4

8 1 0
                                    


Wyntere's POV


 "Tere, sorry talaga paki-lagay rin daw pala 'to!" 

 "Tere, eto na yung photopaper!"

 "Tere, tawag ka ni Miss. Dame!"

Hilong hilo na ako, kaya ayoko sa ganitong event. Bukod sa nakakapagod, nakakairita pa. Sila lang naman masaya, oo sige sabihin na natin masaya, kaso mas nangingibabaw yung pagod kesa sa saya.

 KJ na kung KJ. 

 Ako nga pala yung taga layout slash taga plano slash ako pa taga luto niyan sa sabado. Mapapa mura ka nalang talaga. Sa dinami dami ng booth na pwede gawin, pagkain pa talaga. 

Sinuggest ko na nga sana na magbenta nalang kami ng random na bagay eme kaso ang kukulet. Kada department kada block iba iba ang booth. Malamang kami.. ayan. Nauwi sa luto.

Nahiwalay ako sa mga kaibigan ko, sila kasi nag Tourism and Pyschology ako nasa IT. Put— Sa ngayon. Naghahanda palang kami para sa event. Guess what, dalawa ang booth ang inaayos ko. Isa para sa Journalism Club namin isa sa Block ko. Mamamatay na ako, Editor in Chief pa ako.

 Bakit mo ba pinili 'tong path na ito tere? 

Bobo ka ba? 

Oo girl bobo ka.


 "WYNWYN!!!" Napalingon ako.

 Si Ate Rina, bestfriend ko! 

"Hi ate!" Napangiti ako. 

Tourism student yan, pambato ng school namin sa mga contest. Sorry taken na yan. 


 "Hi baby wyn ko, kamusta? Ako lang nakadaan dito busy rin sila ning tas gigi." 


 "Okay lang ate, magkikita kita rin naman tayo bukas hehe. Ikaw atee kamusta? " Ngumiti ako at ngumuso siya.  "Nag-away kami ni Yong" nagbago naman ang mata niya. Nalulungkot si ate, ngayon ko lang din naencounter na nagaway silang dalawa, for real. 


 "Hala ate, hindi po ba pupunta siya bukas?" Napabuntong hininga siya.


 "Oo kaso sinabi ko sakanya wag siya magpapakita sakin bukas. Nagsisisi ako! Huhu. Miss na miss ko na kaya yun!" Yinakap niya ako. Tinapik tapik ko naman yung likod niya. 


 "Kahit sabihin mo yan ate pupunta yan. Love na love ka niyan!" Bumitaw siya sa yakap namin at pinunasan yung luha niya. 


 "T-totoo ba? Sana nga...nga pala hehe. Kung pupunta si yongie ko means may kasama siya hehe." Napangiti ako.


 Oo nga pala baka pumunta din si Wayde, siya yung nakilala ko through Call of Duty. Walang halong harot, naglaro lang kami ng ilang games tapos tinanong niya ung Name ko sa FB.

 Actually di kami sa Call Of Duty una nagkakilala, sa personal. Sinama ako ni ate Rina sa Birthday ni Taeyong noon. Nakita ko na siya doon, di ko lang inexpect na siya pala yung Kaduo ko sa COD. Nagulat din siya, what a coincidence daw. 

Lol, kaya ngayon inaasar ako ng mga kaibigan ko diyan kay Wayde/Mark. 

"Oo nga ate, hehe." Sagot ko tapos nagpaalam kagad ako na may gagawin ako. Potek na yan, aasarin na naman ako neto eh.

stolen - jaehyun x winterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon