46

677 28 1
                                    

Nadine's POV

"Ano ba guys, ginagawa niyo na silang model eh" narinig kong sabi ng isa.

"Hayaan mo nalang"

"Ang sweet kaya!"

"Relationship goals!"

"Psh!"

"Andre, try mo kayang maghanap ng bago. Naiiwan ka na oh!"

"Yeah. Samahan mo ko mamayang gabi. Party tayo baka sakaling may mahanap ka."

"Oyoyoy! Ano yan? San ka pupunta mamaya? Ha? Bret?"

"Ah.. Hahaha. Wala po."

"Mga tol, wag kayong maingay baka magising. Hoy! Aj! Ayusin mo nga yang pagda-drive mo. Inis na si Fatima sayo oh. Landi kase"

"Lakampake"

"Daniel! Sabi mo tumahimik tas ikaw naman ang sigaw ng sigaw"

"Sorry po."

"Paabot nga nung Lay's!"

"Ang sweeet!!"

"Sana ganyan din ako"

"Oh! Bret! Eto! Takaw takaw eh! Atsaka anong sinasabi mo diyan Kath? Ha?"

"Wala!"

"Hindi eh! Meron eh!"

"Sige nga! Ano?"

"Sabi mo sana ganyan ka din"

"Alam mo pala nagtatanong ka pa"

"Oh tama na yan."

"Bret! Penge!"

Hindi ko na kinaya yung ingay.

Onti onti na akong nagmulat.

"Huy! Sh! Sh!" narinig ko.

Tinignan ko sila. Nakatingin silang lahat sakin. Except siyempre sa nagda-drive.

"Anmeron?" tanong ko. Uupo na sana ako ng maayos kaso hindi ko maigalaw yung katawan ko. Tinignan ko kung bakit. Yakap pala ako ni James.

Tinignan ko sila. Nakatingin lang din sila sakin.

Okay.

Ang awkward.

Anyayare?

"Ehem" may nagkunwaring ubo at si Daniel yon. Tas umayos na siya ng upo. Ganon din naman silang lahat, umayos ng upo.

Nangangalay na ako. Sakit na ng pwetan ko. Huhu.

Triny kong gisingin si James sa pagtapik.

"James, hubby.. Gising na" nagising naman.

"Yeah? What do you need?"

"Paki alis na nung kamay mo sa katawan ko. Nangangalay na ako eh" nginitian ko siya.

"Sure yeah" tas inalis na niya yung pagkakayakap sakin. Inayos niya bigla yung buhok niya tas sumandal nalang ulit at natulog.

Okaay? Hmm.. Nagugutom na ako.

Malapit na pala kami.

"May pagkain ba kayo diyan?" tanong ko.

"Ah. Oo eto oh" buglang inabot sakin ni Andre yung kinakain niyang nova.

"Bilis ah"

"Dumadamoves" may mga tumawa ng mahina. Ano kaya yun? Tumingin nalang ako kay Andre at nginitian ko siya at nagpasalamat.

Tumingin nalang ako sa bintana. Kami lang naman ni James dito sa likod.

May nagmessage sakin.

From: Yass

*picture*
Madami pa niyan dito sa phone ko. Kung gusto mo pa ng pics sabihan mo lang ako😉

Tinignan ko yung picture.

Kaming dalawa ni James na natutulog.

Napatingin ako kay Yassi pero nakatalikod siya sakin. Nakangiti yan panigurado. Ngumiti nalang din ako at binaling ang tingin sa bintana.
May nasiraan ng kotse. Andun siya sa gilid lang. Eh, wala namang katao tao dito. Daanan lang naman kasi to ng sasakyan.

Magisa lang yung lalaki. Tinignan ko siyang mabuti.

"Itigil niyo!! Itigil niyo!"

"Aw!!"

"Ouch!"

"Nadz! Bat ka ba biglang sumisigaw? Buti may seatbelt ako! Kakagulat ka eh!" sigaw ni Aj.

Bigla nalang kasing huminto yung sasakyan.

Napahawak ako sa noo ko. Aw! Ansakeet! Tumama kasi sa salamin.

"Feel ko napango ako" may pagkangongong sabi ni Kath. Tinignan ko siya at hawak niya yung ilong niya.

"Ako naman feel ko magkakabukol ako" sabi ni Yass na nakahawak din sa noo niya.

"Pft! pffthh!!" nagpipigil ng tawa si Daniel at Bret.

"Ano bang meron Nadz?" tanong ni Fatima.

At naalala ko.

"Baba. Baba" sabi ko kay Yass para tanggalin niya yung upuan na nakaharang sa dadaanan ko pababa. Tinanggal naman niya kaya binuksan ko na at bumaba na ako.

"Nadz anong meron?"

"San ka punta?"

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa nung dalawa. Mga baliw.

Lumapit ako doon sa may kotse. Nakalayo layo kami ng onti sakanya. Pero agad din naman akong napansin nung lalaking yun.

"Ivan? IVAN!" sigaw ko sakanya.

Tinitigan niya muna ako bago ako nakilala. Malayo pa kasi siya samin kaya hindi niya agad kami nakilala.

"Nadine!"

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

HALLOOOO!! GUYS MAIKLI LANG MUNA TO HA? HAHA. SORRY NALANG SA MGA MALIMALI.

SO YEAH. MALAPIT NA MATAPOS. NAAAMOY KO NA YUNG ENDING. (Naaamoy?! Whut?~>_<~) BASTA YUN. HAHAHA

;)

I'M BACK!!- Jadine fanfic. {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon