3rd Person's POV
Pagpasok kagad nila Taeyong kasama ang kaibigan niya lahat ng mata nakatuon sakanila. Dagdag mo pa yung malaking bulaklak na dala nila. Si Hyuck at Mark lang naman ang may buhat neto.
Nagrereklamo na nga sa sasakyan palang eh.
"Saang school kaya sila?"
"Pogi gago, mukhang mayaman pa."
"Grabe ang swerte nung bibigyan nung bulaklak."
"Boyfriend 'yan nung Rep natin. Yung isa yun yung nauuna maglakad."
"Ay sabi na eh!"
"Omg nginitian ako nung isa!!"
"Hoy zeus, kalma mo kalandian mo ah" Sambit ni Johnny habang kumakaway kaway.
"Nakakahiya naman sa'yo. Pakaway-kaway ka pa feeling artista"
"Mga baliw" Napailing nalang yung ibang kaibigan nila. Napatigil sila nung sumigaw na si Taeyong.
"Love!" Sigaw ni Taeyong. Tumakbo kagad si Taeyong kay Karina pati na rin si Mark at Haechan na may dalang bulaklak.
"Ayun! Buti naman nakita ka na namin. Bigay ni Hyung yan sa'yo!" Bago pa mayakap ni Taeyong si Karina binigay kagad ni Hyuck at ni Mark yung Bulaklak.
"Bye!!!" Tumakbo kagad si Hyuck papalayo. "Gago talaga 'to—" Tumingin kagad si Taeyong kay Mark. "Sorry hyung ako din!" Sumunod na kagad si Mark kay Hyuck.
Si Taeyong nalang kumuha nung Bulaklak nagpatulong siya kay Doyoung,Yuta at Taeil.
Si Zeus at Johnny sumunod na rin kila Mark. Natuwa si Karina sa binigay ni Taeyong, bukod don syempre sa pagpunta niya kahit di sila okay.Pumasok muna sila sa bakanteng classroom para magusap.
Binaba na rin nila Doyoung, Yuta at Taeil ang bulaklak at sumunod na rin sa ibang kaibigan nila. Hinayaan muna nila magusap yung dalawa. "Asan na si Jae?" Tanong ni Taeil.
"Papunta na yun, nagchat na sa gc eh. Saan daw tayo" Sabi ni Doyoung habang nakahawak sa phone niya.
"May kwento daw siya haha" Natatawang sambit ni Yuta.
"Mukhang kagaguhan na naman"
"Oh?" Napakuha rin si Taeil sa phone niya para magbasa sa gc nila.
Sa kabilang banda naman, tuwang tuwa sila Hyuck dahil sobrang daming ganap ngayon.
"Nagugutom na ako."
"Maya na tayo kain, Libot muna tayo." Sabi ni Mark kay Hyuck na nakahawak sa tyan habang nakatingin sa mga tinda na pagkain. Nakasunod na rin yung iba sakanila. Tumitingin tingin din sa mga Booth.
"Teka, iihi nga rin ako." sambit ni Mark.
"Alam mo ba kung saan CR?"
"Hinde. Sa katabing bakanteng lote nalang."
"Manuno ka sana."
"Magtatabi tabi po ako." Palabas na si Mark sa school nang matigil siya sa narinig niyang iyak.
"Ang aga aga may multo dito?" Napansin niya galing sa isang classroom yung iyak. Dahil chismoso siya, pinuntahan niya. May nakita siyang babae na umiiyak sa lapag, sa harap nung mga basag na Vase.
Nagdudugo yung paa niya. Dali-dali naman niyang linapitan yung babae.
"Hala okay ka lang ba?" Nagpapanic na si Mark, tinignan kagad niya yung dugo sa paa neto at naghanap kagad siya ng First Aid Kit.
Napatigil si Giselle sa pag-iyak dahil sa lalaking nasa harap niya ngayon.
"Teka hintayin mo ko— ay hindi. Dadalhin nalang kita sa Clinic niyo. Ituro mo nalang kung saan" Di na naka-angal si Giselle at tumango nalang habang humihikbi. Binuhat ni Mark si Giselle, di namalayan ni Mark na may mga natapakan siyang basag na Vase na nakatusok na ngayon sa sapatos niya.
Kada lakad niya bumabaon, kaya napahinto siya nung naramdaman niya yun, pero naglakad na rin siya uli nang mabilis para maidala na si Giselle sa Clinic. "Dito ba?" Tanong ni Mark kay Giselle. Umoo si Giselle at pinasok niya kagad si Giselle sa loob.
Pinagpapawisan na rin si Mark, hindi dahil napagod siya. Kundi nararamdaman niya yung nakabaon na basag na Vase sa paa niya. "Ano nangyari giselle? Bakit nagdudugo paa niya?" Tanong nung Nurse. Binaba kagad ni Mark si Giselle sa higaan.
"Mukhang nabagsakan o natapakan po yata niya yung basag na vase. Kayo na po bahala sakanya. Thank you po."
"Thank yo—" bago pa makapagpasalamat si Giselle umalis na si Mark.
Napansin niya na ika- ika na si Mark bago lumabas.
BINABASA MO ANG
stolen - jaehyun x winter
ЮморThis is where every story starts, laughter, sadness, happiness and love. Can they bring back the life that was stolen by fate? "No.. you can't" +++ ↳ +originally posted in twitter (will continue here) ↳ +tagalog - english ↳ +grammatical errors...