Maver & Coleen - special chapter

3 1 0
                                    

"Sabagay may punto ka." Anya ko.

"Coleen!" Tawag ng kung sino mula sa likod ko.

"Yes?" Tanong ko ng hindi lumilingon.

"Truth or dare tayo asan yung iba?" Tanong ni Kirro, siya lang pala. Tumango ako saka itinuro yung swing kung nasan yung iba.

"May ginagawa ka?" Tanong niyang muli sakin. Tumango ako ng hindi inaalis ang tingin sa laptop. "Sunod ka sa may swing hah dun nalang tayo mag truth or dare." Ani niya pa na tinanguan ko lang din.

"Nahanap ko na." Ani ng kausap ko sa phone. "Idadaan ko nalang jan mamaya babe." Imporma niya pa sa akin.

"Sige, so ibibigay ko nalang sayo yung flash drive tutal pupunta ka rin naman." Ani ko bago nag paalam sa kanya.

"Tapos muna?" Gagad ni Ashi sa akin ng makalapit siya. Pasimple naming tinatapos ang lahat ng school projects namin. Which I mean is yung trabaho namin. Pinatigil siya ni Kaivo sa trabahong nakasanayan namin a year ago. And now, nalaman niyang may malaking project ang RTP na hindi kaya ng iba, kaya kami ang gagawa... Ng palihim.

"Truth or dare daw." Ani Mary na sumulpot mula sa harap namin. Pasimple kong in-off ang laptop ko saka pasimpleng binunot yung flash drive at itinago sa bulsa ng suot kong dress. Kaming dalawa lang kase ang nakakaalam nitong project ng RTP, hindi alam ng tatlo kaya kailangang mag ingat.

"Oo na susunod na ayaw mag hintay eh." Kunwari'y naiinis na saad ko na ikinatawa ni Ashi.

"Tara na nga Mary yaan mo na yan meron ata ngayon kaya bad mood." Ani Ashi saka hinatak si Mary palayo pero bago yun lumingon pa siya at sumenyas ng ok sign.

Hacker si Stella kaya siniguro ko muna na hindi niya mahahack ang mga gamit ko kung sakaling makakutob sila ng kung ano bago sumunod sa kanila.

I thought nandito sila sa swing pero wala namang tao.

Inilibot ko ang paningin ko at napatigil yun ng makita si Maverick na lumabas ng kitchen at papalapit sa akin.

"Nandun sila sa pool area." Anya saka naunang mag lakad papuntang pool.

Mula dito kitang nag eenjoy silang mag swimming. Girls only wearing two piece while boys shorts. I saw Maver remove his black shirt, he have that masculine body and six pack abs.

Etong future husband ko masyadong perpekto para sa akin. Have a wealthy family, secretly mafia boss too and multimillionaire at the young age. Kahit siguro di na ako mag aral, okay lang kase mayaman siya.

Kaso hindi pala ako gusto punyawa. Pero sabi nga nila kapag ayaw satin.

Ipilit natin.

I removed my dress without breaking my eye contact on his body, halos matumba pa ako ng bigla siyang lumingon sa akin. I secretly inhale before looking at his eyes and raised my eyebrows, He just shook his head and look back at the pool. He have that small smirk na hindi ko mawari kung pinipigilan niyang lumabas or what.

Lumapit ako sa pool para sana umupo sa gilid nito pero mabilis akong nilapitan ni Kirro saka itinulak, sanhi ng pag hulog ko sa pool.

Tànginang Kirro toh hindi ako marunong lumangoy!

Maagap na lumapit sila Mary at Ashi sa akin at dinala ako sa gilid ng pool. Tumatawang Kirro ang nabungaran ko ng makakapit ako sa may pool.

"Tàngina mo!" Mura ko sa kanya pero ang gagu patuloy paring tumawa.

"Iahon mo Kirro!" Sita ni Ashi kay Kirro. Sa malalim na side niya pa ako itinulak. Ang gagung Kirro umiling lang habang tumatawa at saka nag lakad palapit kila Kai na nakamasid lang samin. Sinubukan naman akong iahon ng dalawa kaso diko kaya.

Love In War (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon