lang na nag eecho yung mga sinabi niya sakin.

Anong nangyari? Bakit ganito? Isang malaking Joke lang ba ang lahat? Joke lang ba lahat ng pinakita niya sakin? Nasa isang malaking prank show lang ba ako  ngayon para maloko? Anong dahilan niya at ginawa niya yun? May mali bas akin?

Akala ko ba magiging okay na ang lahat?

Kung Kasalanan ang Maging TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon