35-Band

1.6K 46 4
                                    

"Ikaw talagang Hosep ka!! Ang hilig parin gumala ng walang pangitaas!!"

"Ah! Bitaw!" sabi niya. Binitawan ko naman at tumawa gawa ng muka niya. Bigla siyang sumimangot at sinabing, "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Hosep ang pangalan ko? Kean po ang pangalan ko, hindi Hosep." nakasimangot niyang sabi.

"Oo na! Kean ka na kung Kean!" sabi ko. "Yie! nagseselos parin naman siya!" Hahaha ang sarap asarin netong si Kean.

Alam niyo bakit ko siya tinatawag na 'Hosep'? 

Kasi dati may banda kami-- wait.. May banda nga pala kami!!!

"Ah-Kean! kamusta na nga pala yung banda?" pagtatanong ko.

"Hmm... Yung banda?" tumigil siya sa pagsasalita saglit. tas ngumiti siya ng parang mahina, alam niyo yun? "Wala na." napalunok ako

"Bakit?" tanong ko

"Diba nga? May rules tayo noon?" tumigil siya ng onti "Rule 1, hindi pwedeng lumabag sa rules. Rule 2, bawal tumugtog ang banda hanggat wala ang isang member. Hindi bat nawala ka?" pagpapaalala niya saakin ng mga rules. 

"Iiihhh, a-andito nanaman ako eh. So, pwede na tayong tumugtog ulit?" 

"Sure ka? Mukang ang tagal mo nang hindi nakakapag practice ah! Kaya mo pa kaya?" sinasabi niya yun na may halong pangaasar. 

"Anong akala mo sakin? Porket ang tagal ko nang hindi tumutugtog, hindi na ako maalam? Ganon?" 

"Hmm..." pagiisip niya "Sa 4 years kang nawala, sa tingin ko oo." napasimangot nalang ako. 

"Sige alis ka na!" pagtataboy ko

"O! Galit ka na agad?" 

"Hindi ako galit! Pagod lang ako! Kailangan ko nang magpahinga. Tawagan nalang kita pag gusto ko nang magkita tayo."

"Yun parin ba number mo?" 

"Oo! Ge na! Alis na!" 

At umalis naman siya.

***

Nandito na ako sa harap ng pinto ng dati kong kwarto. 4 years na nung huli kong binuksan ang pintong to. Huminga ako ng malalim bago buksan yung pinto. 

Napangiti nalang ako nung makita ko ulit yung dati kong room. Pumasok ako doon at tumingin sa paligid. Color mint green kaya parang nakakarelax sa utak. Haha. 

Pumasok ako dun sa isang room kung saan doon ako nagpapractice ng gitara. May gitara lang at may electric guitar din. Soundproof yung kwarto. Kinuha ko yung gitara at nagplay ng natatandaan kong notes. Nakalimutan ko na kung pano. Arghh!! Waah! Gusto kong mag gitara. T_T 

Lumabas nalang ako ng kwartong yun habang malungkot yung muka ko. Napagisipan ko nalang na matulog. Kaya natulog na ako.

***

Nagising ako ng maramdaman ko ang gutom.

1:30 p.m. na pala. Kaya pala nagugutom na ako. 

Naligo ako at nagpalit. Bumaba ako at tinignan kung anong pagkain. 

Fried chicken. tch! Ayoko nan. Gusto ko ng inihaw.

Kaya cinontact ko nalang si Kean at inaya ko siyang lumabas.

***

Andito na kami ni Kean ngayon at nakain ng streetfoods. 

"Grabe naman, di ka parin pala nagbabago. Matakaw ka parin sa streetfoods." natatawatawa niyang sabi at ako naman etong inirapan lang siya at tinuloy ang pagkain ng street foods.

I'M BACK!!- Jadine fanfic. {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon