2❤ SFB

3.3K 119 12
                                    

3 years ago..

Nadine.

Hello ako si Nadine Lustre 15 years old (Turning 16 this October), geek, nerd, mayaman. Hindi ko kasi masabing maganda ako eh. Haha. 

"Hey!"

"Ay tipaklong!" napasigaw nalang ako sa gulat. 

Pano ba naman ginulat ako ng bestfriend kong si Yassi. 

 Yassi  is my bestfriend since kinder kaya parang magkapatid na kami. Kahit saan ako pumunta isasama ko yan kahit ibang bansa pa yan, pumapayag naman yung magulang nya kasi magkakaibigan din ang magulang namin. Mayaman din siya at meron silang sariling company. 

"Easy lang!"

"Ba't ka ba nanggugulat?? Agang aga oh" inis na sabi ko sakanya. 

"May sasabihin kasi ako sayo!!!*ngiting sobrang lapad*"mukha siyang tanga. 

"Ano nanaman yon?*naiinis*" Pano ba naman ako hindi maiinis agang aga oh. Naglalakad kasi ako sa hallway papunta sa classroom at first day of school year ngayon.Antok pa ko eh nagpuyat kasi ako. Mukha tuloy akong zombie na naglalakad.

"Kami na!!*kinikilig*" Pagkasabi niya nun parang bigla nalang akong nabuhay o kung ano. 

"ANO?!?!?! SINAGOT KA NA NIYA??" nanlalaking mata na tinignan ko siya. 

Ang weird 'no? Pero oo, si Yassi ang nanligaw, patay na patay nga si Yassi dun eh. Matagal ko nang sinabi sakanyang tigilan na niya yun kasi basted lang siya dun ang kaso patay na patay nga siya. Tss. Lahat nga ng babae gusto yun pero ako hindi. Isa yun sa mga heartthrob dito sa school na to. Ewan ko kung ano nagustuhan nun dun. Ewan!! Gwapo nga masama naman ugali kasi kasama siya dun sa grupo ng "5 Corners" Natawa ako bigla. Nakakatawa kasi yung pangalan eh. Parang pangalan ng isang store na nagbebenta ng fries... HAHAHAHAHAHA--- Gusto ko tuloy ng fries. 

But anyway, back to the topic, puro gwapo yung nandun ang kaso masasama ang ugali. Bat kaya sinagot nun si Yassi? 

Nakahithit din kaya yun ng baygon? At nagasal babae na siya pa ang sumagot? Ugh.

"Ano ka ba Nadz nakakahiya oh pinagtitinginan tuloy tayo" sabi niya sabay tingin sa paligid. 

"Sorry naman... Pero totoo nga?? Sinagot ka nun???" tanong ko na hindi parin makapaniwala. 

"Oo, sabi ko naman sayo magiging kami eh. Ang kulit mo kasi" bat parang ako pa yung mali? Gusto ko lang naman kasi yung best para sakanya. Eh mukhang hindi maganda yung nakuha niya. It's the worst. 

"YASSI!!!" sinigawan ko siya sa tenga. Napaatras naman siya at halatang nagulat.  

"Ano ba Nadz!! Sakit nun ah" sabi niya sabay himas sa tenga. 

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Hoy kasali yun sa "5 Corners"" pinandilatan ko uli siya ng mata. 

"Eh ano naman?" painosente pa ang babae -_-

"Baka niloloko ka lang nun!!" 

Siyempre parang magkapatid na din kami kaya pag umiyak yan maiiyak na din ako.

"Hindi yun!! Kaya nga "Baka" eh!" Ugh. Ayaw niya talagang makinig.

"Ah Basta. Binabalaan na kita" nasabi ko nalang sakanya.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGGG*

Nagbell na. Means start na yung class . Sabay na kami ni Yassi pumunta dun sa classroom namin. Parehas lang kami ng section. Nung nakarating na kami dun, tumingin kami sa paligid. May nakita akong grupo ng mga lalaki naka circle yung mga upuan nila. Hindi ba nila narinig yung bell? Pero teka.... kilala ko yun ah......... YUNG " 5 CORNERS"?!? 

Bakit sila pa? Huhu.

Baka ibully nila ako eh! ToT  

PERO ANG NAKAKAINIS PA, HABANG AKO INIS NA INIS YUNG KATABI KONG SI YASSI MALAPIT NA TUMILI SA SOBRANG KILIG DAHIL NANDITO YUNG BOYFRIEND NIYA. 

tss -_-

Napatingin ako kay Yassi. Mukha siyang baliw. 

Odiba? Mukha nang tanga baliw pa. Tch. 

"Hoy ano ba? Mukha kang ewan diyan! Bat ayaw mo nalang lapitan 'no?" kay Yassi lang talaga ako nagiging mataray. Haha. Di ko alam pero naeenjoy kong maging mataray sakanya. 

Napansin ko ang paghinga niya ng malalim.

"H-hindi pwede eh"

"Ano? Bakit?" tanong ko sakanya

Nakatayo parin kami dito sa pinto. Wala pa naman yung teacher namin eh.4th year high school na nga pala kami.

"Kasi..." ano nagpapabitin lang teh?

"Ano nga?!" nayayamot na ako ha. 

"Kasi........"

"Ay haruskopo. Ano ngaa?" napahawak pa ako sa noo ko na parang bata. Hindi parin siya sumagot "Pag di mo sinabi babato ko tong librong hawak ko sa boyfriend mo!!" 

"KASISIKRETODAWMUNA!!" parang may naghahabol sakanya sa bilis ng pagkakasabi niya. Ano daw? 

"Ano? Pakibagalan please?"

"shycreshofawula" huh? ano? Hindi ko narinig! Ang hina!

"Ang hina bes! Pakisabi ng maayos"

"S-sikreto daw m-muna.." Biglang naginit ang ulo ko.

"Sabi na eh. Yassi patunay na yon na hindi siya seryoso sayo" nasabi ko nalang sakanya.

"Bahala na. Upo na tayo" parang walang pakielam na umupo na siya. 

Saktong pag upo namin pumasok yung teacher namin. Tapos binigay na yung sitting arrangement namin. At nabwiset ako kasi "boy, girl, boy, girl" ang arrangement. AT YUN ANG PANGET NG PWESTO KO. Hindi naman sa panget actually gusto ko naman talaga sa hulihan ang kaso yung seatmates ko. Kami kami pa yung sa huli, kami ni Yassi tapos ilang girls at yung "5 Corners"

Ganito yung arrangement:

Yassi - Bret - Nadine - James - Devon - Aj - Rica - Andre - Kath - Daniel

Ugh! Nakakainis!

TBC

I'M BACK!!- Jadine fanfic. {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon