9

6 1 0
                                    

Jaesper's POV


 "Ano ba kasing ginawa mo at natibo ka?" Mariin na tanong ni Doyoung.

 Nagkita-kita na pala kamiuli nahanap ko na sila, Sabi ni Taeyong hyung Building 3 daw tas nadatnan ko lang don silang dalawamag-jowa. Mukhang may naistorbo pa nga yata ako, umiiyak iyak pa si Taeyong hyung.

 Andito kami ngayon sa labas grounds, medyo awkward lang dami nakatingin. Si Mark kasi umihi din pala tapos pagbaliknatibo na.

 "Ayan sinasabi ko sayo! Manununo ka!" Sabi ni hyuck. Pinagsasasabe neto.

"May dwende ba naninibo?" Tanong ni Zeus. 

 "Oo nga alam ko lang namumutol ng ano"

 "Ano?"

 "Hmm...Dila"Sa gitna ng pag-aray ni Mark ang pag-kwekwentuhan nila patungkol sa mga bagay na walang kakwenta kwenta.  Si Johnny hyung nagtatanggal nung bubog sa paa niya. Ayaw kasi magpadala sa Clinic. 

 "Paano ka makalalaro niyan?" 

 "Sus, tagal pa naman yung laban."

 "Practice syempre"

 "Bahala na"Buti nalang may dala kaming First Aid Kit, este si Johnny hyung. Sa kotse niya.

 Nalagyan na ni hyung ng benda paa niya pinag-tsisinelas nalang nga syaayaw amputek, nakakabawas angas daw baka makita daw siya nung crush niya. Naalala ko na naman yung babaeng maputi sa cr kanina, tawang tawa pa rin ako.

"Kakain na ba tayo?" Tanong ni Hyuck. 

"Tara, gutom na rin ako eh." Sagot naman ni Yuta. "Chat mo nalang si Taeyong,  Jae. Hahanap na kamo tayo ng makakainan." Utos ni Taeil hyung.

Tumango ako at chinat kaagad si hyung. Habang nagphophone ako naririnig ko na may kumakausap kila zeus na student ata sa school na 'to.

 "Hello! BSIT Students kami, ibang school po ba kayo?" 

 "Ay opo, hello!" Sagot ni Zeus 

 "Saang school po kayo galing? hihi"

 "Hoy umayos ka." Bulong nung katabi nung isang babae.

 "NCIT po kami." 

 "AY OMYGOSH!!!" napatingin ako. siniko siya nung katabi niya na babae. 

"Pasensya na kayo, sa kaibigan ko."  

"Ay hindi ayos lang! hehe" sabi nila Johnny Hyung. Napatingin sakin ung babaeng katabi nung maligalig na babae. 

 Ngumiti lang ako, umiwas naman siya ng tingin. "Uhm, gusto lang namin kayo inbitahan sa booth namin. may mga tinda kaming pagkain."

 "Ayun pala eh!!" Sabi ni Hyuck. 

 "Sakto" Yuta. 

 "Ano-ano pagkain niyo?" Tanong ni Taeil hyung.

 "May mga pasta, desserts at may samgyupsal din kami!!! Punta na kayo!" Inabutan kami ng stub ata 'to. 

 "Sige, punta kami ngayon." Sabi ni Doyoung hyung at ngumiti na rin kami pareparehas. 

 "Bye! Punta kayo ah!!" Hinila na nung isang babae paalis ung kasama niya.

stolen - jaehyun x winterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon