10

11 1 0
                                    


                                                                                    Wyntere's POV



 Tulala ako ngayon, hiyang hiya ako sa kanina. Sana wala siya dito, sana napadaan lang yon. Malaki laki naman 'tong school naminimpossible naman na magtatagpo uli kami ng landas..at tsaka isa pa mukha naman siyang di taga dito. 

 Iniwan na naman ako dito magisa! Lahat sila nagikot ikot namigay ng stub at nag hahanap customer. Sana nagiwan man lang ng dalawang makakatulong ko di ba? 

 Speaking of...."Tere, guess what? May kakain dito taga NCIT sila!!" hingal na hingal 'tong kaklase kong si Pia, nakakakita na naman ng pogi. 


 "Oh" Sagot ko habang nakatingin sa linuluto ko. 


 "Tapos na ba kayo? Help niyo muna ako dito. Mamaya kasi sa kabilang booth naman ako." Malamig na sambit ko. 


 "Sorry tere" Mahinang saad ni Ana o Anne, kaklase ko din. Tumango lang ako. 

Lumipat ako sa kabilang lutuan, para icheck yung pasta. Ilang minuto lang unti unti na may mga dumating na kakain. Sila na pinagseserve ko, kasi ako naman nagluluto. 


 "HII OMG PUMUNTA NGA KAYO!!" nagulat ako kay Pia anlakas nung boses, kaya napatingin din ako. Unang nakita ng mata ko.. si Wayde! Bakit andito to!?

 Hala oo nga pala, sabi ni ning kanina andito na si Taeyong yung boyfriend ni Ate rina! Kasama nga talaga siya, di lang siya. Halos lahat ata nung kaibigan.

 Nabitawan ko yung sandok na hawak ko sa nakita ko..Yung lalaki 'to kanina sa banyo ah! Bakit andito 'to? Wag mong sabihin na.."Wyntere?" 

Lumapit si Wayde patungo sa booth kung saan ako nagluluto. "Uy wayde! Bakit andito ka?" Kunware nagulat ako okay.

 "Inaya kami ni Taeyong hyung! Sabi niya open house daw. Di ko naman inexpect na makikita kita ngayon!" gagi malamang nagaaral ako dito. Tumingin ako sa Likod niya, nakaupo na lahat nung kasama niya. 

Nagtama ung mata naming dalawa! Yung lalaki sa CR! Tinago ko kagad yung mukha ko sa harap ni Wayde.Nagsasalita pala siya di ko napansin, kinakabahan kasi ako. Nahihiya ako sa kanina as in.

  "Nga pala, yun yung mga kaibigan namin" umalis siya sa harap ko, i mean para makita ko ung nasa likod niya tinuro pa niya. 

OMYGOD! Wala ako magawa, di ko naman pwede iwas mukha kobaka sabihin ang weird ko. Kumakaway sakin yung mga kaibigan niya, except dun sa lalaki kanina. Nagtama mga mata namin, medyo nanlaki mata niya.

 Hala? Bakit siya tumatawa..? 


 "U-uh, wayde ano pala order niyo. Pakisabi nalang dun kay Ana. Siya mag assist sainyo. Nag luluto kasi ako." Sabi ko tas tinawag ko si Ana, feeling ko na weweirduhan si Wayde ngayon sakin. Bago siya umupo tinanong niya pa kung okay lang daw ba ako.. 

 Ang hirap.. ung lutuan nakaharap sakanila.. parang gusto ko nalang maging noodles ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

stolen - jaehyun x winterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon