KABANATA 3

157 12 0
                                    

"Neng, ano bang nangyari?" agad na tanong ng taxi driver habang nagmamaneho.

Tumingin muna ako saglit sa kakaking nakahiga sa may backseat bago tumugon.

"Hindi ko rin po alam manong, hindi ko rin po siya kilala, nakita ko na lamang po siya na nakahandusay sa kalsada at basang-basa ng ulan," sagot ko naman dito at gamit ang aking mga palad ay pinunasan ko ang aking mukha na basang-basa rin ng ulan.

"Baka galing siya sa custome party mukhang naka custome ng pang sinaunang kasuotan eh," tugon naman ni manong driver.

"Baka nga po ganuon, salamat po pala, mabuti na lamang po at tinulongan ninyo kami,"

"Mabuti nalang nga at naisipan kong dumaan dito at may fast food restaurant sana akong pupuntahan para bumili ng pasalubong sa mga anak ko, sana ay ayos lamang siya," nag a-alalang wika naman ni manong.

"Sana nga po," tugon kong muli at muling pinagmasdan ang lalaking walang malay.

Upang hindi mauntog ang ulo nito sa bintana ng taxi ay dahan-dahan kong ipinatong ang ulo nito sa aking balikat at pagkatapos noon ay bumuntong-hininga ako.

Habang nasa biyahe ay muling bumalik sa aking ala-ala ang lalaki kanina na aking nakabanggaan.

"Nasaan na kaya 'yon? Sana naman walang masamang mangyari sa kaniya at napaka sama pa naman ng panahon, ay bahala nga siya!" mga nasa isipan ko habang nakatingin sa labas ng taxi.

"Malapit na tayo neng," sambit muli ng taxi driver.

"Salamat po talaga,"

Dahan-dahan namang huminto ang kotse sa harapan ng isang maliit na hospital at agad namang lumabas si manong driver upang magtawag ng nurse upang humingi ng tulong sa pagbubuhat sa lalaki.

Agad namang rumesponde ang mga nurse na lalaki.

"Nandito po ang pasyente," nag aalalang saad ni manong driver.

Agad namang binuhat ng dalawang lalaking nurse ang walay malay na lalaki mula sa taxi at dahan-dahan na inilagay sa rescue hospital bed ng mga nurse.

Nang masigurado na ayos na ang pagkakalagay dito ay agad na nilang dinala sa loob ng Intensive Care Unit ang lalaki.

"Dito nalang po muna kayo sa labas ma'am," pakiusap ng isang babaeng nurse at isinara ang pinto ng ICU, kaya naman naiwan lamang ako sa labas nito.

"Neng, ayos ka lang ba?" Napalingon ako at nakita si manong driver.

"Opo, salamat po pala, akala ko po ay umuwi na po kayo," tugon ko.

"Nais ko munang masigurado na nasa mabuti kang kalagayan bago ako umuwi," sagot nito.

"Opo ayos lamang po ako, huwag ninyo na po akong alalahanin,"

"Sigurado ka ineng?" tanong nitong muli, tumango ako bago muling nagsalita.

"Opo manong, ingat po sa pag-uwi, walang hanggan ang pasasalamat ko po sa inyo, iniligtas ninyo kami,"

"Wala iyon ineng, masaya ako na makatulong sa mga nangangailangan, sige na neng, mau-una na ako ha, hinihintay pa kasi ako ng mga anak ko, ako nalang kasi ang kasama nila at yumao na ang mahal kong asawa," paliwanag nito.

"Opo, huwag po kayong mag alala, maayos po ako at magiging maayos din po ang lahat, salamat pong muli, balang araw kapag po muli tayong pinagtagpo ng tadhana susuklian ko po ang kabutihan na ginawa ninyo sa amin," sambit ko, nang mga panahon na iyon ay ramdam ko na rin na nag iinit ang aking mga nata at tila may mga luhang nangigilid.

"Paalam ineng," wika ni manong at kumaway pa. Matapos noon ay naglakad na rin siya palabas.

"Ingat po!" Kumakaway ko ring tugon.

Nang makita ko na nakalabas na si manong ay agad akong umupo sa upuan na nasa may labas ng ICU.

"Hay! Ano na bang mangyayari? Sana okay lang siya," buntong hininga kong saad at mariing ipinikit ang mga mata.

To be continued.
Salamat po sa mga nagbabasa. Pasensya na kung may mga mali, typo etc. Nasa jeep po kasi ako habang tinatype ang update kong ito para sa inyo guys.

Votes and comments are highly appreciated.

His Promises Since 1896 (To be published under PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon