5

7 1 0
                                    


Jaesper's POV


 Saturday, 10am.


"Antagal naman" Reklamo ni Hyuck habang nasa sasakyan kami. 

Andito kasi kami sa tapat ng Flower Shop, bumibili si Taeyong Hyung. Bulaklak para sa girlfriend niya, ilang minuto na kasi siya nasa loob. Mainipin pa namanmasiyado 'tong mga kasama ko. Nga pala, papunta na kami sa school nung gf ni Taeyong hyung. Di na kami nakapagusap sa GC. Nagusap usap naman kami kahapon, after class. Pagod rin kami, tinapos namin yung activity.

 "Wow"

 "Grabe" 

"Sana all"

 Lahat kami nagulat paglabas ni Taeyong hyung doon sa Flower Shop. Paano ba naman ang ganda at ang laki nung Bulaklak. Parang kasing laki yata ni Taeil Hyung.

 Binuksan namin ung pinto para mailagay yung bulaklak sa loob. Sobrang sikip na namin napaisip din kame paano lalagay. Sira kasi yung kotse ni Doyoung kaya yung kotse lang ni Johnny Hyung ginamit.



 Ganito seating arrangement namin sa loob ng kotse. 

 Driver(JHNNY) - PSEAT(TL) 

 Yuta - DY - Ako - TY

 Hyuck - Mark - Zeus

 Ansikip di ba?



 "Saan ilalagay yan hyung!?" Tanong ni Hyuck. 

"Diyan sainyomalamang, di na kasya dito" Napa-yes naman kami. 

"Dapat lang apat na nga kami dito eh." Reklamo ni Doyoung.

 "Anlaki kasi hyung eh!" Reklamo rin ni Hyuck. 

"Edi wag ka sumama gago" sa huli sa likod rin nailagay yung bulaklak, nakahiga sa mga hita nung tatlong nasa likod. 1 hr and 30mim ang nakalipas, nakarating rin kami. 

Buti nga hindi traffic. Medyo malayo talaga siya sa school namin at mga bahay namin. Naghanap ng mapaparkingan si Johnny hyung, tinuro naman kagad siya ng guard sa pwedeng maparkingan.

 Ako ihing ihi na.

 "Hyung, baba mo muna ako naiihi na ako." Di ko na talaga kaya.

 "May bote tayo" sabi ni Zeus. Minura ko nalang siya at nagpababa kagad kay hyung. 


Umalis na yung kotse para pumunta dun sa pag paparkingan nang bigla mag sink-in sa akin na hindi ko nga pala alam 'tong school na 'to.


 "Wtf, i really need to pee. Bahala na nga." Hinanap hanap ko yung CR, marami rami na rin palang tao dito. Kahit ihing ihi ako napansin ko na maganda rin pala ang school nila. Kahit na public ito, parang wala naman masyadong pinagkaiba sa school namin.


 "Ayun!" Nakita ko na rin sa wakas. Pumasok kagad ako at umihi. Habang umiihi ako may narinig ako na papasok. 


 "ARGHHHHHHHHHH!!! NAKAKAPAGOD NA!!" Biglang napigil ung ihi ko sa sumigaw sa loob nung banyo. Napazipper ako bigla kase tili ng babae yon. 


Tinignan ko kagad kung sino yon. Gago babae nga. 

 Nakaupo siya nakasabunot sa buhok niya.

 Di ko makita mukha niya kasi nakatalikod siya sakin. Bakit siya andito sa CR ng mga lalaki? Lumapit ako.

 "Uh miss—" Nagulat naman siya at lumingon.


 Sino 'to gago?


 Bakit ang ganda? 


 Napatayo siya at nanlaki ang mata niya. Lumabas kagad siya para tignan ang sign nung CR. Mukhang chinecheck niya kung nasa panlalake o pambabae ba siya na CR. Nanlaki uli mata niya, tumingin siya sakin at tumakbo bigla palayo. 


 "hala."


stolen - jaehyun x winterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon