Chapter 4- The accident

6 1 0
                                    


Angellie Tromp's POV

Nandito na kami ngayon kila Gen, and perfectly! Tulog pa sya. Kanina pa nagri-ring yung alarm clock nya. Grabe naman tulog nitong si Gen.

Maya-maya, dumating na si Irish. Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni Gen at hinihintay na magising sya habang inuuga namin.

"Gen!!! Gumising ka na!!! 6:30 na oh!!!" Sabay naming sabi ni Irish.
Hay buti naman, success ang pag sigaw namin.

"Ano?!?!?!?!? 6:30 na?!?!?!?!" Gen. Sabay bangon nya.

Anak ng putakteng naman oh! Labas tutuli ko dun ah!

Pero, grabe naman talaga yung sabi ko sa kanya. Syempre, yung 6:30 thingy na yon, di yon totoo. Sinabi lang namin yun para magising ang diwa ni Gen. Quarter to 6:00 pa lang naman.

"Hey easy Gen!" Sabay naming sabi ni Irish. Grabe naman kasi tumakbo itong si Gen. Nagmamadaling pumunta sa cr.

"Gen please, huminahon ka nga! Quarter to 6 pa lang!"

Tiningnan nya kami ng NAKAKAMATAY na tingin. Nag peace sign na lang kami.

"Maliligo na ako. Lakas nyo mang-trip. Hahahaha. And, naniwala naman ako. Hahhahah" Gen.

Natawa? Eh halos kanina, parang matutunaw na kami dun sa tingin nya.

"Ikaw talaga! O sya, maligo ka na at quarter to 6 na!"

"Ofo!" Gen. At pumunta na sya sa cr at naligo na.

"Gen, baba na muna kami. Hihintayin ka na lang namin sa sala"

"Ok" Gen.


Genivieve's POV

Habang nagbabanlaw na ako, narinig kong nagsalita si Angellie.

"Gen baba na muna kami. Hihintayin ka na lang namin sa sala." Angellie

"Ok" Sambit ko na lang.

Lumabas na ako sa cr at nagbihis na. Kinuha ko na yung mga gamit ko sa bed at bumaba na.

"Hi girls!" Sigaw ko kila Angellie at Irish na nanonood ng TV. Habang pababa ako ng hagdan ay lumingon na sila.

"O buti naman nandyan ka na. Nauna na sila mommy at daddy mo sa may bay. Sumunod na lang daw tayo" Sabi ni Irish habang kinukuha yung mga dadalahin nya.

"O ano pa ang ginagawa natin? Tayo na!"

Lumabas na kami ng gate at sumakay na ng car KO. Syempre, akin yung ginagamit ko. Pero, ayaw ni daddy na ako ang magda-drive kaya kinuhaan nya ako ng driver. Pero, marunong na ako mag-drive.

"Manong Ben sa may bay po yung ang madadaanan po ay 7/11"

"Sige po. Mam nagtext na po si mam Yhieve na nandon na po lahat ng kasama. Kayo na lang daw po ang wala." Manong Ben

"Talaga po?!?! Manong Bilisan mo na po! Bilis! Halika na kayo! Sumakay na kayo! Hayaan nyo na yang gamit nyo! Hindi yan mawawala sa likod!" Natatarantang sabi ko

"O eto na nga kami!" Irish, Angellie

Pinastart na ni manong yung car engine and umalis na kami.

Wow enfareness ha? wala pang 5 min nandito na kami sa may bay.

Bumaba na kami at tumakbo pasakay ng MALAKING Bangka. Inalalayan kami nung condoctor na sumakay .

"Bakit ang tagal nyo?" Dad

"Sorry po. Nalate lang po ng gising"

"Ok lang yon. Hindi naman nagalit si Aunty mo eh" Dad

Nagsmile na lang ako at pumunta kila Angellie at Irish na nagse-selfie

"Sali naman ako dyan!"

"O halika. Sali ka sa amin para may souvenir tayo"

Pumunta na lang ako sa kanila at nag picture picture kami. Kinuha ko rin yung cp ko at nagpicture din ng view.

Habang nag pipicture kami bigla na lang umuga ng malakas yung bangka

"Ahhhh" Sigawan ng mga tao doon. Pati kami, napasigaw na rin.

Tumingin ako sa dagat at pagkakita ko........


o.o

0.0

O.O


Napakalaking alon ang sasalubong sa amin.

"Pumunta tayo sa may kila tita para kung anong mangyari hindi tayo magkakahiwalay.

Tumakbo na kami papunta kila mommy pero nahulog yung cp ko. Babalikan ko ito pero sumigaw si Irish.

"Gen, wag mo nang kuhain! Andyan na yung alo-" IRISH

Bumaliktad yung bangka naming sinasakyan at andito ako ngayon nalulunod.

"m-mo-"

"m-mommy"

"d-da"

"d-daddy"

Hindi na ako nakatagal and ilang seconds ang nakakalipas, all went black

Never Let You Go (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon