Genivieve's POVNagmulat ako na nagtataka. Nasaan ako?
Para syang beach. I mean, beach na nga.
Tumayo ako at nagtanong-tanong.
"Ate, saan pong lugar ito?"
"Ah ito ba? Part na ito ng Luwalhati. Ito ang isa sa pinaka magandang resort sa buong Pilipinas." Sabi nung babae.
"Ano nga pong resort ito?"
"Paradise Resort. Sige, una na ako. Hinahanap na ako ng boyfie ko eh" Ateng hindi ko kilala.
"Ah sige po salamat" Sabi ko na lang at naglakad-lakad na.
Habang naglalakad lakad ako, nakakita ako ng lalaking halatang staff sya ng lugar na ito.
"Ah kuya, pwede nyo po ba akong tulungan?"
"Anong maitutulong ko sayo iha?" Kuya
"Gusto ko lang po may mahanap po tayong nanadito na taga San Diego? Dun po kasi ako nakatira. Nawawala po kasi ako. Bumaliktad po yung bangja namin sinasakyan. Eh..... gusto ko na po makauwi eh"
"Ah ganun ba? Sige tutulungan kita. Magpapatulong na rin ako sa ibang staff. Dito ka na lang maghintay. Babalikan ka na lang namin dito."
I just nodded. Sana may mahanap silang taga San Diego. Syempre, kapag may nahanap sila, pwede akong makisabay sa kanila para makauwi na ako at makahingi ng tulong sa iba kong kapamilya.
Siguro mahigit isang oras na akong nakaupo dito sa loob ng cottage. Maya-maya, dumating na yung mga staff nitong beach.
"Mam, meron po kaming nakita. Pwede daw po kayong sumabay sa kanila" Sabi nung isang staff.
Tumulo bigla yung luha ko nung nalaman ko yun.
"T-talaga p-po?" Mangiyak-ngiyak na sabi ko.
"Oo naman. Ayos ka lang ba?" Staff
"Nasobrahan pang po sa saya" Sabi ko habang pumupunas ng luha.
"Oh halika na. Hinihintay ka na nung taga San Diego"
Lumakad na kami papunta kung nasaan yung taga San Diego. Habang naglalakad kami, nagsalita yung isang staff.
" Ah, ano bang pangalan mo?" Staff
"Genivieve Santos po"
Tumango na lang sila. Maya-maya, huminto bigla yung isang staff na nasa unahan. Kaya naman, napahinto na rin ako.
"Genivieve, ito na yung mga taga San Diego" Staff
Lumingon ako dun sa cottage na tinuturo nung staff na nasa unahan.
o.o
0.0
O.O
"Cedric?!?!?"