18- CONVERSATION XD

1.7K 82 2
                                    

AT DAHIL! MAY ISANG COMMENT SA LAST CHAPTER, MAGUUD AKO! WAHAHAHAHAHA XD

----------------

Nadine's POV

[Continuation]


Huminga ako ng malalim.


"Are you alright?" tanong ni James


"Ahhm.. Oo ok lang" sabi ko. Pero sa totoo lang, medyo masakit yung pagkakabagsak ko. Sino ba namang hindi masasaktan pag nabagsak? Ikaw pa yung sa baba?


Silence........


Awkward......


Silence........


Awkward........


Nabibingi na ako sa katahimikan! Ayoko na!


"Ahh.... Pano mo nahanap tong lugar na toh?" tanong ko


"I don't know! I just found myself sitting on the sand and watching the sunset!" sabi niya. Parehas lang kaming nakatingin sa langit


"May ganto na nun o wala?" tanong ko ulit


"May ano?" tanong niya din


"Ahm, swimming pool! And other stuffs!" sabi ko


"Wala pa." sabi niya


"Ahhh..." nasabi ko nalang. Wala na akong maisip na ibang sasabihin eh! HAHA


"Dati kasi," pagsisimula niya " Magubat pa 'to, puro puno. Pati yung bahay! Wala pa yun nun. Puro puno lang din"


"Bakit ka nagpatayo ng ganto dito?" tanong ko ulit


"Dito kasi yung favorite place ko. Actually, hindi ako yung nagpatayo eh."


"Sino?" tanong ko ulit


"Sila mom and dad" sabi niya


"Uhm... James, pwede favor?" tanong ko. Naguguluhan na kasi ako eh! Di ko na alam kung anong itatanong ko para macomplete yung puzzle.


"Yes. Ano yun?"


"Pwede, kwento mo sa simula't simula?"


Narinig kong napatawa siya ng mahina at onti.


"Sure! Ganto kasi yun! Puro puno dito dati, parang gubat! Ayun to dati. 15 years old palang ako nung matagpuan ko to. Nag adventure ako mag isa, gusto ko kasing lumayo. K-kasi....... Kasi..."


"Kasi?" tanong ko. Para kasing hindi niya maituloy yung sasabihin niya


"Ahm," narinig kong napalunok muna siya "I-iniwan ako nung taong pinakamamahal ko"


Pinakamamahal niya? Si, Devon?


Ouch!


What the? Hindi ako yun ah!


"S-si D-Devon?" bat ako nauutal? Ha? Nadine! Ano ka ba?!!?


"Hindi," phew! Nakahinga ako ng maluwag dun ah! Wait what? No! So, ibig sabihin, may iba pa siyang minahal? "Si Ann.." Ann? Sounds familiar to me. Yung model? "Ann Li" pagpapatuloy niya. Siya nga! Yung model!


Hindi ako nakapagsalita, speechless..


"Iniwan niya ako at pinagpalit sa career niya" sabi niya


"Wait... So your telling me, na 15 years old ka palang. Ganun na yung story niyo? Ang bata niyo pa nun ah!" Kasi naman! Parang pang matatanda lang yun eh! "Hindi kaya, puppy love lang yun?"


"No," mabilisan niyang sagot "Sure na ako nun. Nung mga time na yun, alam kong siya na ang pakakasalan ko. Pero nung iwan niya ako, i don't know!! Nagalit nalang ako sa mga babae! Then! Dumating si Devon! At," mukang natigilan siya sa sasabihin niya, alam ko na yung kasunod. " Let's just! Don't talk about it! Etong lugar yung pinaguusapan natin diba? Bat napunta dun?" then he chuckled


"A-ah! O-oo! Eto yung pinaguusapan natin! So ano nang nangyari sa adventure mo?" pagaalis ko nung last topic


"Yun! Dito ako napadpad. Nag camping pa nga ako dito eh! To think na gubat toh! HAHA Hinanap ako nila mommy, umalis kasi ako ng walang paalam. Nahanap naman nila ako. Kaya sa tuwing gusto ko mapagisa, dito ako lagi napapadpad, at dito nila ako palagi nahahanap. Kaya, napagdesisyunan nilang magpatayo ng bahay dito at ibigay sakin......" Ahhh.... So yun pala ang kwento netong resthouse niya? Ok!


Hindi nalang ako nagsalita pa. Nagsalita ulit siya


"Actually, ikaw yung una kong dinala dito...." mahina pero sapat na para marinig ko. Napatingin ako sakanya. Nakatingin parin siya sa langit, ginagawa niya unan yung mga kamay niya. Nakangiti siya. Napangiti nalang din ako.


Nanatili kaming tahimik. At dahil sa katahimikan, inantok ako. Napahikab ako. Maya maya, hindi ko namalayan na nakatulog ako.


James' POV


Napatingin ako sakanya. Nakatulog siya. Haaayyy. Tumagilid ako at tinignan siya. Ang ganda niya. Napapikit nalang din ako at nakatulog.....


-------------------


SO, AYUN PALA!! KAYA PALA GALIT SIYA SA MGA BABAE! BWAHAHAHA MAY PUMASOK NANAMAN NA BABAE! BWAHAHAHA BUT DON'T WORRY! IPAPASOK KO LANG SIYA SA BOOK 2 NETO! WAHAHAHA TARAY! MAY PA BOOK 2 PA! YUN EH, KUNG GUSTO NIYO! WAHAHAHA NEXT TIME NA NATIN PAGUSAPAN YAN! PAG MALAPIT NA ENDING! PAG MALAPIT NALANG DIN ANG ENDING SAKA AKO MAGBIBIGAY NG CLUE KUNG ANO ANG ENDING NETO WAHAHAHAHA *EVIL SMILE* SO.... YUN! ALAM KO NA ENDING NETO. USUALLY KASE, KUNG ANO LANG PUMASOK SA ISIP KO, YUN LANG ILALAGAY KO. HAHAHA KAYA NAGKAKANDALITO LITO NGA AKO EH BWAHAHAHA HMMM.... ANO KAYANG MANGYAYARE SA NEXT UPDATE? WAHAHAHA PAG TUMAGAL AKONG DI NAKAPAG UD, COMMENT LANG KAYO. GAGANAHAN AKO! WAHAHAHA SINASADYA KO KASI TALAGA MINSAN NA HINDI MAGUPDATE KASI PAG WALA AKONG GANA, ANG KALALABASAN NG NEXT UPDATE, LAME. HAHAHAHA AY! ANG HABA NG AN KO! FIRST TIME YATA! BWAHAHAHAH SIYA SIGE!


BABYE!!!!!!!!!


;)



I'M BACK!!- Jadine fanfic. {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon