Chapter 6

488 15 6
                                    

Chapter 6

“Kaya nga ko nandito sa harap mo ngayon diba? Para patunayang totoo yung sinasabi ko. Hayaan mo sana kong gawin ko yun.”

“Kaya nga ko nandito sa harap mo ngayon diba? Para patunayang totoo yung sinasabi ko. Hayaan mo sana kong gawin ko yun.”

“Kaya nga ko nandito sa harap mo ngayon diba? Para patunayang totoo yung sinasabi ko. Hayaan mo sana kong gawin ko yun.”

Hindi parin mawala sa isip ko yung mga salitang yun. Totoo ba yung sinasabi niya? Maniniwala ba talaga ko? Dapat ba kong matuwa? (Itanong kay Lhady_mae02 XD)

Sige na please pumayag ka na... – Text ni Niel<3

Hayy napakagulo ng nararamdaman ko. Dati gustong-gusto kong dumating yung araw na to. Yung araw kung kelan sasabihin niya ring mahal niya ko. Pero nng dumating na yung araw na yun, nagalit naman ako. Kung nadidiktahan lang ang puso. :/

*Tok tok tok*

Sino kaya yun? Hindi naman siguro si Joyce kasi may susi siya nitong condo.

Oo, mag-isa lang ako dito ngayon. Restday ko.

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito.

“Tiyo Havier!”

Nagalak ako nang makita ko siya. Namiss ko rin kasi tong Uncle ko. Matagal na nung huli ko siyang nakita.

“Kayo po pala, tuloy po kayo :)” yaya ko sa kanya. Mukhang may dala pa siyang pasalubong sa mga bitbit niya.

“Iha, mukhang nangangayayat ka ah?” Tanong niya. Itopng Uncle ko talaga, parang Nanay/Tatay ko kung magtanong.

“Di naman po, stressed lang siguro.”

“Stress? Saang bagay?”

“Ahh. Wala, sa School matters lang po. Wag po kayong mag alala.”

“Mabuti. Sumaglit lang talaga ko dito para kamustahin ka. Nasan pala si Joyce?”

“Ahh, may pasok po.”

“Ganun ba, may sasabihin pa naman ako sa kanya.”

“Ano po bang sasabihin niyo? Ako na lang magsasabi.”

“Di bale, sa ibang araw na lang. Oh sya, alis na ko. Mag-iingat kayo dito. Pagbutihin mo yung pag-aaral mo.” Paalam niya. At saka siya umalis.

*1 Message Received *

Pumayag ka man o hindi, papatunayan ko sayong mahal kita Lexi.

- Niel

*KINABUKASAN*

Naglalakad ako ngayon dito sa school papunta sa first subject. Ang wiwirdo ng mga taong nakakasalubong ko. Nakangiti sila sakin at sinasabing “Sa Lagoon.”

Weird diba? Anong meron dun ngayon? Gustuhin ko mang pumunta dahil nakakacuriuos, ayoko. Malelate na kasi ako sa first subject ko.

Kaya dumeretso na ko sa tapat ng building ng subject ko. Second floor lang naman kaya naghagdan lang ako. Pagdating ko sa tapat ng room namin, sinilip ko yung bintana at nakita kong wala pang tao. Nilibot ko yung tingin ko sa loob. May tao pala, isa. Nandun siya sa pinaka sulok at nakayuko. Nakakatakot naman to, di man lang binuksan yung ilaw.

Napakadilim kasi nun sa loob pag walang ilaw. Airconditioned kasi kaya kaya kulob tapos yung kurtina tinatakpan pa yung mga bintana. Kaya super dilim.

Pumasok na lang ako sa loob kasi nakakangalay tumayo dito sa labas. Umupo ako sa may harap. Medyo malayo sa lalaking nasa likod kasi nakakatakot siya :3

Dalawa lang pa naman kami dito sa loob.

May assignment ba kami? Hmm parang wala----

“Aray.” -_-

Binato ako papel. Sino pa nga ba? Edi yung lalaki sa likod. Lumingon ako sa kanya. Nakayuko sya na parang walang nangyari. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang trip nito? Kinuha ko yung papel na pinambato niya sakin. Pinulot ko.

Ibabato ko na sana ulit kaso napansin kong may nakasulat dito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Hi, I’m Ace. You are? :)

Kung Kasalanan ang Maging TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon